Aniversário de idoso
O aniversário de um idoso é celebração de uma vida longa e cheia de experiências com Deus. A Bíblia honra os cabelos brancos como coroa de glória e prova da fidelidade divina.
Magpasalamat kayo sa Panginoon,
sapagkat siyaʼy mabuti;
ang pag-ibig niyaʼy magpakailanman.
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon,
kaya tayoʼy magalak at magdiwang.
Pupurihin ko ang Panginoon
sa lahat ng oras.
Ang aking bibig ay hindi titigil
sa pagpupuri sa kanya.
Kayo ang nagpapalakas
at nag-iingat sa akin.
Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso.
Tinutulungan nʼyo ako,
kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.
Labis na kagalakan ang inyong ibinigay sa akin,
higit pa sa kanila na sagana sa pagkain at inumin.
Itinuro ninyo sa akin ang landas
patungo sa buháy
na puno ng kasiyahan,
at sa piling nʼyo, aking matatagpuan
ang ligayang walang hanggan.
Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon,
ito ang tanging ninanais ko:
na akoʼy manirahan sa kanyang Templo habang akoʼy nabubuhay,
upang mamasdan ko ang kanyang kadakilaan,
at hilingin ang kanyang patnubay.
Ipaunawa nʼyo sa amin
na ang buhay namin ay maiksi lang,
upang matuto kaming mamuhay
nang may karunungan.
Ang katandaan ay tanda ng karangalan
na matatanggap ng taong
namumuhay sa katuwiran.
Karangalan ng kabataan
ang kanilang kalakasan,
at karangalan naman ng matatanda
ang kanilang katandaan.
ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon
ay muling magkakaroon ng lakas.
Lilipad silang gaya ng isang agila.
Tumakbo man sila ay hindi mapapagod.
Lumakad man sila ay hindi manghihina.
"Apatnapuʼt limang taon na ang lumipas nang sabihin iyon ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. Naglalakbay pa noon ang mga Israelita sa ilang. Buháy pa ako hanggang ngayon at walumpuʼt limang taóng gulang na ako, pero ang lakas ko ay gaya pa rin noong panahon na inutusan ako ni Moises. Kayang-kaya ko pang makipaglaban gaya nang dati.
‘Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.
Ipakita nawa ng Panginoon
ang kanyang kabutihan
at awa sa inyo.
At malugod nawa
ang Panginoon sa inyo
at bigyan niya kayo ng kapayapaan.’
Mahal kong kaibigan, idinadalangin kong sanaʼy malusog ang iyong katawan at nasa mabuti kang kalagayan na tulad ng iyong buhay espirituwal na nasa mabuting kalagayan.