3,4 Ang balitang itoʼy tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesu-Kristo. Sa kanyang pagiging tao ay isinilang siya sa lahi ni Haring David. At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, siya ay binuhay mula sa mga patay at ibinigay sa kanya ang kapangyarihang nararapat sa kanya bilang Anak ng Diyos.