Céu
O céu é a morada eterna de Deus e a esperança final do cristão. A Bíblia descreve o céu como lugar de glória, alegria e comunhão perfeita com o Criador.
A morada de Deus
Na casa de meu Pai há muitas moradas. Os céus declaram a glória de Deus — e um dia habitaremos lá eternamente.
Sa tahanan ng aking Ama ay maraming silid. Pupunta ako roon upang ipaghanda kayo ng lugar. Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito totoo.
Ipinapakita ng kalangitan
ang kaluwalhatian ng Diyos!
Inihahayag ng kalawakan
ang gawa ng kanyang mga kamay.
Araw-araw, sinasabi ng kalangitan
ang tungkol dito,
gabi-gabi, ipinaaalam ng kalawakan
ang tungkol sa kanyang kapangyarihan.
O Diyos, ipakita nʼyo ang inyong
kapangyarihan sa kalangitan
at ang inyong kaluwalhatian
sa buong mundo.
Ang tulong natin ay nagmula sa Panginoon,
na lumikha ng langit at lupa.
Walang sinuman sa langit
ang kailangan ko
kundi kayo lamang.
At walang anuman sa mundo
ang hinahangad ko
maliban sa inyo.
Nang pasimula, nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa. Ang lupa noon ay wala pang anyo at wala pang laman. Ang tubig na pumapaibabaw sa lahat ay balot ng kadiliman, at ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa ibabaw ng tubig.
Ang Diyos ang gumawa
ng kanyang sariling tirahan sa langit.
At siya ang gumawa ng kalawakan
sa itaas ng lupa.
Siya rin ang nag-iipon
ng tubig-dagat sa mga alapaap
at pinauulan ito sa lupa.
Ang pangalan niyaʼy Panginoon.
"Sino ang makapagtatago sa akin
sa lihim na lugar?
Hindi baʼt akoʼy nasa lahat
ng sulok ng langit at lupa?"
sabi ng Panginoon.
O Makapangyarihang Panginoon, nilikha nʼyo ang langit at lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan ninyo. Walang anumang bagay na hindi nʼyo po magagawa.
Cidadania celestial
A nossa cidadania está nos céus. Ajuntai tesouros no céu, não na terra. O céu é a pátria do cristão.
Ngunit para sa atin, ang langit ang tunay nating bayan. At mula roon, hinihintay natin nang may pananabik ang pagbabalik ng Tagapagligtas, ang Panginoong Hesu-Kristo.
"Huwag kayong mag-imbak ng mga kayamanan ninyo dito sa lupa, kung saan may insekto at kalawang na naninira, at may kawatang nakakapasok upang magnakaw nito. Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit, kung saan walang insekto at kalawang na naninira, at walang kawatang papasok upang magnakaw nito.
Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Langit."
Sumagot si Hesus, "Kung nais mong maging ganap, umuwi ka at ipagbili ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo ang mapagbebentahan sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin."
Ang langit at lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita koʼy mananatili magpakailanman.
Doon ninyo ituon ang isip nʼyo, at hindi sa mga makamundong bagay.
Esperança eterna
Seremos arrebatados para encontrar o Senhor nos ares. Ainda não se manifestou o que havemos de ser — mas seremos semelhantes a Ele.
Sapagkat sa araw na iyon, maririnig ang pagtawag ng punong anghel at ang pagtunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw na utos. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Kristo ang unang bubuhayin; pagkatapos, ang mga buháy pa sa atin sa araw na iyon ay kasama nilang dadalhin sa mga ulap upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. At makakasama na natin ang Panginoon magpakailanman.
Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos. Ngunit hindi pa naihahayag kung magiging ano tayo sa hinaharap. Subalit alam natin na sa pagbabalik ni Kristo, tayo ay magiging katulad niya dahil makikita natin ang tunay niyang anyo. Kaya ang sinumang may ganitong pag-asa kay Kristo ay nagsisikap linisin ang kanyang buhay upang maging katulad ito ng buhay ni Kristo na malinis.
Ililigtas ako ng Panginoon sa lahat ng kasamaan, at dadalhin niya akong ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin ang Diyos magpakailanman! Amen!
Pagkatapos, isinama sila ni Hesus sa Betania. Pagdating doon, itinaas niya ang mga kamay niya at pinagpala sila. At habang pinagpapala niya sila, iniwan niya sila at iniakyat siya sa langit.
Pagkasabi niya nito, dinala siya paitaas. At habang nakatingin sila sa kanya, tinakpan siya ng ulap at agad na nawala sa kanilang paningin.
Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi mga masamang espiritu sa kalangitan – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito.
Ang totoo, wala tayong dinala sa mundong ito, at wala rin tayong madadala pag-alis dito. Kaya kung mayroon na tayong pagkain at pananamit, dapat na tayong makontento.
"Kung gaano kalayo ang langit sa lupa,
ganoon din kalayo ang aking pamamaraan
at pag-iisip kaysa sa inyo.
Ang bawat pangyayari
ay may dahilan,
at ang lahat ng bagay
ay may nakatakdang oras
sa mundong ibabaw.
Kung paanong hubad tayong ipinanganak
mula sa sinapupunan ng ating ina,
hubad din tayong mamamatay.
Hindi natin madadala ang ating mga pinaghirapan.