Pular para o conteúdo
Publicidade

Ezekiel 34:2-6

OASD Ang Salita ng Diyos

2 "Anak ng tao, magsalita ka laban sa mga bantay ng Israel.34:2 bantay ng Israel: Ang ibig sabihin, pinuno ng Israel. Sabihin mo sa kanila na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Nakakaawa ang mga bantay ng Israel. Ang sarili lang ninyo ang inyong inaalagaan! Hindi ba ang mga bantay ang dapat nag-aalaga sa mga tupa? 3 Iniinom ninyo ang gatas nila, ginagawang damit ang mga balahibo nila at kinakatay ninyo ang mga malulusog na hayop, pero hindi ninyo sila inaalagaan. 4 Hindi ninyo pinalalakas ang mahihina, hindi ninyo ginagamot ang mga maysakit o hinihilot at binebendahan ang mga pilay. Hindi ninyo hinahanap ang naliligaw at nawawala. Sa halip, pinagmalupitan nʼyo pa sila. 5 At dahil walang nagbabantay sa kanila, nangalat sila at nilapa ng mababangis na hayop. 6 Naligaw ang mga tupa ko sa mga bundok at burol. Nangalat sila sa buong mundo at walang naghanap sa kanila.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    2 Anak ng tao, Jer. 23:1.manghula ka laban sa mga pastor ng Israel, manghula ka, at iyong sabihin sa kanila, sa mga pastor, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa aba ng mga pastor ng Israel na pinakakain ang kanilang sarili! hindi baga dapat pakanin ng mga pastor ang mga tupa?

    3 Kayo’y nagsisikain ng gatas, at kayo’y nangananamit sa inyo ng lana, inyong pinapatay ang mga pinataba; nguni’t hindi ninyo pinakakain ang mga tupa.

    4 Hindi ninyo pinalakas ang payat, o inyo mang pinagaling ang may sakit, o inyo mang tinalian ang may bali, o inyo mang ibinalik ang iniligaw, o inyo mang hinanap ang nawala; kundi 1 Ped. 5:3.inyong pinagpunuang may karahasan at may kahigpitan.

    5 At sila’y nangalat tal.8.dahil sa walang pastor, at sila’y naging pagkain sa lahat ng hayop sa parang, at sila’y nangalat.

    6 Ang aking mga tupa ay nagsisilaboy sa lahat ng bundok, at sa lahat na mataas na burol: oo, ang aking mga tupa ay nangalat sa buong ibabaw ng lupa; at walang magsiyasat o humanap sa kanila.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.