20 Ngunit habang pinag-iisipan niya ito, may isang anghel ng Panginoon na nagpakita sa kanya sa panaginip. Sinabi nito, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang ipinagbubuntis niyaʼy mula sa Banal na Espiritu. 21 Manganganak siya ng isang lalaki at papangalanan mo siyang Hesus1:21 Ang ibig sabihin ng pangalang Hesus sa wikang Hebreo ay "nagliligtas ang Panginoon." dahil ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan."
22 Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: 23 "Magdadalantao ang isang birhen1:23 birhen: O dalaga. at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang Immanuel"1:23 Isa. 7:14. (na ang ibig sabihin ay "Kasama natin ang Diyos").
24 Nang magising si Jose, ginawa nga niya ang ipinag-utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan si Maria. 25 Ngunit hindi siya sumiping kay Maria hanggang sa maipanganak nito ang sanggol. Nang maisilang na ang sanggol, pinangalanan siya ni Jose ng Hesus.