Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Filipos 2:1-11

Ang Pagpapakumbaba ni Kristo

1 Hindi baʼt masigla kayo dahil nakay Kristo kayo? Hindi baʼt masaya kayo dahil alam ninyong mahal niya kayo? Hindi baʼt may mabuti kayong pagsasamahan dahil sa Espiritu? At hindi baʼt may malasakit at pang-unawa kayo sa isaʼt isa? 2 Kung ganoon, nakikiusap ako na lubusin na ninyo ang kagalakan ko: Magkasundo kayoʼt magmahalan, at magkaisa sa isip at layunin. 3 Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo. 4 Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin ninyo kundi ang kapakanan din ng iba.

5 Magkaroon nawa kayo ng kaisipang katulad ng kay Kristo Hesus:

6 Bagamaʼt siya ay Diyos,

hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Diyos

bilang isang bagay na dapat panghawakan.

7 Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang kanyang sarili

sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin.

Naging tao siyang tulad natin.

8 At sa pagiging tao niya,

nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan,

maging sa kamatayan sa krus.

9 Kaya naman itinaas siyang lubos ng Diyos

at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan,

10 upang sa pangalan ni Hesus, luluhod at magpupuri

ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa.

11 At ipapahayag ng lahat na si Hesu-Kristo ang Panginoon,

sa ikapupuri ng Diyos Ama.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Filipenses
Ver todos os capítulos de Filipenses