51 Nang sandali ring iyon, nahati mula sa itaas hanggang sa ibaba ang kurtina sa loob ng Templo. Lumindol sa buong lupain, nagkabitak-bitak ang mga bato 52 at nabuksan ang mga libingan, at muling nabuhay ang maraming banal27:52 banal: Sa Griyego, hagios, na ang ibig sabihin ay "itinuring ng Diyos na kanya." na namatay. 53 Lumabas sila ng libingan, at nang muling mabuhay si Hesus, pumunta sila sa banal na lungsod ng Jerusalem at marami ang nakakita sa kanila.
54 Ang kapitan ng mga sundalo at mga kasama niyang nagbabantay kay Hesus ay nasindak nang mayanig ang lupa at nang makita ang lahat ng mga pangyayari. Sinabi nila, "Totoo ngang siya ang Anak ng Diyos!"