10 Ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumalabag ng isa sa mga ito ay lumabag na rin sa buong Kautusan. 11 Sapagkat ang Diyos na nag-utos, "Huwag kang mangangalunya," ay nagsabi ring, "Huwag kang papatay."2:11 Exo. 20:13-14; Deu. 5:17-18. Hindi ka nga nangangalunya, ngunit pumapatay ka naman, nilalabag mo pa rin ang Kautusan.
12 Kaya mag-ingat kayo sa pananalita at gawa ninyo, dahil ang Kautusan na nagpalaya sa inyo ang siya ring hahatol sa inyo.