Pular para o conteúdo
Publicidade

Ezekiel 39

Ang Pagbagsak ni Gog at ng kanyang mga Kawal

1 "Anak ng tao, magsalita ka laban kay Gog. Sabihin mo sa kanya na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Gog, kalaban kita, ikaw na pinuno ng at . 2 Paiikutin kita at hihilahin mula sa hilaga hanggang makarating ka sa bundok ng Israel. 3 Pagkatapos, kukunin ko ang mga armas mo, at malalaglag ang mga pana sa iyong kanang kamay. 4 Mamamatay ka at ang lahat ng sundalo mo, pati na ang mga bansang kasama mo roon sa bundok ng Israel. Ipapakain ko ang mga bangkay ninyo sa ibaʼt ibang uri ng ibong mandaragit at sa mababangis na hayop. 5 Mamamatay kayo sa kapatagan dahil ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

6 "Susunugin ko ang Magog at ang mga katabi niyang bansa na malapit sa tabing-dagat, kung saan mamumuhay nang mapayapa ang mga mamamayan. At malalaman nila na ako ang Panginoon.

7 "Ipapakilala ko sa mga mamamayan kong Israelita na banal ang pangalan ko, at hindi ko na papayagang lapastanganin ito. At malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, ang Banal na Diyos ng Israel. 8 Sinasabi ko na darating ang araw na iyon. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

9 "Kapag dumating na ang araw na iyon, titipunin ng mga mamamayan ng Israel na nakatira sa mga bayan ang mga sandata ninyong pandigma. Ang malalaki at maliliit na kalasag, mga pana, palaso at sibat, at gagamitin nila itong panggatong sa loob ng pitong taon. 10 Hindi na nila kailangang mangahoy pa sa mga parang o kagubatan dahil may mga sandata silang pagdigma na gagawing panggatong. Sasamsaman din nila silang mga sumamsam sa mga ari-arian nila, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

11 "Sa panahong iyon, ililibing ko si Gog at ang napakarami niyang tauhan doon sa Israel, sa lambak ng mga manlalakbay, sa gawing silangan ng Dagat na Patay. Napakalawak ng libingang iyon. Kaya hindi na makakadaan doon ang mga naglalakbay. At tatawagin itong Lambak ng Hukbo ni Gog.39:11 Hukbo ni Gog: Sa Hebreo, Hamon Gog. Ganito rin sa talata 15|EZK 39:15.

12 "Aabot ng pitong buwan ang paglilibing sa kanila ng mga Israelita. Sa ganitong paraan ay malilinis ang lupain. 13 Ang lahat ng mga mamamayan ay tutulong sa paglilibing. Hinding-hindi makakalimutan ng mga Israelita ang araw na iyon dahil sa ganitong paraan ay mapaparangalan ako. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito. 14 Pagkaraan ng pitong buwan, may mga taong susuguin na ito lang ang gagawin: Susuyurin nila ang lugar na iyon upang tingnan kung may natitira pang nagkalat na bangkay at ipapalibing nila ito upang malinis ang lupain. 15 Kapag may nakita pa silang mga kalansay ng tao, lalagyan nila ito ng tanda upang makita ng mga maglilibing at upang mailibing nila sa Lambak ng Hukbo ni Gog. 16 May bayang malapit doon na tatawaging Hamonah o Maraming Tao. Sa ganitong paraan nila lilinisin ang lupain."

17 "Anak ng tao, ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Tawagin mo ang bawat uri ng ibon at mababangis na hayop: ‘Pumarito kayo at magsama-sama mula sa lahat ng dako dahil maghahanda ako ng isang piging sa kabundukan ng Israel at marami akong ihahandog doon na makakain nila. 18 Kakain sila ng laman at iinom ng dugo ng matatapang na mga sundalo at pinuno na parang kumakain lang sila ng tupa, baka at kambing na pinataba mula sa . 19 Sa piging na ito na ihahanda ko para sa kanila, magsasawa sila sa pagkain at pag-inom hanggang sa mabusog at malasing ang mga ito. 20 Mananawa sila sa pagkain ng mga kabayo, mangangabayo, at matatapang na sundalo,’ sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

21 "Kapag pinarusahan ko na ang mga bansa, makikita nila kung gaano kalakas ang aking kapangyarihan. 22 At mula sa araw na iyon, malalaman ng mga mamamayan ng na ako ang Panginoon nilang Diyos. 23 At malalaman din ng ibang bansa na ang mga mamamayan ng ay binihag dahil sa mga kasalanan nila, dahil hindi sila sumunod sa akin. Kaya pinabayaan ko silang salakayin at patayin ng mga kaaway. 24 Ginawa ko lang sa kanila ang nararapat, ayon sa ginawa nilang kasamaan at karumihan."

