12 Sinabi ko sa kanila, "Kung sa palagay ninyo ay dapat akong bigyan ng sahod, ibigay ninyo ang sahod ko. Ngunit kung hindi, sa inyo na lang." Kaya binayaran nila ako ng tatlumpung pirasong pilak bilang sahod ko.
13 Sinabi ng Panginoon sa akin, "Ilagay mo ang pilak na iyan sa kabang-yaman11:13 kabang-yaman: Ito ang nasa Syriac. Sa Hebreo, mamamalayok. ng Templo." Kaya kinuha ko ang tatlumpung pirasong pilak, na inaakala nilang sapat na bilang aking sahod, at inilagay ko iyon sa kabang-yaman ng templo ng Panginoon.