Maraming Pinagaling si Hesus
14 Pumunta si Hesus sa bahay ni Pedro. Pagdating doon, nakita niya ang biyenang babae ni Pedro na nakahiga at nilalagnat. 15 Hinawakan siya ni Hesus sa kamay at nawala ang lagnat nito. Bumangon siya at pinagsilbihan si Hesus.