Publicidade

Pensamentos

Por Bíblia Online

A Bíblia ensina que somos fruto dos nossos pensamentos. Por isso, Deus nos chama a renovar a mente, pensar em coisas nobres e guardar o coração com toda diligência.

Pensar no que é bom

Paulo nos exorta a pensar no que é verdadeiro, honesto, justo, puro, amável e de boa fama. A mente renovada é o caminho da transformação.

Bukod diyan, mga kapatid, palagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais.

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, upang malaman ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Magpakabanal Kayo

Kaya palagi ninyong ihanda ang inyong isipan na gawin ang kalooban ng Diyos. Magpakatatag kayo at lubos na umasa na matatanggap nʼyo ang mga pagpapalang ibibigay sa inyo kapag dumating na si Hesu-Kristo.

Sa makakagawa ng higit pa sa hiniling o inaasahan natin sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang kumikilos sa atin, purihin natin siya magpakailanman dahil sa mga ginawa niya para sa iglesya na nakay Kristo Hesus. Amen.

Guardar a mente

A Palavra de Deus discerne os pensamentos e intenções do coração. Guardar a mente é proteger a alma das armadilhas do pecado.

Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao.

Higit sa lahat, ingatan mo

ang iyong isipan,

sapagkat kung ano ang iyong iniisip

iyon din ang magiging buhay mo.

Pag-isipan mong mabuti

ang iyong mga gagawin

upang magtagumpay ka.

Maaaring sa tingin mo

ang daang tinatahak mo ay matuwid,

ngunit kamatayan pala ang dulo nito.

Inaakala ng tao na tama

ang lahat ng kanyang ginagawa,

ngunit sinisiyasat ng Panginoon

kung ano ang nasa puso.

Os caminhos de Deus são mais altos

Os pensamentos de Deus são infinitamente superiores aos nossos. Devemos entregar nossos pensamentos a Ele e confiar em sua sabedoria.

Sinabi ng Panginoon,

"Ang aking kaisipan ay hindi katulad

ng inyong kaisipan,

at aking kapamaraanan ay hindi katulad

ng inyong kapamaraanan,

pahayag ng Panginoon."

Talikuran na ng mga taong masama

ang masasama nilang ugali

at baguhin na ang masasama nilang pag-iisip.

Magbalik-loob na sila

sa Panginoon na ating Diyos,

dahil kaaawaan at patatawarin niya sila.

Ipagkatiwala mo sa Panginoon

ang mga gagawin mo,

at magtatagumpay ka

sa iyong mga plano.

O Diyos, siyasatin ninyo ako,

upang malaman ninyo ang nasa puso ko.

Subukin ninyo ako, at alamin

ang aking mga iniisip.

Tingnan ninyo kung ako

ay may masamang pag-uugali,

at patnubayan ninyo ako

sa daang dapat kong tahakin

magpakailanman.

Panginoon, akoʼy inyong siniyasat

at kilalang-kilala.

Alam ninyo lahat, maging ang pag-upo at pagtayo ko;

Malayo man kayoʼy batid ninyo

ang aking iniisip.

Pensamento e conduta

Do coração procedem os males. A Bíblia nos adverte a não se preocupar excessivamente e a ter pensamentos sóbrios e disciplinados.

Sinabi pa ni Hesus, "Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya. Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masamang pag-iisip na nagtutulak sa kanyang gumawa ng seksuwal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay, pangangalunya, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira sa kapwa, pagmamayabang, at kahangalan. Ang lahat ng kasamaang ito ay nanggagaling sa puso ng tao, at nagpaparumi sa kanya."

Ang Katuruan tungkol sa Pagkabalisa

"Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin o iinumin, o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong susuotin. Hindi baʼt mas mahalaga ang buhay kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit?

At kapag nananalangin kayo, huwag kayong gumamit ng maraming salita na wala namang kabuluhan, tulad ng ginagawa ng mga Hentil. Akala nilaʼy pakikinggan sila kung marami silang sinasabi.

Babala Laban sa mga Pakitang-tao

Libu-libong tao ang dumagsa kay Hesus, kaya nagkakatapakan na sila. Binalaan ni Hesus ang mga alagad niya, "Mag-ingat kayo at baka mahawa kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo. Ang ibig kong sabihin ay ang kanilang pagpapakitang-tao. Walang natatago na hindi malalantad, at walang nalilihim na hindi mabubunyag. Kaya anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag, at anumang ibulong ninyo sa loob ng kuwarto ay malalaman ng lahat.

Ang Dapat Katakutan

"Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang kaya lamang nilang patayin ay ang katawan ninyo, at pagkatapos ay wala na silang magagawa pa. Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: Katakutan ninyo ang Diyos, dahil pagkatapos niyang patayin ang katawan ninyo ay may kapangyarihan pa siyang itapon kayo sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, siya ang dapat ninyong katakutan. Hindi baʼt napakamura lang ng halaga ng maya? Ngunit kahit isa sa kanila ay hindi nakakalimutan ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa sa maraming maya. Kahit nga ang bilang ng buhok ninyo ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot.

