Publicidade

Marcos 12

1 At nagpasimulang pinagsalitaan niya sila sa mga talinghaga. Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at binakuran ng mga buhay na punong kahoy, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain. 2 At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin niya sa mga magsasaka ang mga bunga ng ubasan. 3 At hinawakan nila siya, at hinampas siya, at siya'y pinauwing walang dala. 4 At siya'y muling nagsugo sa kanila ng ibang alipin; at ito'y kanilang sinugatan sa ulo, at dinuwahagi. 5 At nagsugo siya ng iba; at ito'y kanilang pinatay: at ang iba pang marami; na hinampas ang iba, at ang iba'y pinatay. 6 Mayroon pa siyang isa, isang sinisintang anak na lalake: ito'y sinugo niyang kahulihulihan sa kanila, na sinasabi, Igagalang nila ang aking anak. 7 Datapuwa't ang mga magsasakang yaon ay nangagsangusapan, Ito ang tagapagmana; halikayo, atin siyang patayin, at magiging atin ang mana. 8 At siya'y kanilang hinawakan, at siya'y pinatay, at itinaboy sa labas ng ubasan. 9 Ano nga kaya ang gagawin ng panginoon ng ubasan? siya'y paroroon at pupuksain ang mga magsasaka, at ibibigay ang ubasan sa mga iba. 10 Hindi man lamang baga nabasa ninyo ang kasulatang ito: Ang batong itinakuwil ng nangagtayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok; 11 Ito'y mula sa Panginoon, At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata. 12 At pinagsikapan nilang hulihin siya; at sila'y natakot sa karamihan; sapagka't kanilang napaghalata na kaniyang sinalita ang talinghaga laban sa kanila: at siya'y iniwan nila, at nagsialis. 13 At kanilang sinugo sa kaniya ang ilan sa mga Fariseo at sa mga Herodiano, upang siya'y mahuli nila sa pananalita. 14 At nang sila'y magsilapit, ay kanilang sinabi sa kaniya, Guro, nalalaman namin na ikaw ay totoo, at hindi ka nangingimi kanino man; sapagka't hindi ka nagtatangi ng mga tao, kundi itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios: Matuwid bagang bumuwis kay Cesar, o hindi? 15 Bubuwis baga kami, o hindi kami bubuwis? Datapuwa't siya, na nakatataho ng kanilang pagpapaimbabaw, ay nagsabi sa kanila, Bakit ninyo ako tinutukso? magdala kayo rito sa akin ng isang denario, upang aking makita. 16 At dinalhan nila. At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat? At sinabi nila sa kaniya, kay Cesar. 17 At sinabi sa kanila ni Jesus, ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar, at sa Dios ang sa Dios. At sila'y nanggilalas na mainam sa kaniya. 18 At nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo, na nangagsasabi na walang pagkabuhay na maguli; at siya'y kanilang tinanong, na sinasabi, 19 Guro, isinulat sa amin ni Moises, Kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay, at may maiwang asawa, at walang maiwang anak, ay kukunin ng kaniyang kapatid ang kaniyang asawa, at bigyan ng anak ang kaniyang kapatid. 20 May pitong lalaking magkakapatid: at nagasawa ang panganay, at nang mamatay ay walang naiwang anak; 21 At nagasawa sa bao ang pangalawa, at namatay na walang naiwang anak; at gayon din naman ang pangatlo: 22 At ang ikapito'y walang naiwang anak. Sa kahulihulihan ng lahat ay namatay naman ang babae. 