1 Kayo'y mga anak ng Panginoon ninyong Dios: huwag kayong magkukudlit, ni magpapakakalbo sa pagitan ng inyong mga mata, ng dahil sa patay. 2 Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, at ikaw ay pinili ng Panginoon upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa. 3 Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay. 4 Ito ang mga hayop na inyong makakain: ang baka, ang tupa, at ang kambing, 5 Ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang lalaking usa, at ang mabangis na kambing, at ang pigargo, at ang antilope, at ang gamuza. 6 At bawa't hayop na may hati ang paa, at baak, at ngumunguya sa mga hayop, ay inyong makakain. 7 Gayon ma'y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga ngumunguya, o sa baak ang paa: ang kamelyo, at ang liebre, at ang coneho, sapagka't sila'y ngumunguya, nguni't walang hati ang paa; mga marumi sa inyo; 8 At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin. 9 At ang mga ito'y inyong makakain sa lahat ng nasa tubig: anomang may mga kaliskis at mga palikpik, ay inyong makakain: 10 At anomang walang kaliskis at palikpik, ay huwag ninyong kakanin; marumi nga ito sa inyo. 11 Sa lahat ng ibong malinis ay makakakain kayo. 12 Nguni't ang mga ito'y hindi ninyo makakain: ang aguila, at ang aguilang dumudurog ng mga buto, at ang aguilang dagat; 13 At ang ixio, at ang halkon, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin; 14 At lahat na uwak ayon sa kanilang pagkauwak; 15 At ang avestruz, at ang chotacabras, at ang graviota, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin; 16 Ang munting kuwago, at ang malaking kuwago, at ang kuwagong tila may sungay; 17 At ang pelikano, at ang buitre, at ang somormuho; 18 At ang ciguena at ang tagak, ayon sa kanilang pagkatagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag. 19 At lahat ng may pakpak na umuusad, ay marumi sa inyo: hindi kakanin. 20 Sa lahat ng ibong malinis ay kayo'y makakakain. 21 Huwag kayong kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili: iyong maibibigay sa taga ibang bayang nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kaniyang kanin; o iyong maipagbibili sa taga ibang bayan: sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios. Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kaniyang ina. 22 Iyo ngang pagsasangpuing bahagi ang lahat na bunga ng iyong binhi na nanggagaling taontaon sa iyong bukid. 23 At iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi. 24 At kung ang daan ay totoong mahaba sa ganang iyo, na ano pa't hindi mo madadala, sapagka't totoong malayo sa iyo ang dako, na pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan, pagka ikaw ay pagpapalain ng Panginoon mong Dios: 25 Ay iyo ngang sasalapiin, at iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios: 26 At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan; 27 At ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay huwag mong pababayaan: sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo. 28 Sa katapusan ng bawa't tatlong taon ay iyong kukunin ang buong ikasangpung bahagi ng iyong bunga ng taong yaon, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga pintuang-daan: 29 At ang Levita, sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nangasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay magsisiparoon at magsisikain at mangabubusog; upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay sa iyong ginagawa.
1 I er Herrens, eders Guds barn; I skal ikke skjære eder i eders kjøtt og ikke rake eder skallet over pannen av sorg over en avdød;2 for et hellig folk er du for Herren din Gud, og dig har Herren utvalgt av alle de folk som er på jorden, til å være ham et eiendomsfolk.3 Du skal ikke ete noget som er en vederstyggelighet.4 Dette er de firføtte dyr som I kan ete: oksen, fåret og gjeten,5 hjorten og rådyret og dådyret og stenbukken og fjellgjeten og villoksen og villgjeten.6 Alle de firføtte dyr som har klover og har dem tvekløvd helt igjennem, og som tygger drøv, dem kan I ete.7 Det er bare disse I ikke skal ete blandt dem som tygger drøv, og blandt dem som har klover som er kløvd helt igjennem: kamelen og haren og fjellgrevlingen, for de tygger vel drøv, men har ikke klover, de skal være urene for eder,8 og svinet, for det har vel klover, men tygger ikke drøv, det skal være urent for eder. Av disse dyrs kjøtt skal I ikke ete, og ved deres døde kropper skal I ikke røre.9 Dette kan I ete av alt det som er i vannet: Alt det som har finner og skjell, kan I ete;10 men alt det som ikke har finner og skjell, skal I ikke ete, det skal være urent for eder.11 Alle rene fugler kan I ete;12 men disse fugler skal I ikke ete: landørnen og havørnen og fiskeørnen13 og kråken og falken, og glenten efter sine arter,14 og alle ravnene efter sine arter,15 og strutsen og gjøken og måken, og høken efter sine arter,16 kattuglen og hubroen og nattravnen17 og pelikanen og gribben og dykkeren18 og storken, og heiren efter sine arter, og hærfuglen og flaggermusen.19 Alt kryp som har vinger, skal være urent for eder, det skal I ikke ete.20 Men alt flyvende som er rent, kan I ete.21 I skal ikke ete noget selvdødt dyr; du kan gi det til den fremmede som bor hos dig, forat han kan ete det, eller du kan selge det til en utlending; for et hellig folk er du for Herren din Gud. Du skal ikke koke et kje i dets mors melk.22 Du skal gi tiende av all din avgrøde, av sæden som vokser på marken år for år.23 Og for Herrens, din Guds åsyn, på det sted han utvelger til å la sitt navn bo der, skal du ete tienden av ditt korn og din most og din olje og det førstefødte av ditt storfe og av ditt småfe, forat du kan lære å frykte Herren din Gud alle dager.24 Men hvis veien er dig for lang, så du ikke makter å føre det dit, fordi det sted Herren din Gud utvelger til å la sitt navn bo der, er for langt borte fra dig, og har Herren din Gud velsignet dig rikelig,25 så kan du selge det for penger, og pengene skal du knytte inn i et plagg og ta dem med dig til det sted som Herren din Gud utvelger.26 For disse penger skal du så kjøpe alt hvad du har lyst til, storfe og småfe og vin og sterk drikk - alt det ditt hjerte attrår - og du skal ete det der for Herrens, din Guds åsyn og være glad, du og ditt hus.27 Og levitten som bor hos dig, må du ikke glemme; for han har ingen del eller arv med dig.28 Hvert tredje år skal du legge til side hele tienden av din avling i det år og opsamle den i dine byer,29 og så skal levitten komme - for han har ingen del eller arv med dig - og den fremmede og den farløse og enken som bor hos dig, og de skal ete og bli mette, forat Herren din Gud må velsigne dig i alt det arbeid du tar dig fore.