Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 10:17-31

Ang Lalaking Mayaman at ang Kaharian ng Diyos

17 Nang paalis na si Hesus, isang lalaki ang patakbong lumapit sa kanya at lumuhod. Nagtanong ang lalaki, "Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?"

18 Sumagot si Hesus, "Bakit mo sinasabing mabuti ako? Ang Diyos lang ang mabuti, wala nang iba! 19 Alam mo ang sinasabi ng Kautusan: ‘Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi nang kasinungalingan, huwag kang mandadaya, at igalang mo ang iyong mga magulang.’ "10:19 Exo. 20:12-16; Deu. 5:20.

20 Sumagot ang lalaki, "Guro, sinusunod ko po ang lahat ng iyan mula pagkabata."

21 Tiningnan siya ni Hesus nang may pagmamahal at sinabi, "Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Umuwi ka at ipagbili ang mga ari-arian mo, at ipamigay mo ang pera sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin."

22 Nanlumo ang lalaki nang marinig ito. At umalis siyang malungkot, sapagkat napakayaman niya.

23 Tumingin si Hesus sa paligid at sinabi sa mga alagad niya, "Napakahirap para sa mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos."

24 Nagtaka sila sa sinabi ni Hesus, kaya sinabi niyang muli, "Mga anak, napakahirap10:24 Sa ilang manuskrito, may dagdag na para sa mga nagtitiwala sa kayamanan. talagang makapasok sa kaharian ng Diyos. 25 Mas madali pang makapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos."

26 Lalong nagtaka ang mga alagad niya, kaya nagtanong sila, "Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?"

27 Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, "Imposible ito sa tao ngunit hindi sa Diyos, sapagkat ang lahat ay posible sa Diyos."

28 Sinabi sa kanya ni , "Paano naman po kami? Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa inyo."

29 Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang lahat ng nag-iwan ng bahay, mga kapatid, mga magulang, mga anak, o mga lupa dahil sa akin at sa Magandang Balita 30 ay tatanggap sa panahong ito ng mas marami pa kaysa sa kanyang iniwan: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, mga lupa, pati mga pag-uusig. At tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan sa darating na panahon. 31 Maraming dakila ngayon ang magiging hamak, at maraming hamak ngayon ang magiging dakila."

Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.