44 Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo. 45 Kung gagawin ninyo ito, pinatutunayan ninyong tunay ngang mga anak kayo ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga matutuwid at sa mga hindi matutuwid.