Pular para o conteúdo
Publicidade

Isaias 65

Parusa at Kaligtasan

1 "Ipinakilala ko ang aking sarili

sa mga taong hindi nagtatanong

tungkol sa akin.

Natagpuan nila ako

kahit na hindi nila ako hinahanap.

Ipinakilala ko ang aking sarili

sa bansang hindi tumatawag sa akin.

Sinabi ko sa kanila,

‘Narito ako, narito ako.’

2 Patuloy kong iniaabot ang aking kamay

sa mga mamamayan kong

matitigas ang ulo,

na lumalakad sa hindi mabuting daan

at sinusunod lamang

ang sarili nilang isipan.

3 Buong araw nila akong iniinsulto

nang harapan,

sa pamamagitan ng pagsamba

sa kanilang mga diyos-diyosan

doon sa kanilang mga sagradong halamanan.

Nagsusunog sila ng mga insenso

doon sa altar ng mga pagano

at nagsusunog ng mga insenso

sa mga altar na bato.

4 Umuupo sila kung gabi sa mga libingan

at sa mga lihim na lugar

para makipag-usap sa kaluluwa

ng mga patay.

Kumakain sila ng karne ng baboy

at ng iba pang pagkain

na ipinagbabawal na kainin.

5 Sinasabi nila sa iba,

‘Huwag kang lumapit sa akin

baka akoʼy madungisan.

Mas banal ako kaysa sa iyo!’

Naiinis ako sa ganitong mga tao.

At ang galit ko sa kanila ay parang apoy

na nagniningas sa buong maghapon."

6 Sinabi pa ng Panginoon,

"Makinig kayo,

nakasulat na ang hatol

para sa aking mga mamamayan.

Hindi maaaring manahimik na lamang ako;

maghihiganti ako.

7 Gagantihan ko sila ng nararapat

sa kanilang mga kasalanan

pati sa mga kasalanan

ng kanilang mga ninuno,"

sabi ng Panginoon.

"Sapagkat nagsunog sila ng mga insenso

at nilapastangan ako

sa mga bundok at mga burol.

Kaya gagantihan ko sila

ng nararapat sa kanilang mga ginawa."

8 Sinabi pa ng Panginoon,

"Hindi sinisira ang kumpol

ng ubas na may mga sirang bunga,

dahil ang magandang bunga

ay mapapakinabangan pa.

Ganyan din ang gagawin ko

sa aking mga mamamayan,

hindi ko sila lilipulin lahat.

Ililigtas ko ang mga naglilingkod sa akin.

9 May ititira akong mga buháy

sa mga lahi ni

pati sa lahi ni

at sila ang magmamana ng aking lupain

na may maraming bundok.

Sila na aking mga pinili

at mga lingkod ang siyang maninirahan

sa lupaing ito.

10 Pagpalain ko silang mga lumalapit sa akin.

Ang mga Lambak ng at

ay magiging pastulan ng kanilang mga hayop.

11 "Ngunit dahil itinakwil ninyo Panginoon

at binalewala ang banal niyang Templo,

at dahil naghandog kayo

sa mga diyos-diyosang

inyong pinaniniwalaan

na magbibigay sa inyo ng suwerte

at magandang kapalaran,

12 kaya inilaan ko sa inyong lahat

ang kapalarang mamamatay.

Sapagkat nang tumawag ako,

hindi kayo sumagot;

nang nagsalita ako,

hindi kayo nakinig.

Gumawa kayo ng masama

sa aking harapan;

kung ano ang ayaw ko,

iyon ang ginagawa ninyo."

13 Kaya ito ang sinabi

ng Makapangyarihang Panginoon,

"Ang aking mga lingkod ay kakain at iinom,

ngunit kayoʼy magugutom at mauuhaw.

Matutuwa sila,

ngunit kayoʼy mapapahiya.

14 Aawit sila sa tuwa,

ngunit kayoʼy iiyak sa lungkot

at sama ng loob.

15 Ang inyong mga pangalan

ay susumpain ng aking mga pinili,

at ako, ang Makapangyarihang Panginoon,

ang papatay sa inyo.

