Publicidade

Romanos 8

5 Sapagkat ang mga taong namumuhay ayon sa kanilang makasalanang pagkatao ay walang ibang iniisip kundi ang nais ng kanilang pagkatao. Ngunit ang tao namang namumuhay ayon sa Espiritu ay walang ibang iniisip kundi ang nais ng Espiritu. 6 Ang pagsunod sa nais ng makasalanang pagkatao ay hahantong sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa nais ng Espiritu ay hahantong sa buhay at kapayapaan. 7 Sapagkat ang taong sumusunod sa nais ng kanyang makasalanang pagkatao ay kalaban ng Diyos. Hindi siya sumusunod sa kautusan ng Diyos, at talagang hindi niya magawang sumunod. 8 Kaya ang mga taong nabubuhay ayon sa kanilang makasalanang pagkatao ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-04_23-13-58-