A comunhão
A comunhão cristã é dom e mandamento. Juntos somos mais fortes. A Bíblia celebra a unidade dos crentes em Cristo como antecipação do céu na terra.
Akoʼy nasa kanila at ikaʼy nasa akin, upang silaʼy lubos na maging isa. Sa ganoon ay malalaman ng sanlibutan na isinugo mo ako, at malalaman din nilang minamahal mo ang mga mananampalataya tulad ng pagmamahal mo sa akin.
"Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa. Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat na mga alagad ko kayo."
Palaging nagsasama-sama ang mga mananampalataya, at ibinabahagi ang kanilang ari-arian sa isaʼt isa. Ipinagbili nila ang kanilang mga lupa at mga ari-arian, at ang peraʼy ipinamahagi nila sa kanilang mga kasama ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Araw-araw, nagtitipon sila sa Templo at nagsasalo-salo sa pagkain upang gunitain ang Panginoon sa kanilang mga bahay na may lubos na kagalakan at malinis na kalooban. Palagi silang nagpupuri sa Diyos at ang mga taoʼy nalulugod sa kanila. Araw-araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga taong kanyang inililigtas.
Ipinapahayag namin sa inyo ang aming nakita at narinig upang maging kaisa namin kayo sa pakikiisa namin sa Ama at sa kanyang Anak na si Hesu-Kristo.
Sa ganitong paraan natin nalalaman ang tunay na pag-ibig: Inialay ni Hesu-Kristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya dapat din nating ialay ang ating buhay para sa ating mga kapatid.
Kaya nga, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isaʼt isa, katulad nga ng ginagawa ninyo.
Ang ibig kong sabihin, magtutulungan tayo sa pagpapalakas ng pananampalataya ng isaʼt isa.
Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.
Kung paanong pinatatalas
ng bakal ang kapwa-bakal,
ang tao namaʼy matututo
sa kanyang kapwa-tao.
Tulungan ninyo ang isaʼt isa sa mga problema, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Kristo.
Kaya nga sa tuwing may pagkakataon, gumawa tayo ng kabutihan sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.
Mas mabuti ang may kasama
kaysa mag-isa;
mas marami silang magagawa.
Kapag nadapa ang isa sa kanila
maitatayo siya ng kanyang kasama.
Kaya nakakaawa ang taong nag-iisa at nadapa,
dahil walang tutulong sa kanya.
Kapag malamig, maaari kayong matulog nang magkatabi
at pareho kayong maiinitan.
Pero kung nag-iisa ka,
papaano ka maiinitan?
Madali kang matalo kung ikaw ay nag-iisa,
subalit mahirap kang talunin
kung may kasama ka.
Tulad din ng lubid na may tatlong pilipit na hibla,
mahirap itong malagot.