Publicidade

Marcos 6

1 At umalis siya doon; at napasa kaniyang sariling lupain; at nagsisunod sa kaniya ang kaniyang mga alagad. 2 At nang dumating ang sabbath, ay nagpasimulang magturo siya sa sinagoga: at marami sa nangakakarinig sa kaniya ay nangagtataka, na nangagsasabi, Saan nagkaroon ang taong ito ng mga bagay na ito? at, Anong karunungan ito na sa kaniya'y ibinigay, at anong kahulugan ng gayong mga makapangyarihang gawa na ginagawa ng kaniyang mga kamay? 3 Hindi baga ito ang anluwagi, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, at ni Jose, at ni Judas, at ni Simon? at hindi baga nangaririto sa atin ang kaniyang mga kapatid na babae? At siya'y kinatitisuran nila. 4 At sinabi sa kanila ni Jesus, Walang propetang di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa gitna ng kaniyang sariling mga kamaganak, at sa kaniyang sariling bahay. 5 At hindi siya nakagawa doon ng anomang makapangyarihang gawa, liban sa ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa ilang mga maysakit, at pinagaling sila. 6 At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya. At siya'y lumibot na nagtuturo sa mga nayong nasa paligidligid. 7 At pinalapit niya sa kaniya ang labingdalawa, at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa; at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu; 8 At ipinagbilin niya sa kanila na huwag silang magsipagbaon ng anoman sa paglakad, kundi tungkod lamang; kahit tinapay, kahit supot ng ulam, kahit salapi sa kanilang supot; 9 Datapuwa't gumamit ng mga sandalyas: at, huwag magsuot ng dalawang tunika. 10 At sinabi niya sa kanila, Saan man kayo magsipasok sa isang bahay, mangatira kayo roon hanggang sa kayo'y magsialis doon. 11 At sa alin mang dakong hindi kayo tanggapin, at hindi kayo pakinggan, pagalis ninyo doo'y ipagpag ninyo ang alabok na nasa ilalim ng inyong talampakan bilang patotoo sa kanila. 12 At sila'y nangagsialis, at nagsipangaral na mangagsisi ang mga tao. 13 At nangagpalabas ng maraming demonio, at nangagpahid ng langis sa maraming may-sakit, at pinagaling sila. 14 At narinig ng haring Herodes; sapagka't nabantog na ang pangalan niya; at sinabi niya, Si Juan na Mangbabautismo ay nagbangon sa mga patay, at kaya sumasa kaniya ang mga kapangyarihang ito. 15 At sinasabi ng mga iba, Siya'y si Elias. At sinasabi ng mga iba, Siya'y propeta, na gaya ng ibang mga propeta. 16 Datapuwa't nang marinig ni Herodes, ay sinabi, Si Juan na aking pinugutan ng ulo, siya'y nagbangon. 17 Sapagka't si Herodes din ang nagsugo sa mga kawal at nagpahuli kay Juan, at nagpatanikala sa kaniya sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ni Filipo na kaniyang kapatid; sapagka't nagasawa siya sa kaniya. 18 Sapagka't sinabi ni Juan kay Herodes, Hindi matuwid sa iyo na iyong ariin ang asawa ng iyong kapatid. 19 At ipinagtanim siya ni Herodias, at hinahangad siyang patayin; at hindi niya magawa; 20 Sapagka't natatakot si Herodes kay Juan palibhasa'y nalalamang siya'y lalaking matuwid at banal, at siya'y ipinagsanggalang niya. At kung siya'y pinakikinggan niya, ay natitilihan siyang mainam; at pinakikinggan niya siya na may galak. 21 At nang sumapit ang isang kaukulang araw, na kapanganakan niya, ay ipinaghanda ni Herodes ng isang hapunan ang kaniyang mga maginoo, at mga mataas na kapitan, at mga pangulong lalake sa Galilea; 22 At nang pumasok ang anak na babae ni Herodias ay sumayaw, at siya'y kinalugdan ni Herodes at ng mga kasalo niyang nakaupo sa dulang; at sinabi ng hari sa dalaga, Hingin mo sa akin ang maibigan mo, at ibibigay ko sa iyo. 23 At ipinanumpa niya sa kaniya, Ang anomang hingin mo sa akin ay ibibigay ko sa iyo, kahit ang kalahati ng aking kaharian. 24 At lumabas siya, at sinabi sa kaniyang ina, Ano ang aking hihingin? At sinabi niya, Ang ulo ni Juan ang Mangbabautismo. 25 At pagdaka'y pumasok siyang dalidali sa kinaroroonan ng hari, at humingi, na sinasabi, Ibig ko na ngayon din ang ibigay mo sa akin na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista. 26 At namanglaw na lubha ang hari; datapuwa't dahil sa kaniyang sumpa, at sa nangakaupo sa dulang, ay hindi niya itinanggi. 