Sinais do fim dos tempos
A Bíblia descreve sinais que precederão a volta de Jesus. Guerras, falsos mestres, sinais cósmicos e a pregação do evangelho a todas as nações — tudo aponta para o fim dos tempos.
Sinais proféticos
Este evangelho do Reino será pregado em todo o mundo e então virá o fim. Os sinais dos últimos tempos já se manifestam.
Ipapangaral sa buong mundo ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos upang malaman ito ng lahat ng tao, at saka darating ang katapusan.
"Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan,
‘magdidilim ang araw,
hindi na magliliwanag ang buwan,
at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit.
Ang mga kapangyarihan sa kalawakan ay mayayanig.’
"Pagkatapos, makikita sa langit ang tanda ng kanyang pagbabalik, at maghihinagpis ang lahat ng tao sa mundo dahil dito. At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian. Sa malakas na tunog ng trumpeta ay ipapadala niya ang kanyang mga anghel sa lahat ng lugar sa mundo upang tipunin ang kanyang mga pinili.
"Kaya maging handa kayong lagi, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras ng pagdating ng inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: Kung alam ng may-ari ng isang bahay kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, magbabantay siya at hindi niya hahayaang pasukin ng magnanakaw ang kanyang bahay. Kaya maging handa rin kayo, dahil ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan.
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: Akoʼy palagi ninyong kasama hanggang sa katapusan ng mundo."
"Tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ang Anak ng Diyos. Ang Ama lang ang nakakaalam nito.
Os últimos dias
Nos últimos dias virão tempos difíceis, homens amantes de si mesmos. Mas derramarei o meu Espírito sobre toda a carne.
Tandaan mo ito: Magiging mahirap ang mga huling araw, dahil magiging makasarili ang mga tao, sakim sa salapi, mayabang, mapagmataas, mapanlait, masuwayin sa magulang, walang utang na loob, at hindi maka-Diyos. Wala silang pagmamahal sa kapwa, ayaw nilang makipagkasundo sa kaaway nila, malupit, walang awa, mapanira sa kapwa, walang pagpipigil sa sarili, at galit sa anumang mabuti. Hindi lang iyan, mga taksil sila, mapusok, mapagmataas, mahilig sa kalayawan, sa halip na maibigin sa Diyos. Ipinapakita nilang maka-Diyos sila ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa buhay nila. Iwasan mo ang mga taong ganito.
‘Sinabi ng Diyos, "Sa mga huling araw,
ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao.
Ang inyong mga anak na lalaki at babae
ay magpapahayag ng mga propesiya;
ang inyong mga binata
ay makakakita ng mga pangitain;
at ang inyong matatandang lalaki
ay magkakaroon ng mga panaginip.
Oo, sa mga araw na iyon,
ibubuhos ko ang aking Espiritu sa aking mga lingkod,
maging lalaki man o babae,
at magpapahayag sila ng mga propesiya.
Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit
at mga tanda sa lupa
sa pamamagitan ng dugo, apoy, at makapal na usok.
Magdidilim ang araw,
at magkukulay-dugo ang buwan.
Mangyayari ito bago dumating
ang dakila at kamangha-manghang araw ng Panginoon.
Ngunit ang sinumang tatawag sa ngalan ng Panginoon
ay maliligtas." ’
"At pagkatapos, ibibigay ko
ang aking Espiritu sa lahat ng tao.
Ang inyong mga anak na lalaki at babae
ay magpapahayag ng mga propesiya.
Ang inyong matatandang lalaki
ay mananaginip,
at ang inyong mga binata
ay makakakita ng mga pangitain.
Sa mga araw na iyon,
ibibigay ko rin ang aking Espiritu
sa mga utusang lalaki at babae.
"Sa panahong iyon, darating si Miguel, ang makapangyarihang pinuno na nagtatanggol sa iyong mga kababayan. Magiging mahirap ang kalagayan sa mga panahong iyon, at ang matinding kahirapang ito ay hindi pa nangyayari mula nang naging bansa ang Israel. Ngunit ililigtas sa paghihirap ang iyong mga kababayan na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat. Bubuhayin ang marami sa mga namatay na. Ang iba sa kanila ay tatanggap ng buhay na walang hanggan, pero ang iba ay isusumpa at ilalagay sa kahihiyang walang hanggan. Ang mga taong nakakaunawa ng katotohanan at nagtuturo sa mga tao na mamuhay nang matuwid ay magniningning na parang bituin sa langit magpakailanman.
Esperança e prontidão
O dia do Senhor virá como ladrão. Mas nós não somos das trevas — estejamos sóbrios, vigiliando e esperando.