23 Sa pagkabuhay na maguli, sino sa kanila ang magiging asawa ng babae? sapagka't siya'y naging asawa ng pito. 24 Sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi kaya nangagkakamali kayo dahil diyan, na hindi ninyo nalalaman ang mga kasulatan, ni ang kapangyarihan ng Dios? 25 Sapagka't sa pagbabangon nilang muli sa mga patay, ay hindi na mangagaasawa, ni papagaasawahin pa; kundi gaya ng mga anghel sa langit. 26 Nguni't tungkol sa mga patay, na sila'y mga ibabangon; hindi baga ninyo nabasa sa aklat ni Moises, tungkol sa Mababang punong kahoy, kung paanong siya'y kinausap ng Dios na sinasabi, Ako ang Dios ni Abraham, at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob? 27 Hindi siya ang Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay: kayo'y nangagkakamaling lubha. 28 At lumapit ang isa sa mga eskriba, at nakarinig ng kanilang pagtatalo, at palibhasa'y nalalamang mabuti ang pagkasagot niya sa kanila, ay tinanong siya, Ano baga ang pangulong utos sa lahat? 29 Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa: 30 At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo. 31 Ang pangalawa ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Walang ibang utos na hihigit sa mga ito. 32 At sinabi sa kaniya ng eskriba, Sa katotohanan, Guro, ay mabuti ang pagkasabi mo na siya'y iisa; at wala nang iba liban sa kaniya: 33 At ang siya'y ibigin ng buong puso, at ng buong pagkaunawa, at ng buong lakas, at ibigin ang kapuwa niya na gaya ng sa kaniyang sarili, ay higit pa kay sa lahat ng mga handog na susunugin at mga hain. 34 At nang makita ni Jesus na siya'y sumagot na may katalinuhan, ay sinabi niya sa kaniya, Hindi ka malayo sa kaharian ng Dios. At walang tao, pagkatapos noon na nangahas na tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong. 35 At sumagot si Jesus at nagsabi nang siya'y nagtuturo sa templo, Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David? 36 Si David din ang nagsabi sa pamamagitan ng Espiritu Santo, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tungtungan ng iyong mga paa. 37 Si David din ang tumatawag na Panginoon sa kaniya; at paano ngang siya'y kaniyang anak? At ang mga karaniwang tao ay nangakikinig sa kaniyang may galak. 38 At sinabi niya sa kaniyang pagtuturo, Mangagingat kayo sa mga eskriba, na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at pagpugayan sa mga pamilihan. 39 At ibig nila ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong luklukan sa mga pigingan: 40 Silang nangananakmal ng mga bahay ng mga babaing bao, at dinadahilan ay ang mahahabang panalangin; ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan. 41 At umupo siya sa tapat ng kabang-yaman, at minasdan kung paanong inihuhulog ng karamihan ang salapi sa kabang-yaman: at maraming mayayaman ang nangaghuhulog ng marami. 42 At lumapit ang isang babaing bao, at siya'y naghulog ng dalawang lepta, na ang halaga'y halos isang beles. 43 At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang baong babaing ito, ay naghulog ng higit kay sa lahat ng nangaghuhulog sa kabang-yaman: 44 Sapagka't silang lahat ay nagsipaghulog ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong nasa kaniya, sa makatuwid baga'y ang buong kaniyang ikabubuhay.

