11 "Sapagkat ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Ako mismo ang maghahanap sa aking mga tupa at mag-aalaga sa kanila. 12 Akoʼy magiging tulad ng pastol na naghahanap sa kawan niyang nakakalat. Ililigtas ko sila saang lugar man sila nakakalat noong panahon ng kaguluhang iyon.34:12 panahon ng kaguluhang iyon: Sa literal, madilim at maulap na araw. 13 Titipunin ko sila mula sa ibaʼt ibang bansa at dadalhin sa sarili nilang lupain. Doon ko sila aalagaan sa mga kabundukan ng Israel, sa tabi ng ilog at mga lupang tinitirhan ng tao. 14 Dadalhin ko sila sa sariwang pastulan sa kabundukan ng Israel. Dooʼy manginginain sila habang namamahinga. 15 Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang mismong mag-aalaga sa aking mga tupa, at silaʼy aking pagpapahingahin. 16 Hahanapin ko ang mga nawawala at ang mga naliligaw. Gagamutin ko ang mga may sugat at may sakit, palalakasin ko ang mahihina. Ngunit lilipulin ko ang matataba at malalakas na tupa. Gagawin ko sa kanila kung ano ang nararapat.
Ezekiel 34:11-16
Em outras traduções
- ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)
11 Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako, sa makatuwid baga’y ako, sisiyasat ng aking mga tupa, at aking hahanapin sila.
12 Kung paanong hinanap ng pastor ang kaniyang kawan sa kaarawan na siya’y nasa gitna ng kaniyang mga tupa na nangangalat, gayon ko hahanapin ang aking mga tupa; at ililigtas ko sila sa lahat ng dako na kanilang pinangalatan sa maulap at madilim na Ezek. 30:3;Joel 2:2.araw.
13 At aking ilalabas sila sa mga bayan, at pipisanin ko sila mula sa mga lupain, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain; at pasasabsabin ko sila sa mga bundok ng Israel, sa tabi ng mga daan ng tubig, at sa lahat na tinatahanang dako sa lupain.
14 Aking pakakanin Awit 23:2.sila sa mabuting pastulan; at sa mga mataas na bundok ng kataasan ng Israel ay malalagay ang kanilang kulungan: Jer. 33:12.doon mangahihiga sila sa mabuting kulungan; at sa matabang pastulan ay manginginain sila sa mga bundok ng Israel.
15 Ako ay magiging kanilang pastor ng aking mga tupa at aking pahihigain sila, sabi ng Panginoong Dios.
16 Aking hahanapin ang nawala, Mik. 4:6;Mat. 18:11.at ibabalik ang iniligaw, at tatalian ang nabalian, at palalakasin ang may sakit: nguni’t aking lilipulin ang mataba at malakas; Is. 10:16;Amos 4:11.aking pakakanin sila Jer. 10:24.sa katuwiran.
Direitos das traduções citadas
Estes versículos te tocaram? Ore agora!
+581 estão orando agora.
Junte-se à corrente de oração.