Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 19

Ang Katuruan tungkol sa Paghihiwalay ng Mag-asawa

Marcos 10:1-12

1 Pagkatapos ipangaral ni Hesus ang mga bagay na ito, umalis siya sa at pumunta sa lalawigan ng sa kabilang ibayo ng Ilog . 2 Maraming tao ang sumunod sa kanya at pinagaling niya sila sa kanilang mga sakit.

3 May mga Pariseong pumunta sa kanya para subukin siya. Kaya nagtanong sila, "Ipinapahintulot ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang asawa niya sa kahit anong dahilan?"

4 Sumagot si Hesus, "Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan na sa simula pa lang, nang likhain ng Diyos ang mundo, ‘ginawa niya ang tao na lalaki at babae’19:4 Gen. 1:27; 5:2.? 5 At sinabi pa niya, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina, at magsasama sila ng kanyang asawa. At silang dalawa ay magiging isa.’19:5 Gen. 2:24. 6 Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos."

7 Nagtanong uli ang mga Pariseo, "Ngunit bakit sinabi ni na pinapayagang hiwalayan ng lalaki ang asawa niya, bastaʼt bigyan niya ito ng kasulatan ng paghihiwalay?"19:7 Deu. 24:1.

8 Sumagot si Hesus sa kanila, "Ipinahintulot ito ni sa inyo dahil sa katigasan ng ulo ninyo. Ngunit hindi iyan ang layunin ng Diyos mula sa simula. 9 Kaya sinasabi ko sa inyo, kung hiwalayan ng lalaki ang asawa niya sa anumang dahilan maliban sa seksuwal na imoralidad, at pagkatapos ay mag-asawa ng iba, nagkasala siya ng pangangalunya. [ At ang nag-asawa ng babaeng hiniwalayan ay nagkasala rin ng pangangalunya.]19:9 Wala ang mga salitang ito sa ilang manuskrito."

10 Sinabi ng mga alagad ni Hesus, "Kung ganyan po pala ang panuntunan sa pag-aasawa, mabuti pang huwag na lang mag-asawa."

11 Sumagot si Hesus, "Hindi matatanggap ng lahat ang katuruang ito, maliban na lang sa mga taong pinagkalooban nito. 12 May ibaʼt ibang dahilan kung bakit may mga taong hindi nag-aasawa. Mayroong ipinanganak na may kapansanan; ang iba namaʼy sinadyang kapunin ng ibang tao; at ang ibaʼy pinili nilang hindi mag-asawa alang-alang sa kaharian ng Langit. Ang sinumang may kayang tumanggap sa aral na ito, dapat niya itong tanggapin."

Si Hesus at ang Maliliit na Bata

Marcos 10:13-16; Lucas 18:15-17

13 May mga taong nagdala ng maliliit na bata kay Hesus para ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay at ipanalangin. Ngunit sinaway sila ng mga alagad ni Hesus.

14 Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Langit." 15 Ipinatong nga niya ang kanyang kamay sa mga bata at pinagpala niya sila, at pagkatapos nitoʼy umalis siya.

Ang Lalaking Mayaman at ang Kaharian ng Diyos

Marcos 10:17-31; Lucas 18:18-30

16 May isang lalaki naman na lumapit kay Hesus at nagtanong, "Guro, ano po ang mabuti kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?"

17 Sumagot si Hesus, "Bakit itinatanong mo sa akin kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti, at walang iba kundi ang Diyos. Kung gusto mong magkaroon ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos niya."

18 "Alin po sa mga ito?" tanong ng lalaki.

Sumagot si Hesus, "Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi ng kasinungalingan, 19 igalang mo ang iyong mga magulang19:19 Exo. 20:12-16; Deu. 5:16-20., at ‘mahalin mo ang kapwa mo tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’19:19 Lev. 19:18."

20 Sinabi ng lalaki, "Sinusunod ko po ang lahat ng iyan. Ano pa po ang kulang sa akin?"

21 Sumagot si Hesus, "Kung nais mong maging ganap, umuwi ka at ipagbili ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo ang mapagbebentahan sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin."

22 Nang marinig iyon ng binata, umalis siyang malungkot, dahil napakayaman niya.

23 Kaya sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, napakahirap para sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng Langit. 24 Mas madali pang makapasok ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos."

25 Nabigla ang mga alagad nang marinig nila ito, kaya nagtanong sila, "Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?"

26 Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, "Imposible ito sa tao; ngunit sa Diyos, ang lahat ay posible."

27 Nagsalita si , "Paano naman po kami? Iniwan namin ang lahat para sumunod sa inyo. Ano po ang mapapala namin?"

28 Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, darating ang araw na babaguhin ng Diyos ang mundo, at ang Anak ng Tao ay uupo sa kanyang dakilang trono. At kayong mga alagad ko ay uupo rin sa labindalawang trono upang husgahan ang labindalawang lahi ng Israel. 29 At ang sinumang iniwan ang kanyang bahay, mga kapatid, mga magulang, mga anak, o mga lupa dahil sa akin ay tatanggap ng mas marami pa kaysa sa kanyang iniwan, at tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan. 30 Maraming dakila ngayon ang magiging hamak, at maraming hamak ngayon ang magiging dakila."

Lugar Bíblico
Região / Território
Galileia
Hoje: Galileia (Norte de Israel)
ΓαλιλαίαGalilaiaגָּלִילgalil
A Galileia é a terra de Nazaré e de Caná, de onde Jesus veio para ser batizado por João no Jordão e de onde o seguiram multidões e mulheres (Marcos 1:9).
32,76° N, 35,53° L
Citado em 78 versículosTb.: Galiléia
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Judeia
Hoje: Judeia (Sul de Israel)
ἸουδαίαIoudaiaיְהוּדָהyehudah
Judeia é a terra onde fica Belém, cidade em que Jesus nasceu no tempo do rei Herodes. Pôncio Pilatos era governador da Judeia, e ali os judeus procuravam matar Jesus (Mateus 2:1).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 52 versículosTb.: Judéia
Ver página completa
Lugar Bíblico
Rio / Ribeiro
Jordão
Hoje: Rio Jordão
ἸορδάνηςIordanēsיַרְדֵּןyarden
Jordão é o rio em cujo meio Josué ergueu doze pedras, onde pararam os sacerdotes que levavam a arca da aliança. A fronteira da terra descia ao longo do rio até o mar Salgado (Josué 4:9).
31,76° N, 35,56° L
Citado em 202 versículosTb.: rio Jordão
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Moisés
ΜωϋσῆςMōüsē͂sמֹשֶׁ֔הmosheh
Moisés, levita criado pela filha do faraó, foi chamado por Deus na sarça ardente, tirou Israel da escravidão do Egito e recebeu a lei no monte Sinai (Êxodo 3:4).
Significado: “Tirado das águas”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Moisés
ΜωϋσῆςMōüsē͂sמֹשֶׁ֔הmosheh
Moisés, levita criado pela filha do faraó, foi chamado por Deus na sarça ardente, tirou Israel da escravidão do Egito e recebeu a lei no monte Sinai (Êxodo 3:4).
Significado: “Tirado das águas”
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Todos os capítulos de Mateo 28
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.