Ang Pagdalaw ng mga Pantas Mula sa Silangan
1 Pagkatapos ipanganak si Hesus sa Bethlehem sa lalawigan ng Judea sa kapanahunan ng paghahari ni Herodes, may ilang pantas2:1 pantas: Sa Griyego, magoi. Posibleng sila ay mga dalubhasa sa pag-aaral ng mga bituin. mula sa Silangan na dumating sa Jerusalem. 2 Nagtanong sila, "Nasaan ang batang ipinanganak na hari ng mga Hudyo? Nakita namin ang kanyang bituin noong lumitaw ito, at naparito kami para sambahin siya."