1 Pagkaraan nga ng dalawang araw ay kapistahan ng paskua at ng mga tinapay na walang lebadura: at pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong siya'y huhulihin sa pamamagitan ng daya, at siya'y maipapatay. 2 Sapagka't sinasabi nila, Huwag sa kapistahan, baka magkagulo ang bayan. 3 At samantalang siya'y nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin, samantalang siya'y nakaupo sa pagkain, ay dumating ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro na puno ng unguentong nardo na totoong mahalaga; at binasag niya ang sisidlan, at ibinuhos sa kaniyang ulo. 4 Datapuwa't may ilan na nangagalit sa kanilang sarili, na nagsipagsabi, Ano ang layon ng pagaaksayang ito ng unguento? 5 Sapagka't ang unguentong ito'y maipagbibili ng mahigit sa tatlong daang denario, at maibibigay sa mga dukha. At inupasalaan nila ang babae. 6 Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo siya; bakit ninyo siya binabagabag? mabuting gawa ang ginawa niya sa akin. 7 Sapagka't laging nasa inyo ang mga dukha, at kung kailan man ibigin ninyo ay mangyayaring magawan ninyo sila ng magaling: datapuwa't ako'y hindi laging nasa inyo. 8 Ginawa niya ang kaniyang nakaya; nagpauna na siya na pahiran ang katawan ko sa paglilibing sa akin. 9 At katotohanang sinasabi ko sa inyo, Saan man ipangaral ang evangelio sa buong sanglibutan, ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa kaniya. 10 At si Judas Iscariote, na isa sa labingdalawa, ay naparoon sa mga pangulong saserdote, upang maipagkanulo niya siya sa kanila. 11 At sila, pagkarinig nila nito, ay nangatuwa, at nagsipangakong siya'y bibigyan ng salapi. At pinagsikapan niya kung paanong siya ay kaniyang maipagkakanulo sa kapanahunan. 12 At nang unang araw ng mga tinapay na walang lebadura, nang kanilang inihahain ang kordero ng paskua, ay sinabi sa kaniya, ng kaniyang mga alagad, Saan mo ibig kaming magsiparoon at ipaghanda ka upang makakain ng kordero ng paskua? 13 At sinugo ang dalawa sa kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo sa bayan, at doo'y masasalubong ninyo ang isang lalake na may dalang isang bangang tubig: sundan ninyo siya; 14 At saan man siya pumasok, ay sabihin ninyo sa puno ng sangbahayan, Sinasabi ng Guro, Saan naroon ang aking tuluyan, na makakanan ko ng kordero ng paskua na kasalo ng aking mga alagad? 15 At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nagagayakan at handa na: at ipaghanda ninyo roon tayo. 16 At nagsiyaon ang mga alagad, at nagsipasok sa bayan, at nasumpungan ang ayon sa sinabi niya sa kanila: at inihanda nila ang kordero ng paskua. 17 At nang gumabi na ay naparoon siyang kasama ang labingdalawa. 18 At samantalang sila'y nangakaupo na at nagsisikain, ay sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang isa sa inyo na kasalo kong kumakain, ay ipagkakanulo ako. 19 Sila'y nagpasimulang nangamanglaw, at isaisang nagsabi sa kaniya, Ako baga? 20 At sinabi niya sa kanila, Isa nga sa labingdalawa, yaong sumabay sa aking sumawsaw sa pinggan. 21 Sapagka't papanaw ang Anak ng tao, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't sa aba niyaong taong nagkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak. 22 At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot siya ng tinapay, at nang kaniyang mapagpala, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, at sinabi, Inyong kunin: ito ang aking katawan. 23 At siya'y dumampot ng isang saro, at nang siya'y makapagpasalamat, ay ibinigay niya sa kanila: at doo'y nagsiinom silang lahat. 24 At sinabi niya sa kanila, Ito'y ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami. 25 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hindi na ako iinom ng bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago sa kaharian ng Dios. 26 At pagkaawit nila ng isang imno, ay nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo. 27 At sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangatitisod: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa. 28 Gayon ma'y pagkapagbangon ko, ay mauuna ako sa inyo sa Galilea. 29 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Bagama't mangatitisod ang lahat, nguni't ako'y hindi. 30 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na ngayon, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok ng makalawa, ay ikakaila mo akong makaitlo. 