Ngunit ang aking mga lingkod

ay bibigyan ko ng bagong pangalan.

16 Ang sinumang magsasabi ng pagpapala

o manunumpa sa lupain ng Israel,

gagawin niya ito sa pangalan ko,

ang Diyos na tapat.65:16 Diyos na tapat: O Diyos na nagsasabi ng totoo.

Sapagkat kakalimutan ko na

ang mga nagdaang hirap,

at itoʼy papawiin ko na sa aking paningin.

Ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa

17 "Makinig kayo! Gagawa ako

ng bagong langit at bagong lupa.

Ang dating langit at lupa

ay kakalimutan na.

18 Kaya magalak kayo at magdiwang

nang walang hanggan sa aking gagawin.

Sapagkat ang 

ay gagawin kong kagalakan ng mga tao,

at ang kanyang mga mamamayan

ay magbibigay din ng kagalakan.

19 Magagalak ako sa 

at sa kanyang mga mamamayan.

Hindi na maririnig doon ang iyakan

at paghingi ng tulong o mga pagdaing.

20 "Doon ay walang mamamatay

na sanggol o bata pa.

Ang sinumang mamamatay sa gulang

na isang daang taon

ay ituturing na bata pa,

at ang mamamatay nang hindi pa

umaabot sa isang daang taon

ay ituturing na pinarusahan ko.

21 Sa mga panahong iyon,

magtatayo ang aking mga mamamayan

ng mga bahay at titirhan nila ito.

Magtatanim sila ng mga ubas

at sila rin ang aani ng mga bunga nito.

22 Hindi na ang mga kaaway nila

ang makikinabang sa kanilang

mga bahay at mga pananim.

Sapagkat kung papaanong ang punongkahoy

ay nabubuhay nang matagal,

ganoon din ang aking mga mamamayan

at lubos nilang pakikinabangan

ang kanilang pinaghirapan.

23 Hindi sila magtatrabaho nang walang pakinabang

at ang kanilang mga anak

ay hindi makakaranas ng kamalasan.

Sapagkat silaʼy mga taong

pinagpapala ng Panginoon.

At ang kanilang mga anak

ay kasama nilang pinagpala.

24 Bago pa sila manalangin

o habang silaʼy nananalangin pa lang,

sasagutin ko na sila.

25 Sa mga araw na iyon magkasamang kakain

ang asong lobo at mga tupa,

pati mga leon at mga baka

ay kakain ng damo.

At ang mga ahas

ay hindi na manunuklaw.

Wala nang mamiminsala

o gigiba sa aking banal na bundok ng Zion.

Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito."

Pessoa
H3290
Jacó
יַעֲקֹ֑בyaaqovΙακωβIakob
Jacó, filho de Isaque, comprou de Esaú o direito de primogenitura, lutou com Deus em Peniel e recebeu o nome Israel; seus doze filhos deram origem às tribos (Gênesis 32:28).
Significado: “Aquele que segura pelo calcanhar (suplantador)”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Judá
יְהוּדָהyəhudahΙουδαIouda
Judá, quarto filho de Jacó e Lia, propôs vender José em vez de matá-lo, teve Perez e Zerá com Tamar e recebeu do pai a bênção do cetro (Gênesis 49:10).
Significado: “Louvado seja o Senhor”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Sarom
Hoje: Planície de Sarom, Israel
שָׁרוֹןsharonΣάρωνSarōn
Sarom é uma terra onde pastavam rebanhos, e Sitrai, o saronita, estava encarregado deles (1 Crônicas 27:29).
32,40° N, 34,88° L
Citado em 6 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Vale
Vale de Acor
Hoje: Al Buqay’ah
עָכוֹר עֵ֫מֶקakhor emeq
O Vale de Acor é o vale aonde Josué e todo o Israel levaram Acã com tudo o que lhe pertencia e onde ergueram sobre ele um grande monte de pedras; o Senhor faria do vale uma porta de esperança (Josué 7:24).
31,72° N, 35,38° L
Citado em 5 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
יְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaimἹερουσαλήμHierousalēm
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
יְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaimἹερουσαλήμHierousalēm
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Isaias 66
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.