27 At pagdaka'y nagsugo ang hari sa isang kawal na kaniyang bantay, at ipinagutos na dalhin sa kaniya ang ulo niya: at yumaon siya at pinugutan siya ng ulo sa bilangguan, 28 At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga; at ibinigay ng dalaga sa kaniyang ina. 29 At nang mabalitaan ng kaniyang mga alagad, ay nagsiparoon sila at binuhat ang kaniyang bangkay, at inilagay sa isang libingan. 30 At ang mga apostol ay nangagpisan kay Jesus; at isinaysay nila sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kanilang ginawa, at ang lahat ng kanilang itinuro. 31 At sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo ng bukod sa isang dakong ilang, at mangagpahinga kayo ng kaunti. Sapagka't marami ang nangagpaparoo't parito, at sila'y hindi man lamang mangagkapanahon na magsikain. 32 At nagsiyaon silang nangasa daong at nangapasa isang dakong ilang at bukod. 33 At nangakita sila ng mga tao sa pagalis, at sila'y nangakilala ng marami at paraparang nagsisitakbo na nagsiparoon doon mula sa lahat ng mga bayan, at nangaunang nagsirating pa kay sa kanila. 34 At lumabas siya at nakita ang lubhang maraming tao, at nahabag siya sa kanila, sapagka't sila'y gaya ng mga tupa na walang pastor: at siya'y nagpasimulang tinuruan sila ng maraming bagay. 35 At nang gumabi na, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at nangagsabi, Ilang ang dakong ito, at gumagabi na; 36 Payaunin mo sila, upang sila'y magsiparoon sa mga bayan at mga nayon sa palibotlibot nito, at mangagsibili ng anomang makakain. 37 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Bigyan ninyo sila ng makakain. At sinabi nila sa kaniya, Magsisiyaon ba kami at magsisibili ng dalawang daang denariong tinapay, at ipakakain namin sa kanila? 38 At sinabi niya sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? magsiparoon kayo at inyong tingnan. At nang mangaalaman nila, ay kanilang sinabi, Lima, at dalawang isda. 39 At iniutos niya sa kanila na paupuin silang lahat na pulupulutong sa ibabaw ng damuhang sariwa. 40 At sila'y nagsiupong hanayhanay, na tigsasangdaan, at tiglilimangpu. 41 At kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputolputol ang mga tinapay; at ibinigay niya sa mga alagad upang ihain nila sa kanila; at ipinamahagi niya sa kanilang lahat ang dalawang isda. 42 At nagsikain silang lahat, at nangabusog. 43 At kanilang pinulot ang mga pinagputolputol, labingdalawang bakol na puno ng tinapay at mga isda naman. 44 At ang nagsikain ng mga tinapay ay limang libong lalake. 45 At pagdaka'y pinalulan niya sa daong ang kaniyang mga alagad, at pinauna sa kaniya sa kabilang ibayo, sa Betsaida, samantalang pinayayaon niya ang karamihan. 46 At pagkatapos na mapagpaalam niya sila, ay naparoon siya sa bundok upang manalangin. 47 At nang dumating ang gabi, ang daong ay nasa gitna ng dagat, at siya'y nagiisa sa lupa. 48 At pagkakita sa kanila na totoong nangalulumbay sa paggaod, sapagka't sinasalunga sila ng hangin, at malapit na ang ikaapat na pagpupuyat sa gabi ay naparoon siya sa kanila, na lumalakad sa ibabaw ng dagat; at ibig silang lagpasan: 49 Datapuwa't sila, nang makita nilang siya'y lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay inakala nilang siya'y isang multo, at nangagsisigaw; 50 Sapagka't nakita siya nilang lahat, at nangagulumihanan. Datapuwa't pagdaka'y nagsalita siya sa kanila, at sa kanila'y sinabi, Laksan ninyo ang inyong loob: ako nga; huwag kayong mangatakot. 51 At pinanhik niya sila sa daong; at humimpil ang hangin: at sila'y nanganggilalas ng di kawasa sa kanilang sarili; 52 Palibhasa'y hindi pa nila natatalastas yaong tungkol sa mga tinapay, dahil sa ang kanilang puso'y pinatigas. 53 At nang mangakatawid na sila, ay narating nila ang lupa ng Genezaret, at nagsisadsad sa daungan. 54 At paglunsad nila sa daong, pagdaka'y nakilala siya ng mga tao, 55 At nang malibot nilang nagtutumulin ang buong lupaing yaon, at nagpasimulang dalhin sa kaniya ang mga may-sakit na nasa kanilang higaan, saan man nila marinig na naroon siya. 56 At saan man siya pumasok, sa mga nayon, o sa mga bayan o sa mga bukid, ay inilalagay nila sa mga liwasan ang mga may-sakit, at ipinamamanhik sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit: at ang lahat ng nagsihipo sa kaniya ay pawang nagsigaling.

