Publicidade

Irrepreensível

Por Bíblia Online

Ser irrepreensível não é ser perfeito — é viver com integridade diante de Deus e dos homens. A Bíblia nos chama a buscar uma vida reta, pura e sem manchas visíveis de hipocrisia.

O padrão divino

Deus é perfeito e chama seus filhos à integridade. A palavra de Deus é purificada e Ele é escudo dos que caminham na retidão.

"Ang pamamaraan nʼyo,

O Diyos, ay walang kamalian.

Ang inyong mga salita Panginoon

ay maaasahan.

Kayoʼy katulad ng isang kalasag

sa mga kumakanlong sa inyo.

Ang pamamaraan nʼyo,

O Diyos ay walang kamalian.

Ang inyong mga salita ay maaasahan.

Kayoʼy katulad ng isang kalasag

sa mga kumakanlong sa inyo.

Mapalad ang taong namumuhay

nang walang kapintasan,

at naaayon sa utos ng Panginoon.

Sumagot ang Panginoon,

"Ang taong

namumuhay ng tama,

walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi

ng katotohanan,

hindi naninirang puri,

at hindi nagsasalita

at gumagawa ng masama

laban sa kanyang kapwa.

Pinagtatagumpay niya

ang taong matuwid,

siyaʼy kalasag

ng mga walang kapintasan.

Buscar a perfeição em Cristo

Todos tropeçamos em muitas coisas, mas o alvo é a maturidade. Cristo é a fonte da salvação eterna para todos os que lhe obedecem.

Lahat tayoʼy madalas magkamali. Kung mayroon mang hindi nagkakamali sa pananalita niya, isa siyang taong ganap at may kakayahang pigilan ang kanyang sarili.

Ang relihiyong itinuturing na dalisay at walang kapintasan ng Diyos Ama ay ito: Ang pagtulong sa mga ulila at mga biyuda sa kanilang kahirapan, at ang pag-iingat na hindi mahawa sa kasamaan ng mundong ito.

Lahat ng mabubuti at angkop na kaloob ay nanggagaling sa Diyos na siyang lumikha ng mga bagay sa langit na nagbibigay-liwanag. At kahit pabago-bago at paiba-iba ang anyo ng anino ng mga ito, ang Diyos ay hindi nagbabago.

At nang siyaʼy maging ganap, siya ang pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng sumusunod sa kanya,

Sumagot si Hesus, "Kung nais mong maging ganap, umuwi ka at ipagbili ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo ang mapagbebentahan sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin."

Vida íntegra

Que a vossa alegria seja completa! Vivam em harmonia, sejam irrepreensíveis — transformados pela renovação da mente.

Sinabi ko sa inyo ang bagay na ito upang magalak din kayong katulad ko at maging lubos ang inyong kagalakan.

Hanggang ngayon ay wala pa kayong hinihingi sa kanya sa aking pangalan. Humingi kayo at makakatanggap kayo, upang malubos ang inyong kagalakan.

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, upang malaman ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Ang Pagkakawatak-watak sa Iglesya

Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na magkaisa kayong lahat, na walang hidwaang mamagitan sa inyo. Sa halip, magkaisa kayo sa isip at layunin.

At higit sa lahat, pairalin ninyo ang pag-ibig na nagdudulot ng tunay na pagkakaisa.

Ang Pagpapakumbaba ni Kristo

Hindi baʼt masigla kayo dahil nakay Kristo kayo? Hindi baʼt masaya kayo dahil alam ninyong mahal niya kayo? Hindi baʼt may mabuti kayong pagsasamahan dahil sa Espiritu? At hindi baʼt may malasakit at pang-unawa kayo sa isaʼt isa? Kung ganoon, nakikiusap ako na lubusin na ninyo ang kagalakan ko: Magkasundo kayoʼt magmahalan, at magkaisa sa isip at layunin. Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo. Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin ninyo kundi ang kapakanan din ng iba.

Magkaroon nawa kayo ng kaisipang katulad ng kay Kristo Hesus:

Bagamaʼt siya ay Diyos,

hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Diyos

bilang isang bagay na dapat panghawakan.

Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang kanyang sarili

sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin.

Naging tao siyang tulad natin.

At sa pagiging tao niya,

nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan,

maging sa kamatayan sa krus.

Kaya naman itinaas siyang lubos ng Diyos

at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan,

upang sa pangalan ni Hesus, luluhod at magpupuri

ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa.

At ipapahayag ng lahat na si Hesu-Kristo ang Panginoon,

sa ikapupuri ng Diyos Ama.

Magsilbi Kayong Ilaw na Nagliliwanag

Mga minamahal, kung paanong palagi ninyo akong sinusunod noong magkakasama pa tayo, mas lalo sana kayong maging masunurin kahit ngayong malayo na ako sa inyo. Sikapin ninyong ipamuhay ang kaligtasang tinanggap ninyo nang may takot at paggalang sa Diyos. Sapagkat ang Diyos ang siyang kumikilos sa inyo upang magkaroon kayo ng pagnanais at kakayahang masunod ang kalooban niya.

Gawin ninyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo, upang maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Diyos sa gitna ng suwail at baluktot na henerasyon. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila habang pinaninindigan ninyo ang salitang nagbibigay-buhay. At kung gagawin ninyo ito, may maipagmamalaki ako sa pagbabalik ni Kristo, dahil alam kong hindi nasayang ang pagsisikap ko sa inyo. Ang paglilingkod ninyo na bunga ng inyong pananampalataya ay tulad sa isang handog. At kung kinakailangang ibuhos ko ang aking dugo sa handog na ito, maligaya pa rin ako at makikigalak sa inyo. At dapat maligaya rin kayo at makigalak sa akin.

Si Timoteo at si Epafroditus

Umaasa ako sa Panginoong Hesus na mapapapunta ko diyan si Timoteo sa lalong madaling panahon, upang masiyahan naman ako kapag naibalita niya ang tungkol sa inyo. Siya lang ang kilala ko na katulad kong nagmamalasakit sa inyo nang totoo. Ang ibaʼy walang ibang iniisip kundi ang sarili nilang kapakanan, sa halip na ang mga bagay ukol kay Hesu-Kristo. Ngunit alam ninyo kung paano pinatunayan ni Timoteo ang kanyang sarili. Para ko siyang tunay na anak sa pagtulong niya sa akin sa pangangaral ng Magandang Balita. Binabalak kong papuntahin siya sa inyo kapag nalaman ko na ang magiging hatol sa akin dito. At umaasa ako sa Panginoon na ako mismo ay makakapunta sa inyo sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon, naisip kong kailangan nang pabalikin sa inyo ang kapatid nating si Epafrodito na pinapunta ninyo rito para tulungan ako. Tulad ko rin siyang manggagawa at kapwa kawal ng Diyos. Sapagkat, sabik na sabik na siyang makita kayo, at hindi siya mapalagay dahil nabalitaan ninyong nagkasakit siya. Totoo ngang nagkasakit siya, at muntik nang mamatay. Ngunit naawa ang Diyos sa kanya at maging sa akin, upang hindi madagdagan ang aking kalungkutan. Kaya gusto ko na siyang pabalikin para matuwa kayo kapag nakita na ninyo ulit siya, at hindi na rin ako mag-aalala. Kaya tanggapin ninyo siya nang buong galak bilang kapatid sa Panginoon. Igalang ninyo ang mga taong tulad niya, dahil nalagay sa panganib ang kanyang buhay para sa gawain ni Kristo. Itinaya niya ang kanyang buhay upang matulungan ako bilang kinatawan ninyo.

Huwag na huwag ninyong gagantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, sa halip, sikapin ninyong makagawa ng mabuti sa isaʼt isa at sa lahat.

Ngunit alam niya

ang aking ginagawa.

Pagkatapos niya akong subukan,

makikita niyang malinis ako

tulad ng purong ginto.

Sinunod ko ang kanyang

mga hakbang;

hindi ko ito sinuway.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-