31 Datapuwa't lalo nang nagmatigas siya na sinabi, Kahima't kailangang mamatay akong kasama mo, ay hindi kita ikakaila. At sinabi rin naman ng lahat ang gayon din. 32 At nagsirating sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani: at sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y nananalangin. 33 At kaniyang isinama si Pedro at si Santiago at si Juan, at nagpasimulang nagtakang totoo, at namanglaw na mainam. 34 At sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at mangagpuyat. 35 At lumakad siya sa dako pa roon, at nagpatirapa sa lupa, at idinalangin na, kung mangyayari, ay makalampas sa kaniya ang oras. 36 At kaniyang sinabi, Abba, Ama, may pangyayari sa iyo ang lahat ng mga bagay; ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y hindi ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo. 37 At siya'y lumapit, at naratnang sila'y nangatutulog, at sinabi kay Pedro, Simon, natutulog ka baga? hindi ka makapagpuyat ng isang oras? 38 Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman. 39 At muli siyang umalis, at nanalangin, na sinabi ang gayon ding mga salita. 40 At muli siyang nagbalik, at naratnang sila'y nangatutulog, sapagka't nangabibigatang totoo ang kanilang mga mata; at wala silang maalamang sa kaniya'y isagot. 41 At lumapit siyang bilang ikatlo, at sinabi sa kanila, Mangatulog na kayo, at mangagpahinga: sukat na; dumating na ang oras; narito, ang Anak ng tao ay ipagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan. 42 Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin. 43 At pagdaka, samantalang nagsasalita pa siya, ay dumating si Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang isang karamihang may mga tabak at mga panghampas, na mula sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba at sa matatanda. 44 Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga; hulihin ninyo siya, at dalhin ninyo siyang maingat. 45 At nang dumating siya, pagdaka'y lumapit siya sa kaniya, at nagsabi, Rabi; at siya'y hinagkan. 46 At siya'y sinunggaban nila, at siya'y kanilang dinakip. 47 Datapuwa't isa sa nangaroon ay nagbunot ng kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinigpas ang kaniyang tainga. 48 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Kayo baga'y nagsilabas, na parang laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako? 49 Araw-araw ay kasama ninyo ako sa templo, na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli: nguni't nangyari ito upang matupad ang mga kasulatan. 50 At iniwan siya ng lahat, at nagsitakas. 51 At sinundan siya ng isang binata, na nababalot ng isang kumot ang katawan niyang hubo't hubad: at hinawakan nila siya; 52 Datapuwa't kaniyang binitiwan ang kumot, at tumakas na hubo't hubad. 53 At dinala nila si Jesus sa dakilang saserdote: at nangagpipisan sa kaniya ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda at ang mga eskriba. 54 At si Pedro ay sumunod sa kaniya sa malayo, hanggang sa loob ng looban ng dakilang saserdote; at nakiumpok siya sa mga punong kawal, at nagpapainit sa ningas ng apoy. 55 Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoo laban kay Jesus upang siya'y ipapatay; at hindi nangasumpungan. 56 Sapagka't marami ang nagsisaksi ng kasinungalingan laban sa kaniya, at ang kanilang mga patotoo ay hindi nangagkatugma. 57 At nagsipagtindig ang ilan, at nagsisaksi ng kasinungalingan laban sa kaniya, na sinasabi, 58 Narinig naming sinabi niya, Aking igigiba ang templong ito na gawa ng mga kamay, at sa loob ng tatlong araw ay itatayo ko ang ibang hindi gawa ng mga kamay. 59 At kahit sa papagayon man ay hindi rin nangagkatugma ang patotoo nila. 60 At nagtindig sa gitna ang dakilang saserdote, at tinanong si Jesus na sinabi, Hindi ka sumasagot ng anoman? ano ang sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo? 61 Datapuwa't siya'y hindi umiimik, at walang isinagot. Tinanong siyang muli ng dakilang saserdote, at sinabi sa kaniya, Ikaw baga ang Cristo, ang Anak ng Mapalad? 62 At sinabi ni Jesus, Ako nga; at makikita ninyo ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan, at pumaparito na nasa mga alapaap ng langit. 63 At hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit, at nagsabi, Ano pang kailangan natin ng mga saksi? 64 Narinig ninyo ang kapusungan: ano sa akala ninyo? At hinatulan nilang lahat na siya'y dapat mamatay. 