1 Og han gikk ut derfra og kom til sitt hjemsted, og hans disipler fulgte ham.2 Og da sabbaten kom, begynte han å lære i synagogen. Og mange som hørte ham, var slått av forundring og sa: Hvorfra har han dette, og hvad er det for en visdom som er ham gitt? Og slike kraftige gjerninger som skjer ved hans hender!3 Er ikke dette tømmermannen, Marias sønn og bror til Jakob og Joses og Judas og Simon, og er ikke hans søstre her hos oss? Og de tok anstøt av ham.4 Og Jesus sa til dem: En profet blir ikke foraktet annensteds enn på sitt hjemsted og blandt sine slektninger og i sitt hus.5 Og han kunde ikke gjøre nogen kraftig gjerning der, undtagen at han la sine hender på nogen få syke og helbredet dem;6 og han undret sig over deres vantro. Og han gikk omkring i byene og lærte.7 Og han kalte de tolv til sig og begynte å sende dem ut, to og to, og gav dem makt over de urene ånder.8 Og han bød dem at de ikke skulde ta noget med på veien, uten bare en stav, ikke brød, ikke skreppe, ikke kobber i beltet,9 men ha sko på, og ikke to kjortler.10 Og han sa til dem: Hvor I kommer inn i et hus, der skal I bli til I drar videre fra det sted.11 Og hvor de ikke tar imot eder og ikke hører på eder, der skal I gå ut fra det sted og ryste av støvet under eders føtter til et vidnesbyrd mot dem.12 Og de gikk ut og forkynte for folket at de skulde omvende sig,13 og de drev ut mange onde ånder og salvet mange syke med olje og helbredet dem.14 Og kong Herodes fikk høre om dette - for Jesu navn blev kjent vidt og bredt - og han sa: Døperen Johannes er opstanden fra de døde, og derfor er det disse krefter er virksomme i ham.15 Andre sa: Det er Elias; andre igjen sa: Det er en profet, som en av profetene.16 Men da Herodes hørte det, sa han: Johannes, som jeg lot halshugge, han er opstanden fra de døde.17 For Herodes hadde selv sendt folk avsted og grepet Johannes og lagt ham i bånd og kastet ham i fengsel for Herodias' skyld, som var hans bror Filips hustru; for han hadde giftet sig med henne.18 Men Johannes hadde sagt til Herodes: Det er dig ikke tillatt å ha din brors hustru.19 Og Herodias bar hat til ham og vilde gjerne slå ham ihjel, men kunde ikke utvirke det.20 For Herodes fryktet Johannes, fordi han kjente ham som en rettferdig og hellig mann, og han holdt sin hånd over ham, og når han hørte ham, var han i tvil om mangt og meget, og han hørte ham gjerne.21 Så kom det en beleilig dag, da Herodes gjorde et gjestebud på sin fødselsdag for sine stormenn og krigshøvdingene og de fornemste i Galilea,22 og Herodias' datter kom inn og danset, og Herodes og de som satt til bords med ham, syntes om henne. Og kongen sa til piken: Be mig om hvad du vil, og jeg vil gi dig det!23 Og han svor henne til: Hvad du ber mig om, det vil jeg gi dig, om det så var halvdelen av mitt rike.24 Hun gikk da ut og sa til sin mor: Hvad skal jeg be om? Hun sa: Om døperen Johannes' hode.25 Og straks skyndte hun sig inn til kongen og bad ham og sa: Jeg vil at du straks skal gi mig døperen Johannes' hode på et fat.26 Og kongen blev meget bedrøvet; men for sine eders skyld og for deres skyld som satt til bords, vilde han ikke si nei til henne.27 Og straks sendte kongen en av sin livvakt avsted og bød ham