1 Og han begynte å tale til dem i lignelser: En mann plantet en vingård, og satte et gjerde omkring den og gravde en vinperse og bygget et tårn, og så leide han den ut til vingårdsmenn og drog utenlands.2 Og da tiden kom, sendte han en tjener til vingårdsmennene for å ta imot hans del av vingårdens frukt hos vingårdsmennene;3 og de tok og slo ham, og lot ham gå bort med tomme hender.4 Og atter sendte han en annen tjener til dem, og ham slo de i hodet og hånte ham.5 Og han sendte en annen, og ham slo de ihjel, og så gjorde de med mange andre: somme slo de, og somme drepte de.6 Nu hadde han bare sin eneste sønn igjen, som han elsket; ham sendte han til sist til dem, idet han sa: De vil undse sig for min sønn.7 Men disse vingårdsmenn sa til hverandre: Dette er arvingen; kom, la oss slå ham ihjel, så blir arven vår!8 Og de tok og slo ham ihjel, og kastet ham ut av vingården.9 Hvad skal da vingårdens herre gjøre? Han skal komme og drepe vingårdsmennene, og overgi vingården til andre.10 Og har I ikke lest dette sted i Skriften: Den sten som bygningsmennene forkastet, den er blitt hjørnesten;11 av Herren er dette gjort, og det er underfullt i våre øine?12 Og de søkte å gripe ham, men fryktet for folket; for de skjønte at det var om dem han hadde talt lignelsen. Og de forlot ham og gikk bort.13 Og de sendte nogen av fariseerne og herodianerne til ham for å fange ham med ord.14 Og de kom og sa til ham: Mester! vi vet at du er sanndru og ikke bryr dig om nogen; for du gjør ikke forskjell på folk, men lærer Guds vei i sannhet: Er det tillatt å gi keiseren skatt, eller ikke? skal vi gi, eller skal vi ikke gi?15 Men da han så deres hykleri, sa han til dem: Hvorfor frister I mig? Kom hit med en penning og la mig få se den!16 De gav ham en. Og han sier til dem: Hvis billede og påskrift er dette? De sa til ham: Keiserens.17 Og Jesus sa til dem: Gi keiseren hvad keiserens er, og Gud hvad Guds er! Og de undret sig storlig over ham.18 Og det kom nogen sadduseere til ham, de som sier at det ikke er nogen opstandelse, og de spurte ham og sa:19 Mester! Moses har foreskrevet oss at når en manns bror dør og efterlater hustru, men ikke barn, da skal hans bror ta hans hustru til ekte og opreise sin bror avkom.20 Nu var det syv brødre; og den første tok sig en hustru, og efterlot ikke avkom da han døde.21 Og den annen tok henne, og døde uten å efterlate avkom, og den tredje likeså;22 og ingen av de syv efterlot avkom. Sist av alle døde også kvinnen.23 Men i opstandelsen, når de står op, hvem av dem skal da få henne til hustru? for alle syv har jo hatt henne til hustru.24 Jesus sa til dem: Er det ikke derfor I farer vill, fordi I ikke kjenner skriftene og heller ikke Guds kraft?25 For når de står op fra de døde, da hverken tar de til ekte eller gis de til ekte, men de er som englene i himmelen.26 Men om de døde, at de står op, har I da ikke lest i Mose bok, der hvor det tales om tornebusken, hvorledes Gud talte til ham og sa: Jeg er Abrahams Gud og Isaks Gud og Jakobs Gud?27 Gud er ikke de dødes Gud, men de levendes. I farer storlig vill.28 Og en av de skriftlærde, som hadde hørt deres ordskifte, gikk til ham, da han forstod at han hadde svart dem godt, og han spurte ham: Hvilket bud er det første av alle?29 Jesus svarte ham: Det første er dette: Hør, Israel! Herren vår Gud, Herren er én,30 og du skal elske Herren din Gud av alt ditt hjerte og av all din sjel og av all din hu og av all din makt; dette er det første bud.31 Det annet, som er like så stort, er dette: Du skal elske din næste som dig selv. Større enn disse er intet annet bud.32 Og den skriftlærde sa til ham: I sannhet, mester! med rette har du sagt at han er én, og at det ikke er nogen annen foruten ham.33 Og å elske ham av alt sitt hjerte og av all sin forstand og av all sin sjel og av all sin makt, og å elske sin næste som sig selv, det er mere enn alle brennoffer og slaktoffer.34 Og da Jesus så at han svarte forstandig, sa han til ham: Du er ikke langt borte fra Guds rike. Og ingen vågde mere å spørre ham.35 Og mens Jesus lærte i templet, tok han til orde og sa: Hvorledes kan de skriftlærde si at Messias er Davids sønn?36 David selv har jo sagt i den Hellige Ånd: Herren sa til min herre: Sett dig ved min høire hånd, til jeg får lagt dine fiender til skammel for dine føtter!37 David selv kaller ham herre; hvorledes kan han da være hans sønn? Og den store mengde hørte ham gjerne.38 Og han sa mens han lærte dem: Ta eder i vare for de skriftlærde, som gjerne vil gå i side klær og la sig hilse på torvene,39 og ha de øverste seter i synagogene og sitte øverst ved gjestebudene;40 de som opeter enkers hus og for et syns skyld holder lange bønner! Disse skal få dess hårdere dom.41 Og han satte sig rett imot tempelkisten og så på hvorledes folket la penger i kisten; og mange rike la meget.42 Og en fattig enke kom og la to skjerver, som er én øre.43 Da kalte han sine disipler til sig og sa til dem: Sannelig sier jeg eder: Denne fattige enke har lagt mere enn alle de som la i kisten.44 For de la alle av sin overflod, men hun la av sin fattigdom alt det hun eide, hele sitt livsophold.

Veja também

Publicidade
Marcos
Ver todos os capítulos de Marcos
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-