Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Filipos 2:3-8

OASD Ang Salita ng Diyos

3 Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo. 4 Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin ninyo kundi ang kapakanan din ng iba.

5 Magkaroon nawa kayo ng kaisipang katulad ng kay Kristo Hesus:

6 Bagamaʼt siya ay Diyos,

hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Diyos

bilang isang bagay na dapat panghawakan.

7 Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang kanyang sarili

sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin.

Naging tao siyang tulad natin.

8 At sa pagiging tao niya,

nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan,

maging sa kamatayan sa krus.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    3 Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng Fil. 1:16.pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi Ef. 4:2.sa kababaan ng pagiisip, Rom. 12:10.na ipalagay ng bawa’t isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili;

    4 Huwag tingnan ng bawa’t isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang Rom. 15:2.bawa’t isa naman ay sa iba’t iba.

    5 Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na Mat. 11:29.ito’y na kay Cristo Jesus din naman:

    6 Na siya, bagama’tJuan 1:1,2;17:5;2 Cor. 4:4.nasa anyong Dios, Juan 5:18;10:33.ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,

    7 Kundi bagkus Is. 53:3;2 Cor. 8:9.hinubad niya ito, Is. 42:1;Mat. 20:28.at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:

    8 At palibhasa’y nasumpungan sa anyong tao, siya’y nagpakababa sa kaniyang sarili, Mat. 26:39,42;Heb. 5:8.na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Filipenses
Ver todos os capítulos de Filipenses