Publicidade

Deuteronômio 18

1 Ang mga saserdote na mga Levita, ang buong lipi ni Levi, ay hindi magkakaroon ng bahagi ni mana na kasama ng Israel; sila'y kakain ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at ng kaniyang mana. 2 At sila'y hindi magkakaroon ng mana na kasama ng kanilang mga kapatid; ang Panginoon ang kanilang mana, gaya ng sinalita niya sa kanila. 3 At ito ang magiging karampatan ng mga saserdote sa bayan, sa kanila na naghahandog ng hain, maging baka o tupa, na kanilang ibibigay sa saserdote ang balikat, at ang dalawang pisngi, at ang sikmura. 4 Ang mga unang bunga ng iyong trigo, ng iyong alak, at ng iyong langis, at ang unang balahibo ng iyong mga tupa, ay ibibigay mo sa kaniya. 5 Sapagka't pinili siya ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong mga lipi, upang tumayong mangasiwa sa pangalan ng Panginoon, siya at ang kaniyang mga anak magpakailan man. 6 At kung ang isang Levita ay umalis sa alinman sa iyong mga pintuang-daan ng buong Israel na kaniyang pinakikipamayanan at pumaroon ng buong nasa ng kaniyang kaluluwa sa dakong pipiliin ng Panginoon; 7 Ay mangangasiwa nga siya sa pangalan ng Panginoon niyang Dios, na gaya ng ginagawa ng lahat ng kaniyang mga kapatid na mga Levita, na tumatayo roon sa harap ng Panginoon. 8 Sila'y magkakaroon ng magkakaparehong bahagi na kakanin, bukod sa magmumula sa pinagbilhan sa pamana ng kaniyang ama. 9 Pagpasok mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay huwag kang magaaral gumawa ng ayon sa mga karumaldumal ng mga bansang yaon. 10 Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway, 11 O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay. 12 Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo. 13 Ikaw ay magpapakasakdal sa Panginoon mong Dios. 14 Sapagka't ang mga bansang ito, na iyong aariin, ay nakikinig sa kanila na nagmamasid ng mga pamahiin, at sa mga manghuhula: nguni't tungkol sa iyo, ay hindi pumayag ang Panginoon mong Dios na gawin mo. 15 Palilitawin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang isang propeta sa gitna mo, sa iyong mga kapatid, na gaya ko; sa kaniya kayo makikinig; 16 Ayon sa lahat ng iyong ninasa sa Panginoon mong Dios sa Horeb, sa araw ng kapulungan, na sinasabi, Huwag mong iparinig uli sa akin ang tinig ng Panginoon kong Dios, ni ipakita pa sa akin itong dakilang apoy, upang huwag akong mamatay. 17 At sinabi ng Panginoon sa akin, Mabuti ang kanilang pagkasabi ng kanilang salitain. 18 Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya. 19 At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya. 20 Nguni't ang propeta na magsasalita ng salitang may pagpapalalo sa aking pangalan, na hindi ko iniutos sa kaniyang salitain o magsasalita sa pangalan ng ibang mga dios, ay papatayin nga ang propetang yaon. 21 At kung iyong sasabihin sa iyong puso: Paanong malalaman namin ang salita na hindi sinalita ng Panginoon? 22 Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya.

1 De levittiske prester, hele Levi stamme, skal ikke ha nogen del eller arv med Israel; av Herrens ildoffer og av hans arv skal de leve,2 men nogen arv skal de ikke ha blandt sine brødre; Herren er deres arv, således som han har sagt til dem.3 Og dette skal være prestenes rettighet av folket - av dem som ofrer et slaktoffer, enten av storfeet eller av småfeet: De skal gi presten bogen og kjevene og vommen.4 Førstegrøden av ditt korn, av din most og av din olje og den første ull av dine får skal du gi ham.5 For ham har Herren din Gud utvalgt av alle dine stammer, forat han skal stå og tjene i Herrens navn, han og hans sønner, alle dager.6 Når en levitt kommer fra en av dine byer rundt om i Israel, hvor han opholder sig, til det sted Herren utvelger - og komme kan han om han har lyst til det -7 og han så gjør tjeneste i Herrens, sin Guds navn, likesom alle hans brødre, de andre levitter som står der for Herrens åsyn,8 så skal de alle nyte like del av gavene, bortsett fra hvad han kan ha fått ved salg av sine fedrene eiendeler.9 Når du kommer til det land Herren din Gud gir dig, da skal du ikke ta efter disse folks vederstyggelige skikker.10 Det skal ikke finnes hos dig nogen som lar sin sønn eller datter gå gjennem ilden, eller som gir sig av med spådomskunster, eller som spår av skyene eller tyder varsler eller er en trollmann,11 ingen heksemester, ingen som spør en dødningemaner, ingen sannsiger, ingen som gjør spørsmål til de døde.12 For enhver som gjør slikt, er en vederstyggelighet for Herren, og for disse vederstyggelige tings skyld er det Herren din Gud driver dem bort for dig.13 Ustraffelig skal du være for Herren din Gud.14 For disse folk som du skal drive ut, de hører på dem som spår av skyene, og på sannsigere; men dig har Herren din Gud ikke tillatt slikt.15 En profet av din midte, av dine brødre, likesom mig, skal Herren din Gud opreise dig; på ham skal I høre -16 aldeles som du bad Herren din Gud om ved Horeb den dag I var samlet der og du sa: Jeg kan ikke lenger høre på Herrens, min Guds røst, og denne store ild kan jeg ikke lenger se på, for da må jeg dø.17 Da sa Herren til mig: De har talt vel i det de har sagt.18 En profet vil jeg opreise for dem av deres brødres midte, likesom dig, og jeg vil legge mine ord i hans munn, og han skal tale til dem alt det jeg byder ham.19 Og enhver som ikke hører på mine ord, som han skal tale i mitt navn, ham vil jeg kreve til regnskap for det.20 Men den profet som i overmot drister sig til å tale noget i mitt navn som jeg ikke har befalt ham å tale, eller som taler i andre guders navn, den profet skal dø.21 Og om du sier ved dig selv: Hvad skal vi kjenne det ord på som Herren ikke har talt? -22 (da skal du vite:) Når det ord profeten taler i Herrens navn, ikke skjer og ikke går i opfyllelse, da er det et ord som Herren ikke har talt; det er et ord som profeten i overmot har dristet sig til å tale, og du skal ikke være redd ham.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-