Ang Pagkilala kay Kristo

"Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang kumikilala sa akin bilang kanyang Panginoon sa harap ng mga tao, ang Anak ng Tao ay kikilala rin sa kanya sa harap ng mga anghel ng Diyos. Ngunit ang hindi kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay hindi ko rin kikilalanin sa harap ng mga anghel ng Diyos. Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad, ngunit ang magsalita ng kalapastanganan sa Banal na Espiritu ay hindi mapapatawad.

"Kapag dinala kayo sa mga sinagoga o sa mga tagapamahala ng bayan, huwag kayong mag-alala kung paano kayo mangangatwiran o kung ano ang sasabihin ninyo, sapagkat ituturo sa inyo ng Banal na Espiritu sa oras ding iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin."

Ang Mayamang Hangal

Sinabi kay Hesus ng isa sa mga tao, "Guro, sabihin nga po ninyo sa kapatid ko na ibigay niya sa akin ang bahagi ko sa mana namin."

Sumagot si Hesus, "Kaibigan, tagahatol ba ako o tagahati ng pag-aari ninyo?" Pagkatapos, sinabi rin niya sa kanila, "Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, dahil ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari."

At ikinuwento niya ang talinghaga na ito: "May isang mayamang may bukirin na umani nang sagana. Sinabi niya sa kanyang sarili, Ano kaya ang gagawin ko? Wala na akong mapaglagyan ng ani ko.

"At sinabi niya, Alam ko na! Gigibain ko ang mga bodega ko at magpapagawa ako ng mas malaki, at doon ko ilalagay ang ani at mga ari-arian ko. At dahil marami na akong naipon para sa maraming taon, magpapahinga na lang ako, kakain, iinom at magpapakaligaya!

"Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, Hangal! Ngayong gabi ay babawiin ko sa iyo ang buhay mo. Kanino ngayon mapupunta ang lahat ng inipon mo para sa iyong sarili?

"Ganyan ang mangyayari sa taong nagpapayaman ng sarili ngunit mahirap sa paningin ng Diyos."

Ang Katuruan tungkol sa Pagkabalisa

Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Kaya huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin; o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong susuotin. Dahil ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain, at ang katawan kaysa damit. Tingnan ninyo ang mga uwak. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iipon sa mga bodega, pero pinakakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa sa mga ibon! Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit kaunti sa pamamagitan ng pag-aalala? Kaya kung hindi ninyo kayang gawin ang ganyang kaliit na bagay, bakit kayo mag-aalala tungkol sa iba pang bagay?

"Tingnan ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang. Hindi sila nagtatrabaho o gumagawa ng maisusuot nila. Ngunit sasabihin ko sa inyo, kahit si Solomon ay hindi nakapagsuot ng kasingganda ng mga bulaklak na iyon sa kabila ng kanyang karangyaan. Kung dinadamitan ng Diyos nang ganito ang mga damo sa parang, na buhay ngayon pero kinabukasan ay malalanta at susunugin, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya! Kaya huwag kayong mabahala kung ano ang kakainin o iinumin ninyo; huwag kayong mag-alala tungkol sa mga bagay na ito. Ang mga bagay na ito ang pinapahalagahan ng mga tao sa mundo na hindi kumikilala sa Diyos. Ngunit alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang mga ito. Sa halip, pagsikapan muna ninyong gawin kung ano ang mahalaga sa kaharian ng Diyos at lahat ng mga pangangailangan ninyo ay ipagkakaloob niya.

Kayamanan sa Langit

"Kayong mga alagad ko ay kaunti lang. Ngunit huwag kayong matakot, dahil ipinagkaloob ng inyong Ama na maghari kayong kasama niya. Ipagbili ninyo ang mga ari-arian ninyo at ipamigay ang pera sa mga mahihirap, upang makaipon kayo ng kayamanan sa langit. Doon, ang maiipon ninyong kayamanan ay hindi maluluma o mauubos, sapagkat doon ay walang makakalapit na magnanakaw o makakapanirang insekto. Sapagkat kung nasaan ang kayamanan ninyo, naroon din ang puso ninyo.

Ang Mapagkakatiwalaang mga Utusan

"Maging handa kayo palagi sa pagbabalik ng inyong Panginoon, katulad ng mga aliping naghihintay sa pag-uwi ng kanilang amo mula sa kasalan. Nakahanda sila at nakasindi ang mga ilawan nila, upang sa pagdating at pagkatok ng amo nila ay mabubuksan nila agad ang pinto. Mapalad ang mga aliping madadatnan ng amo nila na gising at nagbabantay sa kanyang pag-uwi. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, maghahanda ang amo nila para pagsilbihan sila. Sila ay pauupuin niya sa kanyang mesa at pagsisilbihan habang kumakain sila. Mapalad ang mga aliping iyon kung madadatnan sila ng amo nila na handa kahit anong oras, hatinggabi man o madaling-araw. Tandaan ninyo ito: Kung alam ng isang tao kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya hahayaang pasukin nito ang bahay niya. Kayo man ay dapat maging handa, dahil ang Anak ng Tao, ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan."

