Nagsalita si Bildad
1 Sumagot si Bildad na taga-Shua,
2 "Makapangyarihan ang Diyos
at kagalang-galang.
Pinaghahari niya
ang kapayapaan sa langit.
3 Mabibilang ba ang kanyang hukbo?
May lugar bang hindi nasisinagan
ng kanyang liwanag?
4 Paano makakatayo ang isang tao
sa harapan ng Diyos
at sasabihing siya ay matuwid?
Mayroon bang taong ipinanganak
na walang kapintasan?
5 Kung ang buwan at mga bituin
ay hindi maliwanag sa kanyang paningin,
6 di lalo na ang tao
na parang uod lamang."