1 Ito nga ang utos, ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na iniutos ng Panginoon ninyong Dios na ituro sa inyo, upang inyong magawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin: 2 Na ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios, na iyong ingatan ang lahat niyang mga palatuntunan at ang kaniyang mga utos, na aking iniutos sa iyo, sa iyo, at sa iyong anak, at sa anak ng iyong anak sa lahat ng araw ng iyong buhay; at upang ang iyong mga araw ay lumawig. 3 Dinggin mo nga, Oh Israel, at iyong isagawa upang ikabuti mo, at upang kayo'y dumaming maigi, na gaya ng ipinangako sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang, sa lupaing binubukalan ng gatas at pulot. 4 Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon: 5 At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas. 6 At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso; 7 At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon. 8 At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo. 9 At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay at sa iyong mga pintuan-daan. 10 At mangyayari, pagka ipapasok ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, upang ibigay sa iyo; na may malalaki at mabubuting bayan na hindi mo itinayo, 11 At mga bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay, na hindi mo pinuno, at mga balong hukay na hindi mo hinukay, mga ubasan at mga puno ng olibo, na hindi mo itinanim, at iyong kakanin at ikaw ay mabubusog; 12 At magingat ka nga, baka iyong malimutan ang Panginoon, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. 13 Ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios; at sa kaniya'y maglilingkod ka, at sa pamamagitan lamang ng kaniyang pangalan susumpa ka. 14 Huwag kang susunod sa ibang mga dios, sa mga dios ng mga bansang nasa palibot mo; 15 Sapagka't ang Panginoon mong Dios na nasa gitna mo, ay isang mapanibughuing Dios; baka ang galit ng Panginoon mong Dios ay magalab laban sa iyo, at ikaw ay kaniyang lipulin sa ibabaw ng lupa. 16 Huwag ninyong tutuksuhin ang Panginoon ninyong Dios, gaya ng tuksuhin ninyo siya sa Massah. 17 Inyong iingatan ng buong sikap ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, at ang kaniyang mga patotoo, at ang kaniyang mga palatuntunan, na kaniyang iniutos sa iyo. 18 At iyong gagawin ang matuwid at mabuti sa paningin ng Panginoon: upang ikabuti mo, at upang iyong mapasok at ariin ang mabuting lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang, 19 Upang palayasin ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo, gaya ng sinalita ng Panginoon. 20 Pagka tatanungin ka ng iyong anak sa panahong darating, na sasabihin: Anong kahulugan ng mga patotoo, at ng mga palatuntunan, at ng mga kahatulan, na iniutos sa inyo ng Panginoon nating Dios? 21 Ay iyo ngang sasabihin sa iyong anak: Kami ay naging mga alipin ni Faraon sa Egipto, at inilabas kami ng Panginoon sa Egipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay. 22 At ang Panginoon ay nagpakita ng mga tanda at ng mga kababalaghan, dakila at panggiba, sa Egipto, kay Faraon, at sa kaniyang buong sangbahayan, sa harap ng aming mga mata: 23 At kami ay inilabas niya roon, na kaniyang ipinasok kami rito, upang ibigay sa amin ang lupain na kaniyang isinumpa sa ating mga magulang. 24 At iniutos ng Panginoon sa amin na gawin ang lahat ng mga palatuntunang ito, na matakot sa Panginoon nating Dios, sa ikabubuti natin kailan man, upang ingatan niya tayong buhay, gaya sa araw na ito. 25 At siya'y magiging katuwiran sa atin, kung ating isagawa ang buong utos na ito sa harap ng Panginoon nating Dios, gaya ng iniutos niya sa atin.
1 Dette er de bud, de lover og de forskrifter som Herren eders Gud har befalt mig å lære eder, og som I skal leve efter i det land I drar over til og skal ta i eie -2 forat du skal frykte Herren din Gud og ta vare på alle hans lover og bud, som jeg byder dig, både du og din sønn og din sønnesønn, alle ditt livs dager, og forat dine dager må bli mange.3 Så hør, Israel, og akt vel på å holde dem, så det må gå dig vel, og I må økes og bli tallrike, således som Herren, dine fedres Gud, har tilsagt dig - i et land som flyter med melk og honning.4 Hør, Israel! Herren vår Gud, Herren er en.5 Og du skal elske Herren din Gud av alt ditt hjerte og av all din sjel og av all din makt.6 Og disse ord som jeg byder dig idag, skal du gjemme i ditt hjerte.7 Og du skal innprente dine barn dem, og du skal tale om dem når du sitter i ditt hus, og når du går på veien, og når du legger dig, og når du står op.8 Og du skal binde dem som et tegn på din hånd, og de skal være som en minneseddel på din panne.9 Og du skal skrive dem på dørstolpene i ditt hus og på dine porter.10 Og når Herren din Gud fører dig inn i det land han har tilsvoret dine fedre Abraham, Isak og Jakob å ville gi dig - store og gode byer som du ikke har bygget,11 og hus fulle av alle gode ting, som du ikke har fylt, og uthugne brønner som du ikke har uthugget, vingårder og oljetrær som du ikke har plantet - når du da eter og blir mett,12 da ta dig i vare at du ikke glemmer Herren, som førte dig ut av Egyptens land, av trælehuset!13 Herren din Gud skal du frykte, og ham skal du tjene, og ved hans navn skal du sverge.14 I skal ikke følge andre guder, av de folks guder som bor rundt omkring eder -15 for en nidkjær Gud er Herren din Gud, som er i din midte - forat ikke Herrens, din Guds vrede skal optendes mot dig, og han skal utrydde dig av jorden.16 I skal ikke friste Herren eders Gud, således som I fristet ham i Massa.17 I skal ta vare på Herrens, eders Guds bud og hans vidnesbyrd og hans forskrifter, som han har gitt dig.18 Og du skal gjøre det som er rett og godt i Herrens øine, forat det må gå dig vel, og du må komme inn i det gode land som Herren har tilsvoret dine fedre, og ta det i eie,19 og han skal drive ut alle dine fiender for dig, således som Herren har sagt.20 Når din sønn i fremtiden spør dig og sier: Hvorledes er det med de vidnesbyrd og de forskrifter og de bud som Herren vår Gud har gitt eder?21 da skal du si til ham: Vi var træler hos Farao i Egypten; men Herren førte oss ut av Egypten med sterk hånd.22 Og Herren gjorde store og ødeleggende tegn og under på egypterne, på Farao og på hele hans hus for våre øine.23 Men oss førte han ut derfra for å føre oss inn i det land han hadde tilsvoret våre fedre, og gi oss det.24 Og Herren bød oss å holde alle disse lover, å frykte Herren vår Gud, forat det skulde gå oss vel alle dager, og han holde oss i live, som det er gått til denne dag.25 Og det skal tjene oss til rettferdighet, når vi akter vel på å holde alle disse bud for Herrens, vår Guds åsyn, således som han bød oss.