Bom dia
Cada manhã é presente de Deus. As misericórdias do Senhor se renovam cada dia. A Bíblia convida a começar o dia com louvor, oração e gratidão ao Criador.
Manhã com Deus
De manhã te apresentarei a minha oração. Pela manhã ouvirás a minha voz — eu te busco ao despertar.
Tuwing umaga, O Panginoon
naririnig ninyo ang aking panalangin.
Bawat umaga, akoʼy humihiling
at umaasa sa inyong kasagutan.
Kaya Panginoon, humihingi ako
ng tulong sa inyo.
Tuwing umaga, akoʼy nananalangin sa inyo.
Gigising ako ng maaga
at ihahanda ko ang aking sarili
at ang aking instrumentong may mga kuwerdas
upang magpuri sa inyo.
Ngunit ako ay aawit
tungkol sa inyong kapangyarihan.
Tuwing umaga, akoʼy aawit
nang may kagalakan
tungkol sa inyong pag-ibig.
Sapagkat kayo ang aking kanlungan
sa oras ng kagipitan.
Ngunit ako ay aawit
tungkol sa inyong kapangyarihan.
Tuwing umaga, akoʼy aawit
nang may kagalakan
tungkol sa inyong pag-ibig.
Sapagkat kayo ang aking kanlungan
sa oras ng kagipitan.
O Diyos, kayo ang aking kalakasan.
Aawit ako ng mga papuri sa inyo,
dahil kayo ang aking kanlungan
at Diyos na sa akin ay nagmamahal.
Bawat umaga, ipaalala nʼyo sa akin
ang inyong pag-ibig,
dahil sa inyo ako nagtitiwala.
Ipakita nʼyo sa akin ang tamang daan
na dapat kong daanan,
dahil sa inyo ko ipinagkakatiwala ang aking buhay.
Dahil akoʼy matuwid, makikita ko kayo.
At sapat na sa akin ang makita ka sa aking paggising.
Misericórdias renovadas
As misericórdias do Senhor se renovam cada manhã. Este é o dia que o Senhor fez — alegremo-nos e nos regozijemos nele.
Dahil ang pag-ibig at awa ng Panginoon
ay walang katapusan
kaya hindi tayo tuluyang nalipol.
Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag.
Dakila ang katapatan ng Panginoon!
Kaya sinabi ko sa aking sarili, "Ang Panginoon ang lahat para sa akin,
kaya sa kanya ako nagtitiwala."
Dahil ang pag-ibig at awa ng Panginoon
ay walang katapusan
kaya hindi tayo tuluyang nalipol.
Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag.
Dakila ang katapatan ng Panginoon!
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon,
kaya tayoʼy magalak at magdiwang.
Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon,
kayong mga tapat sa kanya.
Papurihan ninyo ang kanyang
banal na pangalan.
Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal,
ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman.
Maaaring sa gabi ay may pagluha,
pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.
Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal,
ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman.
Maaaring sa gabi ay may pagluha,
pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.
Dahil sa inyong mga kahanga-hangang ginawa,
namamangha sa inyo pati ang mga nakatira
sa malayong lugar.
Mula sa silangan hanggang kanluran,
ang mga tao ay napapasigaw
sa tuwa dahil sa inyo.
Tuwing umagaʼy ipadama nʼyo sa amin
ang inyong tapat na pag-ibig,
upang umawit kami nang may kagalakan
at maging masaya habang nabubuhay.
Louvor matinal
Saciai-nos de manhã com a tua benignidade. Todo dia te louvarei e celebrarei o teu nome para sempre.
Ako ay magpupuri sa inyo, aking Diyos at Hari.
Pupurihin ko kayo magpakailanman.
Pupurihin ko kayo araw-araw,
at itoʼy gagawin ko magpakailanman.
Kataas-taasang Diyos na Panginoon namin,
napakasarap magpasalamat
at umawit ng papuri sa inyo.
Napakasarap ipahayag
ang inyong pag-ibig at katapatan,
araw at gabi,
Kayong mga tao sa buong mundo,
umawit kayo ng mga bagong awit sa Panginoon!
Awitan ninyo ang Panginoon
at purihin ang kanyang pangalan.
Ipahayag ninyo sa bawat araw
ang tungkol sa pagligtas niya sa atin.
Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan
sa mga bansa
ang kanyang kapangyarihan
at mga kahanga-hangang gawa.
Labis kong iniibig ang inyong kautusan.
Palagi ko itong pinagbubulay-bulayan.
Sa araw, Panginoon, ipinapakita nʼyo
ang inyong pag-ibig.
Kaya sa gabi, umaawit ako
ng aking dalangin sa inyo,
O Diyos na nagbigay ng buhay ko.
Panginoon, kaawaan nʼyo po kami.
Nagtitiwala kami sa inyo.
Palakasin nʼyo kami araw-araw,
at iligtas sa panahon ng kaguluhan.
Tinuruan ako ng Makapangyarihang Panginoon
kung ano ang sasabihin ko
para mapalakas ang mga nanlulupaypay.
Ginigising niya ako tuwing umaga
upang pakinggan ang
mga itinuturo niya sa akin.
Graça para o novo dia
O Senhor te abençoe e te guarde. Cada novo dia é oportunidade de viver sob a graça do Deus que nos ama.
‘Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.
Ipakita nawa ng Panginoon
ang kanyang kabutihan
at awa sa inyo.
At malugod nawa
ang Panginoon sa inyo
at bigyan niya kayo ng kapayapaan.’
Maghasik ka ng binhi
sa umaga hanggang gabi,
dahil hindi mo alam
kung alin sa itinanim mo ang tutubo,
o kung lahat ito ay tutubo.
Maaga siyang gumigising
upang ipaghanda ng pagkain
ang kanyang pamilya,
at para sabihan ang mga babaeng katulong
ng mga dapat nilang gawin.
Kung tulog ka nang tulog
maghihirap ka,
ngunit kung magsisikap ka,
ang iyong pagkain ay sasagana.
Nasiyahan ang Diyos sa liwanag na nakita niya. Pagkatapos, ihiniwalay niya ang liwanag sa kadiliman. Tinawag niyang "araw" ang liwanag, at "gabi" naman ang kadiliman. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang unang araw.
Dahil nga rito, lalong tumibay ang paniniwala namin sa mga ipinahayag ng mga propeta noon. Kaya nararapat lang na bigyan nʼyo ng pansin ang mga sinabi nila, dahil para itong ilaw na tumatanglaw sa madilim na lugar hanggang sa araw ng pagdating ng Panginoon. Tulad siya ng tala sa umaga na nagbibigay-liwanag sa isipan ninyo.
Namatay siya para sa atin, upang kahit tayoʼy tulog man o gising man sa pagbalik niya ay mabuhay tayo sa piling niya.