Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateus 9

Pinagaling ni Hesus ang Bulag at ang Pipi

27 Pagkaalis ni Hesus sa lugar na iyon, sumunod sa kanya ang dalawang bulag na sumisigaw, "Anak ni David,9:27 Anak ni David: Ito ang tawag ng mga Hudyo sa Mesias o Kristo dahil sa paniniwalang galing siya sa angkan ni David. Ganito rin sa ibang bahagi ng Bibliya kung saan ginamit ang katagang ito. maawa po kayo sa amin!"

28 Pagdating ni Hesus sa bahay na kanyang tutuluyan, lumapit sa kanya ang mga bulag na lalaki. Tinanong niya sila, "Naniniwala ba kayo na kaya ko kayong pagalingin?"

Sumagot sila, "Opo, Panginoon."

29 At hinipo niya ang mga mata nila, at sinabi, "Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong pananampalataya." 30 At nakakita nga ang dalawa. Mahigpit silang pinagbilinan ni Hesus na huwag nila itong sasabihin kaninuman. 31 Ngunit umalis sila at ipinamalita nila sa buong lugar na iyon ang tungkol kay Hesus.

Veja também