hente hans hode.28 Han gikk da avsted og halshugget ham i fengslet, og kom med hans hode på et fat og gav det til piken, og piken gav det til sin mor.29 Og da hans disipler hørte det, kom de og tok hans legeme og la det i en grav.30 Og apostlene samlet sig igjen hos Jesus, og fortalte ham alt det de hadde gjort og lært.31 Og han sa til dem: Kom nu I med mig avsides til et øde sted og hvil eder litt ut! For det var mange som gikk til og fra, og det blev ikke engang tid for dem til å få sig mat.32 Så drog de avsted i båten til et øde sted for sig selv.33 Og folk så dem dra bort, og mange kjente dem; og fra alle byene løp de til fots dit og kom før dem.34 Og da han gikk i land, så han meget folk, og han ynkedes inderlig over dem; for de var lik får som ikke har hyrde; og han begynte å lære dem meget.35 Og da det alt var sent på dagen, gikk hans disipler til ham og sa: Stedet er øde, og det er alt sent på dagen;36 la dem fare, så de kan gå bort i bygdene og byene heromkring og kjøpe sig noget å ete!37 Men han svarte og sa til dem: Gi I dem å ete! Og de sa til ham: Skal vi gå bort og kjøpe brød for to hundre penninger og gi dem å ete?38 Men han sa til dem: Hvor mange brød har I? Gå bort og se efter! Og da de hadde sett efter, sa de: Fem, og to fisker.39 Og han bød dem å la alle sette sig ned i det grønne gress, lag ved lag.40 Og de satte sig ned, hop ved hop, somme på hundre og somme på femti.41 Og han tok de fem brød og de to fisker, så op mot himmelen og velsignet dem; og han brøt brødene og gav dem til disiplene, forat de skulde dele ut til folket, og de to fisker delte han imellem dem alle.42 Og de åt alle og blev mette;43 og de tok op tolv kurver fulle av stykker, og likeså av fiskene.44 Og de som hadde ett brødene, var fem tusen menn.45 Og straks nødde han sine disipler til å gå i båten og fare i forveien over til hin side, til Betsaida, mens han selv sendte folket avsted.46 Og da han skiltes fra dem, gikk han op i fjellet for å bede.47 Og da det var blitt aften, var båten midt på sjøen, og han var alene på land.48 Og da han så at de var i nød mens de rodde - for vinden var imot - kom han til dem ved den fjerde nattevakt, vandrende på sjøen, og han vilde gå forbi dem.49 Men da de så ham vandre på sjøen, trodde de at det var et spøkelse, og de skrek;50 for de så ham alle sammen og blev forferdet. Men han talte straks til dem og sa: Vær frimodige; det er mig, frykt ikke!51 Og han steg inn i båten til dem, og vinden la sig; og de blev ute av sig selv av forundring.52 For de hadde ikke fått forstand av det som var skjedd med brødene; men deres hjerte var forherdet.53 Og da de hadde faret over, kom de til Gennesarets land og la til der.54 Og da de gikk ut av båten, kjente folket ham straks igjen,55 og de løp omkring i alt landet der, og de begynte å føre de syke omkring i sine senger dit hvor de hørte at han var.56 Og hvor han gikk inn i landsbyer eller byer eller gårder, der la de sine syke på torvene og bad ham at de måtte få røre, om det så bare var ved det ytterste av hans klædebon; og alle de som rørte ved ham, blev helbredet.

Veja também

Publicidade
Marcos
Ver todos os capítulos de Marcos
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-