65 At pinasimulang luraan siya ng ilan, at tinakpan ang kaniyang mukha, at siya'y pinagsusuntok, at sa kaniya'y kanilang sinasabi, Hulaan mo: at siya'y pinagsusuntok ng mga punong kawal. 66 At samantalang nasa ibaba si Pedro, sa looban, ay lumapit ang isa sa mga alilang babae ng dakilang saserdote; 67 At pagkakita niya kay Pedro na nagpapainit, ay tinitigan niya siya, at sinabi, Ikaw man ay kasama rin ng Nazareno, na si Jesus. 68 Datapuwa't siya'y kumaila, na sinasabi, Hindi ko nalalaman, ni nauunawa man ang sinasabi mo: at lumabas siya sa portiko; at tumilaok ang manok. 69 At nakita siya ng alilang babae, at nagpasimulang magsabing muli sa nangaroroon, Ito ay isa sa kanila. 70 Datapuwa't muling ikinaila niya. At hindi nalaon, at ang nangaroon ay nangagsabing muli kay Pedro. Sa katotohanang ikaw ay isa sa kanila; sapagka't ikaw ay Galileo. 71 Datapuwa't siya'y nagpasimulang manungayaw, at manumpa, Hindi ko nakikilala ang taong ito na inyong sinasabi. 72 At pagdaka, bilang pangalawa'y tumilaok ang manok. At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya, Bago tumilaok ang manok ng makalawa, ay ikakaila mo akong makaitlo. At nang maisip niya ito, ay tumangis siya.
1 Men to dager derefter var det påske og de usyrede brøds høitid. Og yppersteprestene og de skriftlærde søkte råd til å gripe ham med list og slå ham ihjel;2 for de sa: Ikke på høitiden, forat det ikke skal bli opstyr blandt folket.3 Og mens han var i Betania, i Simon den spedalskes hus, og satt til bords, da kom en kvinne som hadde en alabaster-krukke med ekte kostelig nardussalve, og hun brøt alabaster-krukken i sønder og helte den ut over hans hode.4 Men der var nogen som blev vrede ved sig selv og sa: Hvad skal denne spille av salven være til?5 Denne salve kunde jo være solgt for mere enn tre hundre penninger og gitt til de fattige. Og de talte strengt til henne.6 Men Jesus sa: La henne være i fred! Hvorfor gjør I henne fortred? hun har gjort en god gjerning mot mig.7 For de fattige har I alltid hos eder, og når I vil, kan I gjøre vel mot dem; men mig har I ikke alltid.8 Hun gjorde det hun kunde; hun salvet forut mitt legeme til min jordeferd.9 Sannelig sier jeg eder: Hvor som helst evangeliet forkynnes i all verden, skal også det hun gjorde omtales til minne om henne.10 Og Judas Iskariot, en av de tolv, gikk til yppersteprestene for å forråde ham til dem.11 Men da de hørte det, blev de glade og lovte å gi ham penger; og han søkte leilighet til å forråde ham.12 Og på den første dag av de usyrede brøds høitid, da de slaktet påskelammet, sa hans disipler til ham: Hvor vil du vi skal gå og gjøre i stand, så du kan ete påskelammet?13 Da sendte han to av sine disipler avsted og sa til dem: Gå inn i byen, og der skal møte eder en mann som bærer en krukke vann; følg ham,14 og der hvor han går inn, skal I si til husbonden: Mesteren sier: Hvor er mitt herberge, der jeg kan ete påskelammet med mine disipler?15 Og han skal vise eder en stor sal, som står ferdig med benker og hynder, og der skal I gjøre det i stand for oss.16 Og disiplene gikk avsted og kom inn i byen og fant det således som han hadde sagt dem; og de gjorde i stand påskelammet.17 Og da det var blitt aften, kom han med de tolv.18 Og mens de satt til bords og åt, sa Jesus: Sannelig sier jeg eder: En av eder skal forråde mig, den som eter med mig.19 Da begynte de å bedrøves og en for en å si til ham: Det er da vel ikke mig?20 Han sa til dem: Det er en av de tolv, den som dypper sammen med mig i fatet.21 Menneskesønnen går bort, som skrevet er om ham; men ve det menneske ved hvem Menneskesønnen blir forrådt! Det hadde vært godt for det menneske om han aldri var født.22 Og mens de åt, tok han et brød, velsignet og brøt det, gav dem og sa: Ta det! Dette er mitt legeme.23 Og han tok en kalk, takket og gav dem; og de drakk alle av den.24 Og han sa til dem: Dette er mitt blod, paktens blod, som utgydes for mange.25 Sannelig sier jeg eder: Jeg skal ikke mere drikke av vintreets frukt før den dag jeg skal drikke den ny i Guds rike.26 Og da de hadde sunget lovsangen, gikk de ut til Oljeberget.27 Og Jesus sa til dem: I skal alle ta anstøt; for det er skrevet: Jeg vil slå hyrden, og fårene skal adspredes.28 Men når jeg er opstanden, vil jeg gå i forveien for eder til Galilea.29 Da sa Peter til ham: Om enn alle tar anstøt, vil dog ikke