Pular para o conteúdo
Publicidade

Jesus me ama

Por Bíblia Online

Jesus me ama — essa certeza transforma vidas. O amor de Cristo não depende do nosso merecimento, mas da sua natureza. Ele nos amou primeiro, e nada pode nos separar desse amor.

Ele me amou primeiro

Nós amamos porque Ele nos amou primeiro. O amor de Deus se manifestou em nos enviar seu Filho como propiciação pelos nossos pecados.

Tayoʼy umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.

Ito ang tunay na pag-ibig: Hindi tayo ang umibig sa Diyos kundi siya ang umibig sa atin; at isinugo niya ang kanyang anak para ialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.

Isipin ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Dahil sa dakila niyang pag-ibig ay tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay ngang tayoʼy mga anak niya! Ang dahilan kung bakit hindi tayo kilala ng mundo ay dahil hindi nila kilala ang Diyos.

Sa ganitong paraan natin nalalaman ang tunay na pag-ibig: Inialay ni Hesu-Kristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya dapat din nating ialay ang ating buhay para sa ating mga kapatid.

"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Ngunit ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Kristo para sa atin.

Amor inseparável

Nem a morte, nem a vida, nem qualquer outra criatura poderá nos separar do amor de Deus em Cristo Jesus nosso Senhor.

Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.

Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo, kahit dumanas pa tayo ng mga pagsubok, paghihirap, pag-uusig, gutom, kawalan, panganib, o maging kamatayan. Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan:

"Alang-alang sa iyo,

palaging nasa panganib

ang aming buhay;

para kaming mga tupang kakatayin."

Ngunit kahit ganito ang kalagayan natin, ganap ang ating tagumpay sa tulong ni Kristo na nagmamahal sa atin.

Mula kay Juan, para sa pitong iglesya sa lalawigan ng Asia.

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na hindi nagbabago ngayon, noon, at sa hinaharap, at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng trono ng Diyos, at mula kay Hesu-Kristo, ang mapagkakatiwalaang saksi, ang unang nabuhay mula sa mga patay, at ang namumuno sa lahat ng hari sa lupa.

Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay iniligtas niya tayo sa ating mga kasalanan. Hinirang niya tayo upang mapabilang sa kanyang kaharian at maging mga paring naglilingkod sa Diyos na kanyang Ama. Sa kanya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan, magpakailanman. Amen.

Kaya tularan ninyo ang Diyos dahil kayong lahat ay minamahal niyang mga anak. Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Kristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Diyos.

Celebrar o amor de Jesus

O amor de Jesus é motivo de cântico e louvor. De manhã cantarei teu amor e à noite proclamarei tua misericórdia.

O Diyos, kayo ang aking kalakasan.

Aawit ako ng mga papuri sa inyo,

dahil kayo ang aking kanlungan

at Diyos na sa akin ay nagmamahal.

Ang Panginoon ay mahabagin

at matulungin,

hindi madaling magalit

at sagana sa pagmamahal.

Hindi siya palaging nanunumbat,

at hindi nananatiling galít.

Hindi niya tayo pinarurusahan

ayon sa ating mga kasalanan.

Hindi niya tayo ginagantihan

batay sa ating pagkukulang.

Dahil kung gaano man kalaki

ang agwat ng langit sa lupa,

ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Diyos

sa mga may takot sa kanya.

Kung gaano kalayo

ang silangan sa kanluran,

ganoon din niya inilalayo sa atin

ang ating mga kasalanan.

Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.

Sapagkat alam naman ninyo ang biyayang ipinakita ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na kahit mayaman siya ay nagpakadukha siya alang-alang sa atin, upang sa pamamagitan ng kanyang kahirapan ay maging mayaman tayo.

Seja o primeiro