22 Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: 23 "Magdadalantao ang isang birhen1:23 birhen: O dalaga. at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang Immanuel"1:23 Isa. 7:14. (na ang ibig sabihin ay "Kasama natin ang Diyos").
24 Nang magising si Jose, ginawa nga niya ang ipinag-utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan si Maria. 25 Ngunit hindi siya sumiping kay Maria hanggang sa maipanganak nito ang sanggol. Nang maisilang na ang sanggol, pinangalanan siya ni Jose ng Hesus.