Sinimulan ni Hesus ang Kanyang Gawain
12 Nang mabalitaan ni Hesus na ibinilanggo si Juan, bumalik siya sa Galilea. 13 Ngunit hindi na siya nanirahan sa Nazaret kundi sa Capernaum, isang bayan sa baybayin ng Lawa ng Galilea at sakop ng Zebulun at Neftali. 14 Sa ganitong paraan ay natupad ang sinabi ni Propeta Isaias:
15 "Ang mga lupain ng Zebulun at Neftali,
sa baybayin ng lawa,
sa kabila ng Ilog Jordan,
Galilea ng mga Hentil,
16 ang mga taong nabubuhay sa kadiliman
ay nakakita ng matinding kaliwanagan.
At kahit silaʼy nananahan
sa lilim ng kamatayan,
sila ay maliliwanagan."4:16 Isa. 9:1-2.
17 Mula nooʼy nagsimulang mangaral si Hesus, "Magsisi kayo sa inyong mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos, dahil malapit nang dumating ang kaharian ng Langit."