jeg gjøre det.30 Og Jesus sa til ham: Sannelig sier jeg dig: Idag, i denne natt, før hanen har galt to ganger, skal du fornekte mig tre ganger.31 Men han blev ved sitt og sa: Om jeg så skal dø med dig, vil jeg ikke fornekte dig. Det samme sa de alle.32 Og de kom til et sted som heter Getsemane; og han sa til sine disipler: Sett eder her mens jeg beder!33 Og han tok Peter og Jakob og Johannes med sig, og begynte å forferdes og engstes,34 og han sier til dem: Min sjel er bedrøvet inntil døden; bli her og våk!35 Og han gikk et lite stykke frem, falt ned på jorden og bad at denne stund måtte gå ham forbi, om det var mulig,36 og han sa: Abba, Fader! alt er mulig for dig; ta denne kalk fra mig! Dog, ikke hvad jeg vil, men hvad du vil!37 Og han kom og fant dem sovende, og sa til Peter: Simon, sover du? Var du ikke i stand til å våke én time?38 Våk og bed, forat I ikke skal komme i fristelse! Ånden er villig, men kjødet er skrøpelig.39 Og atter gikk han bort og bad, og sa de samme ord.40 Og da han kom igjen, fant han dem atter sovende; for deres øine var tunge, og de visste ikke hvad de skulde svare ham.41 Og han kom tredje gang og sa til dem: I sover altså og hviler eder! Det er nok; timen er kommet; se, Menneskesønnen overgis i synderes hender;42 stå op, la oss gå! Se, han er nær som forråder mig.43 Og straks, mens han ennu talte, kom Judas, en av de tolv, og med ham fulgte en hop med sverd og stokker; de kom fra yppersteprestene og de skriftlærde og de eldste.44 Men han som forrådte ham, hadde gitt dem et tegn og sagt: Den jeg kysser, ham er det; grip ham og før ham sikkert bort!45 Og da han kom, gikk han straks bort til ham og sa: Rabbi! og kysset ham.46 Men de la hånd på ham og grep ham.47 Men en av dem som stod der, drog sitt sverd, og slo til yppersteprestens tjener og hugg øret av ham.48 Og Jesus tok til orde og sa til dem: I er gått ut som mot en røver med sverd og stokker for å gripe mig;49 daglig var jeg hos eder og lærte i templet, og I grep mig ikke; men dette er skjedd forat skriftene skal opfylles.50 Da forlot de ham alle sammen og flydde.51 Og en ung mann fulgte ham med et linklæde kastet om sitt bare legeme, og de grep ham;52 men han slapp linklædet og flydde naken bort.53 Og de førte Jesus til ypperstepresten, og der kom alle yppersteprestene og de eldste og de skriftlærde sammen.54 Og Peter fulgte ham langt bakefter like inn i yppersteprestens gård, og han satt der sammen med tjenerne og varmet sig ved ilden.55 Men yppersteprestene og hele rådet søkte vidnesbyrd mot Jesus, forat de kunde drepe ham, men de fant ikke noget.56 For mange vidnet falsk mot ham, men deres vidnesbyrd stemte ikke overens.57 Da stod nogen op og vidnet falsk mot ham og sa:58 Vi har hørt ham si: Jeg vil bryte ned dette tempel som er gjort med hender, og på tre dager bygge et annet, som ikke er gjort med hender.59 Og enda stemte ikke deres vidnesbyrd overens.60 Da stod ypperstepresten op midt iblandt dem og spurte Jesus: Svarer du intet på det som disse vidner mot dig?61 Men han tidde og svarte intet. Atter spurte ypperstepresten ham og sa til ham: Er du Messias, den Velsignedes Sønn?62 Jesus sa: Jeg er det, og I skal se Menneskesønnen sitte ved kraftens høire hånd og komme med himmelens skyer.63 Da sønderrev ypperstepresten sine klær og sa: Hvad skal vi mere med vidner?64 I har hørt gudsbespottelsen; hvad tykkes eder? De dømte ham alle å være skyldig til døden.65 Og nogen gav sig til å spytte på ham og tildekke hans ansikt og slå ham med knyttet neve og si til ham: Spå! Og tjenerne tok imot ham med stokkeslag.66 Og mens Peter var nede i gårdsrummet, kom en av yppersteprestens tjenestepiker,67 og da hun så Peter varme sig, så hun på ham og sa: Også du var med denne nasareer, Jesus.68 Men han nektet det og sa: Jeg hverken vet eller forstår hvad du mener. Og han gikk ut i forgården, og hanen gol.69 Og piken fikk se ham, og begynte igjen å si til dem som stod der: Dette er en av dem.70 Men han nektet det atter. Og litt efter sa atter de som stod der, til Peter: Du er sannelig en av dem; du er jo en galileer.71 Men han gav sig til å forbanne sig og sverge: Jeg kjenner ikke det menneske I taler om.72 Og straks gol hanen annen gang. Da kom Peter det ord i hu som Jesus hadde sagt til ham: Før hanen har galt to ganger, skal du fornekte mig tre ganger. Og han tok det til hjerte og gråt.