Coração puro
Bem-aventurados os puros de coração, porque verão a Deus. A pureza de coração é alvo, privilégio e busca constante do cristão que deseja contemplar a face do Senhor.
Coração puro
Bem-aventurados os puros de coração. A pureza interior precede toda transformação externa e abre os olhos para ver a Deus.
Pinagpala ang mga taong may busilak na kalooban
sapagkat makikita nila ang Diyos.
Sino ang karapat-dapat umakyat
sa bundok ng Panginoon?
At sino ang maaaring tumuntong
sa kanyang banal na lugar?
Makatutuntong ang may matuwid na pamumuhay
at malinis na puso,
ang hindi sumasamba sa mga diyos-diyosan,
at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan.
Pagpapalain siya at ipapawalang-sala ng Panginoon,
ang Diyos na kanyang Tagapagligtas.
Kalimutan nʼyo na ang aking
mga kasalanan,
at burahin ang lahat kong kasamaan.
Isang busilak na puso, O Diyos,
ang likhain nʼyo sa akin;
bagong espiritung matapat,
ang ibigay sa akin.
Huwag nʼyo po akong itaboy
palayo sa inyong piling,
at huwag nʼyo po sanang bawiin
ang inyong Banal na Espiritu sa akin.
Tunay na mabuti ang Diyos sa Israel,
lalo na sa mga taong may malilinis na puso.
Purificar-se
Todo o que tem essa esperança em Cristo se purifica. O amor procede de coração puro, boa consciência e fé sincera.
Kaya ang sinumang may ganitong pag-asa kay Kristo ay nagsisikap linisin ang kanyang buhay upang maging katulad ito ng buhay ni Kristo na malinis.
Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos. Ngunit hindi pa naihahayag kung magiging ano tayo sa hinaharap. Subalit alam natin na sa pagbabalik ni Kristo, tayo ay magiging katulad niya dahil makikita natin ang tunay niyang anyo. Kaya ang sinumang may ganitong pag-asa kay Kristo ay nagsisikap linisin ang kanyang buhay upang maging katulad ito ng buhay ni Kristo na malinis.
Ang layunin ng utos kong ito ay upang magkaroon sila ng pagmamahal, at magagawa lang nila ito kung malinis ang kanilang puso at konsensiya, at kung taos-puso ang kanilang pananampalataya.
Kaya iwasan mo ang masasamang hilig ng kabataan. Pagsikapan mong mamuhay nang matuwid, tapat, mapagmahal at may mabuting pakikitungo sa kapwa, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon nang may malinis na puso.
Ipinagdarasal kong lalo pang lumago ang pagmamahal ninyo sa isaʼt isa nang may karunungan at pang-unawa, upang mapili ninyo ang pinakamabuti sa lahat ng bagay at madatnan kayong malinis at walang kapintasan sa araw ng pagbabalik ni Kristo. Nawaʼy palagi kayong mapuspos ng bunga ng inyong kaligtasan; ang matuwid na pamumuhay na nagmumula kay Hesu-Kristo, upang maparangalan at mapapurihan ang Diyos.
Gawin ninyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo, upang maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Diyos sa gitna ng suwail at baluktot na henerasyon. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila habang pinaninindigan ninyo ang salitang nagbibigay-buhay. At kung gagawin ninyo ito, may maipagmamalaki ako sa pagbabalik ni Kristo, dahil alam kong hindi nasayang ang pagsisikap ko sa inyo.
At dahil sumusunod na kayo sa katotohanan, malinis na kayo sa mga kasalanan ninyo, at ngayon ay nagkaroon na kayo ng tapat na pagmamahal sa mga kapatid nʼyo kay Kristo. Magmahalan kayo nang taos-puso,
Ang akala ng taoʼy mabuti
ang kanyang mga ginagawa,
ngunit sinusuri ng Panginoon
ang tunay na hangarin niya.