Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateus 27

3 Nang malaman ng traydor na si Judas na hinatulan ng kamatayan si Hesus, labis siyang nagsisi sa kanyang ginawa kaya isinauli niya ang tatlumpung pirasong pilak sa mga namamahalang pari at mga pinuno ng mga Hudyo. 4 Sinabi niya sa kanila, "Nagkasala ako dahil pinagkanulo ko ang isang taong walang kasalanan."

Ngunit sumagot sila, "Ano ang pakialam namin diyan? Problema mo na iyan."

5 Itinapon ni Judas sa Templo ang salapi. Pagkatapos ay umalis siya at nagbigti.

Veja também