Ang Tapat at Hindi Tapat na Alipin

Nagtanong si Pedro, "Panginoon, para kanino po ba ang talinghaga na iyon, para sa amin o para sa lahat?"

Sumagot ang Panginoon, "Hindi baʼt ang tapat at matalinong utusan ang pamamahalain ng amo niya sa mga kapwa niya alipin, upang siya ang magbibigay sa kanila ng pagkain sa tamang oras? Mapalad ang aliping iyon kapag nadatnan siya ng amo niya na ginagawa ang kanyang tungkulin. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, pamamahalain siya ng kanyang amo sa lahat ng mga ari-arian nito. Ngunit kawawa ang alipin kung inaakala niyang matatagalan pa bago bumalik ang amo niya, at habang wala ito ay pagmamalupitan niya ang ibang mga alipin, lalaki man o babae, at magpapakabusog siya at maglalasing. Darating ang amo niya sa araw o oras na hindi niya inaasahan, at parurusahan siya nang matindi at isasama sa mga hindi mapagkakatiwalaan.

"Ang aliping nakakaalam ng kagustuhan ng amo niya ngunit hindi naghahanda at hindi gumagawa ng kanyang tungkulin ay tatanggap ng mabigat na parusa. At ang aliping hindi nakakaalam ng kagustuhan ng amo niya, at nakagawa ng kamalian ay parurusahan din, pero magaan lang. Ang binigyan ng marami ay hahanapan ng marami. Mas marami nga ang pananagutan ng pinagkatiwalaan ng mas marami.

Ang Pagkakahati-hati ng Sambahayan Dahil kay Kristo

"Naparito ako sa lupa upang magdala ng apoy at gusto ko sanang magliyab na ito. Ngunit bago ito mangyari, may mga paghihirap na kailangan kong pagdaanan. At hindi ako mapapalagay hanggaʼt hindi ito natutupad. Akala ba ninyoʼy naparito ako upang magkaroon ng kapayapaan sa lupa? Ang totooʼy naparito ako upang magkaroon ng hidwaan. Mula ngayon, mahahati ang limang tao sa loob ng isang pamilya. Tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. Kokontrahin ng ama ang anak niyang lalaki, at kokontrahin din ng anak na lalaki ang kanyang ama. Ganoon din ang mangyayari sa ina at sa anak niyang babae, at sa biyenang babae at sa manugang niyang babae."

Magmatyag sa mga Nangyayari Ngayon

Sinabi ni Hesus sa mga tao, "Kapag nakita ninyo ang makapal na ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan, at umuulan nga. At kapag umihip naman ang hanging habagat ay sinasabi ninyong iinit, at umiinit nga. Mga pakitang-tao! Alam ninyo ang kahulugan ng mga palatandaang nakikita ninyo sa lupa at sa langit, pero bakit hindi ninyo alam ang kahulugan ng mga nangyayari ngayon?

Makipagkasundo sa Kaaway

"Bakit hindi ninyo mapagpasyahan kung ano ang matuwid? Kapag may nagdemanda sa iyo, pagsikapan mong makipag-ayos sa kanya habang papunta pa lang kayo sa hukuman; dahil baka pilitin ka pa niyang humarap sa hukom, at pagkatapos ay ibigay ka ng hukom sa alagad ng batas para ipabilanggo. Tinitiyak ko sa iyo, hindi ka makakalabas ng bilangguan hanggaʼt hindi mo nababayaran ang lahat ng multa mo."

"Ipinangako ko sa aking sarili

na hinding-hindi ako titingin

nang may pagnanasa sa isang dalaga.

Paglilingkod sa mga Mananampalataya kay Kristo

Sapagkat dahil sa biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo: Huwag ninyong pahalagahan nang higit sa nararapat ang inyong sarili. Sa halip, suriin ninyong mabuti ang inyong kakayahan ayon sa pananampalatayang ibinigay ng Diyos sa inyo.

Ang Pagkakawatak-watak sa Iglesya

Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na magkaisa kayong lahat, na walang hidwaang mamagitan sa inyo. Sa halip, magkaisa kayo sa isip at layunin.

Hindi baʼt walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu? Ganoon din naman, walang nakakaalam sa iniisip ng Diyos maliban sa kanyang Espiritu.

Huwag ninyong dayain ang inyong sarili. Kung mayroon man sa inyong nag-aakala na siyaʼy marunong ayon sa karunungan ng mundong ito, kinakailangang tigilan na niya ang ganyang pag-iisip upang maging marunong siya.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-