Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Filipos 4:6-9

OASD Ang Salita ng Diyos

6 Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong pangangailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 Kapag ginawa ninyo ito, bibigyan kayo ng Diyos ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

8 Bukod diyan, mga kapatid, palagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais. 9 Ipamuhay ninyo ang lahat ng natutunan ninyo at tinanggap mula sa akin, sa salita at sa gawa, at sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; Mat. 6:25.kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.

    7 At Juan 14:27;Rom. 5:1;Col. 3:15.ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

    8 Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, 1 Tes. 5:22.anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.

    9 Ang mga bagay na inyong natutuhan Fil. 3:17.at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at Rom. 15:33.ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Filipenses
Ver todos os capítulos de Filipenses