Sinasabi namin sa inyo ang mismong turo ng Panginoon: Tayong mga buháy pa pagbalik ng Panginoon ay hindi mauuna sa mga namatay na. Sapagkat sa araw na iyon, maririnig ang pagtawag ng punong anghel at ang pagtunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw na utos. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Kristo ang unang bubuhayin; pagkatapos, ang mga buháy pa sa atin sa araw na iyon ay kasama nilang dadalhin sa mga ulap upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. At makakasama na natin ang Panginoon magpakailanman. Kaya pasiglahin ninyo ang isaʼt isa sa pamamagitan ng mga aral na ito.
Kaya nga, huwag tayong maging katulad ng iba na natutulog, kundi maging handa at mapagpigil sa sarili. Sapagkat ang taong namumuhay sa kadiliman ay katulad ng taong pabaya na natutulog o katulad ng lasing na walang pagpipigil sa sarili. Ngunit dahil namumuhay na tayo sa liwanag, dapat ay may pagpipigil tayo sa sarili. Gawin nating panangga sa dibdib ang pananampalataya at pag-ibig, at helmet ang pag-asa natin sa pagliligtas sa atin ng Diyos. Sapagkat hindi tayo itinalaga ng Diyos para sa kaparusahan, kundi upang magtamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
"Kaya mag-ingat kayo na huwag mawili sa kalayawan, sa paglalasing, sa pagkaabala sa inyong kabuhayan, at baka biglang dumating ang araw na iyon nang hindi ninyo inaasahan. Sapagkat darating ang araw na iyon sa lahat ng tao sa buong mundo. Kaya maging handa kayo sa lahat ng oras. Palagi kayong manalangin upang magkaroon kayo ng lakas na mapagtagumpayan ang lahat ng mangyayaring paghihirap, at makatayo kayo sa harap ng Anak ng Tao nang hindi napapahiya."
Ngunit huwag sana ninyong kakalimutan mga minamahal, na sa Panginoon, walang pinagkaiba ang isang araw sa isang libong taon. Para sa kanya ang mga ito ay pareho lang. Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan lang niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw niyang mapahamak ang sinuman.
Ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, biglang maglalaho ang kalangitan kasabay ng nakakapangilabot na ugong. Tutupukin ng apoy ang mga elemento sa kalangitan at ang lupa at ang lahat ng naroon ay masusunog.
Kung ganito ang magiging kahihinatnan ng lahat, dapat kayong mamuhay nang banal at maka-Diyos, habang hinihintay ninyo ang araw ng pagdating ng Diyos at ginagawa ang makakayanan ninyo upang mapadali ang pagdating niya. Sa araw na ito, masisira ng apoy ang kalangitan at matutunaw ang lahat ng bagay na naroroon sa tindi ng init. Ngunit ayon sa pangako niya, may maaasahan din tayong bagong langit at lupang paghaharian ng katarungan.
Ngunit makinig kayo dahil may sasabihin ako sa inyong isang lihim: Hindi lahat sa atin ay mamamatay, ngunit tayong lahat ay bibigyan ng bagong katawan sa isang iglap, sa isang kisap-mata, kasabay ng pagtunog ng huling trumpeta. At sa pagtunog ng trumpetaʼy muling bubuhayin ang mga patay at bibigyan ng katawang hindi nabubulok. At tayong mga nabubuhay pa ay bibigyan din ng bagong katawan.
"Makinig kayo! Gagawa ako
ng bagong langit at bagong lupa.
Ang dating langit at lupa
ay kakalimutan na.
Kaya magalak kayo at magdiwang
nang walang hanggan sa aking gagawin.
Sapagkat ang Jerusalem
ay gagawin kong kagalakan ng mga tao,
at ang kanyang mga mamamayan
ay magbibigay din ng kagalakan.
Magagalak ako sa Jerusalem
at sa kanyang mga mamamayan.
Hindi na maririnig doon ang iyakan
at paghingi ng tulong o mga pagdaing.
Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, "Tiyak na darating ang araw ng aking pagpaparusa. Magiging tulad ito ng nagliliyab na pugon. Parurusahan kong gaya ng pagsunog sa dayami ang lahat ng mayayabang at ang gumagawa ng masama. Magiging tulad sila ng sinunog na kahoy na walang natirang sanga o ugat. Pero kayong may takot sa akin ay ililigtas ko gaya ng pagsikat ng araw na ang sinag nito ay nagbibigay ng kabutihan. At lulundag kayo sa tuwa, na parang mga guyang pinakawalan sa kuwadra.
Pagkatapos nito, nakita ko "ang bagong langit at ang bagong lupa." Naglaho na ang dating langit at ang dating lupa at wala na ring dagat. At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit galing sa Diyos. Ang lungsod na iyon ay tulad ng isang babaeng ikakasal. Handang-handa na, at gayak na gayak sa pagsalubong sa lalaking mapapangasawa niya. Narinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa trono, "Ngayon, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na siyang kasama nila. Silaʼy magiging mga mamamayan niya. At siyaʼy makakapiling na nila at magiging Diyos nila. ‘Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan,’ kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan."