Publicidade

Anjos

Por Bíblia Online

Os anjos são seres celestiais criados por Deus para servir, adorar e executar seus propósitos. A Bíblia revela anjos mensageiros, guerreiros e protetores ao longo de toda a história redentora.

Ngunit habang pinag-iisipan niya ito, may isang anghel ng Panginoon na nagpakita sa kanya sa panaginip. Sinabi nito, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang ipinagbubuntis niyaʼy mula sa Banal na Espiritu.

Sinabi ng anghel sa mga babae, "Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, dahil nabuhay siyang muli tulad ng sinabi niya. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan ng kanyang bangkay.

Hindi mo ba alam na puwede akong humingi ng tulong sa aking Ama, at kaagad niya akong padadalhan ng labindalawang batalyon ng mga anghel?

Kaya sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, dahil pinagpala ka ng Diyos. Magdadalantao ka at magsisilang ng isang lalaki, at papangalanan mo siyang Hesus.

ngunit sinabi sa kanila ng anghel, "Huwag kayong matakot dahil naparito ako para sabihin sa inyo ang magandang balita na magbibigay ng malaking kagalakan sa lahat ng tao.

"Papuri sa Diyos sa kaitaasan,

at sa lupa naman ay kapayapaan sa mga taong kanyang kinalulugdan!"

Ganoon din sa langit, masayang-masaya ang mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisi."

Habang nakatitig sila sa langit, may dalawang lalaking nakaputi na biglang tumayo sa tabi nila at nagsabi, "Kayong mga taga-Galilea, bakit nakatayo pa kayo rito at nakatingala sa langit? Si Hesus na nakita ninyong dinala paitaas ay babalik dito sa mundo. At kung paano siya dinala sa langit ay ganoon din siya babalik."

Mga Pangwakas na Salita

Magpatuloy kayo sa pagmamahalan bilang magkakapatid kay Kristo. Huwag ninyong kalimutang patuluyin ang mga dayuhan sa tahanan ninyo. May mga taong gumawa niyan noon, at hindi nila alam na mga anghel pala ang mga bisita nila.

Kung makapagsalita man ako sa ibaʼt ibang wika ng mga tao o ng mga anghel, ngunit wala naman akong pag-ibig, para lamang akong batingaw na umaalingawngaw o pompyang na tumataginting.

Hindi maikakaila na ang hiwaga ng ating pananampalataya ay napakadakila:

Nagpakita siya bilang tao,

pinatotohanan ng Espiritu

na siyaʼy matuwid,

nakita siya ng mga anghel,

ipinangaral sa mga bansa,

pinaniwalaan ng mundo,

at dinala sa langit.

Sapagkat sa araw na iyon, maririnig ang pagtawag ng punong anghel at ang pagtunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw na utos. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Kristo ang unang bubuhayin; pagkatapos, ang mga buháy pa sa atin sa araw na iyon ay kasama nilang dadalhin sa mga ulap upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. At makakasama na natin ang Panginoon magpakailanman.

Ang magtatagumpay ay bibihisan ng puting damit at hindi ko buburahin ang pangalan niya sa aklat ng buhay. Sa halip, kikilalanin ko silang mga alagad sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel.

Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.

Seja o primeiro
Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-29_22-07-56-