Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateus 11

Babala sa mga Bayang Hindi Nagsisisi

20 Pagkatapos, sinumbatan ni Hesus ang mga bayang nakasaksi ng maraming himala na kanyang ginawa, dahil hindi sila nagsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan. 21 Sinabi niya, "Nakakaawa kayong mga taga-Corazin! Nakakaawa rin kayong mga taga-Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon naganap ang mga himalang ginawa ko sa inyo, matagal na sana silang nagsuot ng sako at naglagay ng abo sa kanilang ulo para ipakitang silaʼy nagsisisi. 22 Kaya sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin ninyo kaysa sa mga taga-Tiro at taga-Sidon. 23 At kayo namang mga taga-Capernaum, akala ba ninyoʼy itataas kayo sa langit upang parangalan? Hindi! Ibababa kayo sa mundo ng mga patay para itapon. Sapagkat kung sa Sodoma nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo, nananatili pa sana ang lugar na iyon hanggang ngayon. 24 Kaya sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin ninyo kaysa sa mga taga-Sodoma."

Veja também