Publicidade

Repouso e férias

Por Bíblia Online

Deus criou o descanso como parte da vida. O sábado, o repouso e até as férias refletem a confiança de que Deus sustenta todas as coisas — mesmo quando paramos.

O descanso como ordenança

Deus descansou no sétimo dia e nos convidou a fazer o mesmo. O descanso sabático é um presente de Deus para restauração do corpo e da alma.

Kaya may kapahingahan pang nakalaan sa mga taong sakop ng Diyos. At ang kapahingahang itoʼy katulad ng pagpapahinga ng Diyos sa ikapitong araw. Sapagkat ang sinumang makakaranas ng kapahingahang mula sa Diyos ay makakaranas din ng kapahingahan sa kanyang mga gawain, tulad ng pamamahinga ng Diyos matapos niyang likhain ang lahat.

"Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga.

Huwag ninyong iisipin

ang pansarili ninyong kapakanan

sa natatanging araw na iyon.

Ipagdiwang ninyo ang Araw ng Pamamahinga,

at parangalan ninyo ang araw ng Panginoon

sa pamamagitan ng pagpipigil

sa mga sarili ninyong kagustuhan at kaligayahan,

at pagtigil sa pagsasalita

nang walang kabuluhan.

Kapag ginawa ninyo ito,

magiging maligaya kayo

sa inyong paglilingkod sa akin.

Pararangalan ko kayo

sa buong mundo.

Pasasaganain ko ang ani

ng lupaing inyong minana

sa inyong ninunong si Jacob."

Mangyayari nga ito dahil sinabi ng Panginoon.

Kaya kung kumain man kayo o uminom, o anuman ang gawin ninyo, gawin ninyo ang lahat ng ito para sa kaluwalhatian ng Diyos.

Sono e paz

Ditar-se em paz e dormir tranquilamente é bênção do Senhor. Quem confia nele dorme sem medo e acorda renovado.

Sa aking pagtulog, panatag ang aking loob,

sapagkat kayo, Panginoon, ang nakabantay sa akin.

At dahil iniingatan nʼyo ako,

nakakatulog ako at nagigising pa.

Walang kabuluhan ang paggising nang maaga

at pagtulog nang gabing-gabi na sa pagtatrabaho upang may makain,

dahil ang Panginoon ang nagbibigay ng mga pangangailangan ng kanyang mga minamahal,

kahit silaʼy natutulog.

At sa gabi, hindi ka matatakot

sa anumang bagay,

maging sa palaso ng mga kaaway,

kapag sumapit ang araw,

Makakatulog ka nang mahimbing

at walang kinakatakutan.

Mahimbing ang tulog

ng isang manggagawa,

marami man o kaunti ang pagkain niya;

pero ang mayaman,

hindi makatulog nang mahimbing

dahil sa kanyang kayamanan.

Descanso e segurança

No repouso, encontramos segurança. Deus guarda os justos, e mesmo no silêncio da noite, sua paz nos protege e restaura.

Mapapanatag ang buhay mo

dahil may bago kang pag-asa.

Iingatan ka ng Diyos at

makapagpapahinga ka

nang walang kinatatakutan.

Matutulog ka nang walang takot,

at marami ang hihingi ng tulong sa iyo.

Sapagkat kapag namatay

ang taong matuwid,

magkakaroon na siya

ng kapayapaan at kapahingahan.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-