25 "Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: Kahahabagan ko na ang mga mamamayan ng , ang lahi ni . Muli ko silang pauunlarin,39:25 Muli … pauunlarin: O Ibabalik ko sila sa lupain nila mula sa pagkabihag. upang maparangalan ang banal kong pangalan. 26 Makakalimutan na rin nila ang kahihiyang sinapit nila at pagtataksil sa akin kapag naninirahan na silang payapa at walang ligalig sa lupain nila. 27 Ipapakita ko ang kabanalan ko sa mga bansa kapag nakuha ko na ang mga Israelita sa mga bansang kaaway nila. 28 At malalaman nila na ako ang Panginoon na kanilang Diyos. Sapagkat kahit ipinabihag ko sila sa ibang mga bansa, ibinalik ko rin silang lahat sa lupain nila at wala akong iniwan kahit isa. 29 Hindi ko na sila pababayaan dahil ipapadala ko ang aking Espiritu sa mga mamamayan ng , sabi ng Makapangyarihang Panginoon."

Lugar Bíblico
Região / Território
Meseque
Hoje: Gordion
מֶ֫שֶׁךְmeshekh
Meseque é a terra que, com Tubal, tinha Gogue como príncipe supremo, e contra Gogue o Senhor se declara (Ezequiel 38:3).
39,66° N, 31,99° L
Citado em 7 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Tubal
Hoje: Tabal
תּוּבַלtuval
Tubal é uma terra que, junto com Meseque, tinha como príncipe supremo Gogue, da terra de Magogue; o Senhor mandou profetizar contra Gogue (Ezequiel 38:2).
37,30° N, 36,25° L
Citado em 5 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Basã
Hoje: Saham al Jawlan
בָּשָׁןbashan
Basã é a terra do reino de Ogue, que reinou em Astarote e Edrei e foi derrotado por Moisés. Coube à tribo de Manassés, e nela ficava Golã, cidade de refúgio (Josué 13:12).
32,78° N, 35,93° L
Citado em 53 versículos
Ver página completa
Pessoa
H3290
Jacó
יַעֲקֹ֑בyaaqovΙακωβIakob
Jacó, filho de Isaque, comprou de Esaú o direito de primogenitura, lutou com Deus em Peniel e recebeu o nome Israel; seus doze filhos deram origem às tribos (Gênesis 32:28).
Significado: “Aquele que segura pelo calcanhar (suplantador)”
Ver página completa
Pessoa
H3290
Jacó
יַעֲקֹ֑בyaaqovΙακωβIakob
Jacó, filho de Isaque, comprou de Esaú o direito de primogenitura, lutou com Deus em Peniel e recebeu o nome Israel; seus doze filhos deram origem às tribos (Gênesis 32:28).
Significado: “Aquele que segura pelo calcanhar (suplantador)”
Ver página completa
Pessoa
H3290
Jacó
יַעֲקֹ֑בyaaqovΙακωβIakob
Jacó, filho de Isaque, comprou de Esaú o direito de primogenitura, lutou com Deus em Peniel e recebeu o nome Israel; seus doze filhos deram origem às tribos (Gênesis 32:28).
Significado: “Aquele que segura pelo calcanhar (suplantador)”
Ver página completa
Pessoa
H3290
Jacó
יַעֲקֹ֑בyaaqovΙακωβIakob
Jacó, filho de Isaque, comprou de Esaú o direito de primogenitura, lutou com Deus em Peniel e recebeu o nome Israel; seus doze filhos deram origem às tribos (Gênesis 32:28).
Significado: “Aquele que segura pelo calcanhar (suplantador)”
Ver página completa
Pessoa
H3290
Jacó
יַעֲקֹ֑בyaaqovΙακωβIakob
Jacó, filho de Isaque, comprou de Esaú o direito de primogenitura, lutou com Deus em Peniel e recebeu o nome Israel; seus doze filhos deram origem às tribos (Gênesis 32:28).
Significado: “Aquele que segura pelo calcanhar (suplantador)”
Ver página completa
Todos os capítulos de Ezekiel 48
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.