4 Ganyan din ang nangyari sa inyo, mga kapatid. Malaya na kayo sa Kautusan sa pamamagitan ng pagkamatay ni Kristo. Muli siyang nabuhay at kayoʼy pinag-isa sa kanya upang maging kapaki-pakinabang sa paglilingkod sa Diyos. 5 Noong namumuhay pa tayo sa dati nating pagkatao, ang masamang pagnanasa ang naghahari sa ating katawan, at pinukaw pa ng Kautusan, kaya gumawa tayo ng mga bagay na hahantong sa kamatayan. 6 Ngunit ngayon ay malaya na tayo sa Kautusan, dahil namatay na tayo sa Kautusang dating umalipin sa atin. Ang ating paglilingkod ngayon sa Diyos ay hindi na ayon sa dating buhay na dulot ng Kautusan kundi sa bagong buhay na dulot ng Espiritu.
Publicidade