A palavra
A Palavra de Deus é viva, eficaz e mais cortante que espada de dois gumes. Ela é lâmpada, alimento e purificação — tudo o que o cristão precisa para viver e crescer em fé.
Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao.
Ang salita ninyo ay iningatan ko
sa aking puso
upang hindi ako magkasala sa inyo.
Ang pagpapahayag ng inyong mga salita
ay nagbibigay-liwanag sa isipan ng tao
at karunungan sa mga kulang
sa kaalaman.
Nang pasimula, naroon na ang Salita. Ang Salita ay kasama ng Diyos at ang Salita ay Diyos.
Naging tao ang Salita at namuhay kasama namin. Nakita namin ang kaluwalhatian niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama, puspos ng kagandahang-loob at katotohanan.
Ang Espiritu ang siyang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay mula sa Espiritu at nakapagbibigay-buhay.
Malinis na kayo dahil sa mga salitang sinabi ko sa inyo.
Ngunit sumagot si Hesus, "Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’"
Ang langit at lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita koʼy mananatili magpakailanman.
Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.
Gaya ng sanggol na bagong panganak, manabik kayo sa dalisay na gatas na espirituwal, upang lumago kayo hanggang makamtan nʼyo ang ganap na kaligtasan