Paciência
A paciência é fruto do Espírito e virtude essencial da vida cristã. Deus é paciente conosco, e nos chama a ser pacientes com os outros e nas provações.
A paciência de Deus
Deus é clemente e tardio em irar-se. Sua paciência revela seu desejo de que todos se arrependam e cheguem ao conhecimento da verdade.
Ang Panginoon ay mahabagin
at matulungin,
hindi madaling magalit
at sagana sa pagmamahal.
Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan lang niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw niyang mapahamak ang sinuman.
Ngunit huwag sana ninyong kakalimutan mga minamahal, na sa Panginoon, walang pinagkaiba ang isang araw sa isang libong taon. Para sa kanya ang mga ito ay pareho lang.
Magsisi kayo nang buong puso
at hindi pakitang-tao lamang
tulad ng pagpunit ninyo
ng inyong mga damit.
Magbalik-loob kayo sa Panginoon
na inyong Diyos,
sapagkat siyaʼy mahabagin
at mapagmalasakit,
hindi madaling magalit
at wagas ang pag-ibig.
Naghuhunos-dili siya
at hindi itinutuloy ang kanyang parusa.
Ngunit kinaawaan ako ng Diyos upang maipakita ni Kristo Hesus sa pamamagitan ko ang kanyang lubos na pagtitiyaga sa mga makasalanan. Magsisilbing halimbawa ang ginawa ni Kristo sa akin para sa ibang sasampalataya sa kanya na pagkakalooban niya ng buhay na walang hanggan.
Ngunit naghihintay ang Panginoon
na kayoʼy lumapit sa kanya
para kaawaan niya kayo.
Nakahanda siyang ipadama sa inyo
ang kanyang pagmamalasakit.
Sapagkat ang Panginoon
ay Diyos na makatarungan,
at mapalad ang nagtitiwala
sa kanya.
Esperar com paciência
Os que esperam no Senhor renovam as forças. A paciência produz caráter, e o caráter produz esperança que não decepciona.
Magtiwala kayo sa Panginoon!
Magpakatatag kayo
at huwag mawalan ng pag-asa.
Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!
Pumanatag ka sa piling ng Panginoon,
at matiyagang maghintay sa gagawin niya.
Huwag mong kaiinggitan ang masasama
na gumiginhawa,
kahit pa magtagumpay
ang masasamang plano nila.
Tuwing umaga, O Panginoon
naririnig ninyo ang aking panalangin.
Bawat umaga, akoʼy humihiling
at umaasa sa inyong kasagutan.
Ngunit kung ang inaasahan natiʼy wala pa, maghihintay tayo nang may pagtitiyaga.
At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin.
Ang Panginoon ang makikipaglaban para sa inyo. Hindi nʼyo na kailangang makipaglaban pa."
Paciência nas provações
O amor é paciente. A paciência é marca de maturidade espiritual e nos permite perseverar mesmo quando as circunstâncias são adversas.
Ang taong may pag-ibig ay matiisin, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa,
Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahoʼy matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.
Nawa ang Diyos na nagpapalakas at nagbibigay sa atin ng pag-asa ay tulungan kayong mamuhay nang may pagkakaisa bilang mga alagad ni Kristo Hesus.
Maging mahinahon kayo, mapagpakumbaba, maunawain at mapagpaumanhin sa mga pagkukulang ng bawat isa bilang pagpapakita ng pag-ibig ninyo.
Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Diyos, dapat kayong maging mapagmalasakit, mabuti ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis.
Maging handa ka sa pangangaral ng Salita ng Diyos sa anumang panahon. Ilantad mo ang mga maling aral; pagsabihan ang mga tao sa mga mali nilang gawain, at patatagin ang pananampalataya nila sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.
Perseverança até o fim
Quem perseverar até o fim será salvo. O domínio próprio é maior que a conquista de uma cidade.
Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas.
"Kaya maging handa kayong lagi, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras ng pagdating ng inyong Panginoon.
Higit na mabuti ang taong mapagpasensya
kaysa sa taong makapangyarihan.
Higit na mabuti ang taong
nakakapagpigil sa sarili
kaysa sa taong nakakasakop
ng isang lungsod.
Ang mapagpasensya
ay mas higit ang karunungan,
ngunit ang madaling magalit
ay nagpapakita ng kahangalan.
"Nalalapit na ang aking pagdating kaya magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti upang hindi kayo maagawan ng gantimpala.
Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal,
ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman.
Maaaring sa gabi ay may pagluha,
pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.