Iisa Lang ang Magandang Balita
6 Nagtaka ako dahil napakadali ninyong tumalikod sa Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng biyaya ni Kristo. Bumaling kayo sa ibang katuruan na ayon sa ibaʼy magandang balita. 7 Ang totoo, walang ibang Magandang balita. Nasabi ko ito dahil may mga taong nanggugulo sa inyo, at gusto nilang baluktutin ang Magandang Balita tungkol kay Kristo. 8 Sumpain nawa ng Diyos ang sinuman – kami man ito o kahit isang anghel galing sa langit – na mangangaral sa inyo ng magandang balita na iba kaysa sa ipinangaral namin sa inyo. 9 Sinabi na namin sa inyo noon at muli kong sasabihin: Kung may mangangaral sa inyo ng magandang balita na iba kaysa sa tinanggap ninyo, sumpain siya ng Diyos!