Casa de Deus
A casa de Deus é lugar de adoração, refúgio e encontro com o Sagrado. A Bíblia exalta o tabernáculo, o templo e a igreja como morada do Altíssimo entre seu povo.
A presença de Deus
Quão amáveis são os teus tabernáculos! Uma coisa pedi ao Senhor: habitar na casa do Senhor todos os dias da minha vida.
Ang isang araw sa inyong Templo
ay higit na mabuti
kaysa sa isang libong araw
sa ibang lugar.
Mas nanaisin ko pang mamalagi sa bahay ng aking Diyos,
kaysa manirahan sa bahay ng masasama.
Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon,
ito ang tanging ninanais ko:
na akoʼy manirahan sa kanyang Templo habang akoʼy nabubuhay,
upang mamasdan ko ang kanyang kadakilaan,
at hilingin ang kanyang patnubay.
Pinagpala ang taong pinili nʼyo
at inanyayahang manirahan
sa inyong Templo.
Lubos kaming magagalak
sa mga kabutihang nasa inyong tahanan,
ang inyong banal na Templo.
Ako ay nagalak ng sabihin nila sa akin,
"Pumunta tayo sa templo ng Panginoon."
Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyo
ay mapapasaakin
habang akoʼy nabubuhay.
At akoʼy maninirahan
sa inyong tahanan,
aking Panginoon, magpakailanman.
Ngunit akoʼy tulad ng punong olibo
na yumayabong sa loob
ng bahay ng Diyos.
Nagtitiwala ako sa kanyang pag-ibig, magpakailanman.
Dahil sa labis-labis na pagmamalasakit ko
sa inyong bahay, halos mapahamak na ako.
Tuwing nilalait kayo ng mga tao,
nasasaktan din ako.
O templo
Minha casa será chamada casa de oração. O zelo da tua casa me consumiu. O verdadeiro templo é o corpo do cristão.
Pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati. Sinabi niya sa kanila, "Sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan.’ Ngunit ginawa ninyong ‘pugad ng mga tulisan!’"
Malapit na noon ang Pista ng Paglampas ng Anghel, kaya pumunta si Hesus sa Jerusalem. Pumasok siya sa patyo ng Templo at nadatnan niya roon ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa, at mga kalapati, at ang mga tagapalit ng pera na nakapuwesto sa mga lamesa nila. Kaya gumawa siya ng panghagupit na lubid, at itinaboy niya silang lahat palabas ng Templo, kasama ang mga tupa at mga baka. Ikinalat niya ang salapi ng mga tagapalit ng pera at itinaob ang mga lamesa nila. Sinabi ni Hesus sa mga nagtitinda ng mga kalapati, "Alisin ninyo ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!" Naalala ng mga alagad niya ang sinabi sa Kasulatan, "Ikapapahamak ko ang pagmamalasakit ko sa inyong bahay."
Hindi baʼt ang katawan ninyo ay templo ng Banal na Espiritung nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos? Kung ganoon, ang katawan ninyoʼy hindi sa inyo kundi sa Diyos,
kahit maantala ako, alam mo na kung ano ang dapat maging ugali ng mga mananampalataya bilang pamilya ng Diyos. Tayong mga mananampalataya ang iglesya ng buháy na Diyos, ang haligi at saligan ng katotohanan.
Ngunit si Kristo ay tapat bilang Anak na namamahala sa pamilya ng Diyos. At tayo ang pamilya ng Diyos, kung patuloy tayong magiging tapat sa pag-asang ipinagmamalaki natin.
Sinabi pa ni Esteban, "Noong naroon pa ang ating mga ninuno sa disyerto, dala-dala nila ang Toldang Tipanan kung saan nila sinasamba ang Diyos. Ginawa ang toldang ito ayon sa utos ng Diyos kay Moises at sa planong ipinakita sa kanya. Tinanggap ito ng ating mga ninuno na nasa pamumuno ni Josue. Dala-dala nila ito noong sakupin nila ang lupain ng mga bansang itinaboy ng Diyos mula sa kanilang harapan. Nanatili ito roon hanggang sa panahon ni David. Nalugod ang Diyos kay David, at humingi si David ng pahintulot na magpatayo ng bahay para sa Diyos ni Jacob. Ngunit hindi siya ang nagpatayo ng bahay para sa Diyos kundi si Solomon na anak niya.
"Subalit ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na gawa ng tao. Katulad ng sinabi ng propeta,
‘Ang langit ang aking trono,
at ang lupa ang aking apakan.
Anong uri ng bahay
ang gagawin nʼyo para sa akin?
sabi ng Panginoon.
Anong lugar ba ang mapagpapahingahan ko?
Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay na ito?’"
Ito ang sinasabi ng Panginoon,
"Ang langit ang aking trono,
at ang lupa ang aking apakan.
Anong uri ng bahay
ang gagawin nʼyo para sa akin?
Anong lugar ba
ang mapagpapahingahan ko?
Hindi baʼt ako ang gumawa
ng lahat ng bagay na ito,
kaya silaʼy nalikha?"
wika ng Panginoon.
"Binibigyang pansin ko
ang mga taong mapagpakumbaba,
nagsisisi, at may takot sa aking mga salita.
Biglang nagising si Jacob at sinabi niya sa kanyang sarili, "Hindi ko alam na nandito pala ang Panginoon sa lugar na ito." Natakot siya at sinabi, "Kakila-kilabot ang lugar na ito! Tiyak na tahanan ito ng Diyos at ito ang pintuan ng langit."