Ressurreição
A ressurreição é o pilar da fé cristã. Se Cristo não ressuscitou, é vã a nossa fé. Mas Ele venceu a morte, e essa é a garantia da nossa própria ressurreição.
Cristo ressuscitou
O túmulo está vazio! Os anjos declararam: 'Ele não está aqui; ressuscitou!' A ressurreição de Cristo é o fato mais transformador da história.
Sinabi ng anghel sa mga babae, "Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, dahil nabuhay siyang muli tulad ng sinabi niya. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan ng kanyang bangkay.
Ngunit sinabi ng lalaki sa kanila, "Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Hesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Tingnan ninyo ang pinaglagyan ng bangkay niya.
Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Hindi ba sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya, na ang Anak ng Tao ay kailangang ipasakamay sa mga makasalanan at ipako sa krus, pero mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw?"
Pumasok na rin ang alagad na naunang nakarating, at nakita rin niya ang mga ito. Kahit na hindi pa nila nauunawaan ang tungkol sa sinasabi ng Kasulatan na si Hesus ay muling mabubuhay, naniwala siya.
Sapagkat ibinigay ko sa inyo ang pinakamahalagang aral na ibinigay sa akin: Na si Kristoʼy namatay para iligtas tayo sa ating mga kasalanan, ayon sa Kasulatan. Inilibing siya ngunit muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan.
Ressurreição e vida eterna
Jesus disse: 'Eu sou a ressurreição e a vida.' Quem crê nele viverá, mesmo que morra. A morte foi derrotada na cruz e no túmulo vazio.
Sinabi ni Hesus sa kanya, "Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay mabubuhay. Ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?"
Dahil sa isang tao, dumating ang kamatayan sa lahat ng tao. At dahil din sa isang tao, nagkaroon ng muling pagkabuhay.
Naniniwala tayong si Hesus ay namatay at muling nabuhay. Kaya naman nakakatiyak tayo na muling bubuhayin ng Diyos ang mga namatay na sumasampalataya kay Hesus at isasama niya sila kay Hesus sa kanyang pagbabalik.
Sapagkat ang pag-ibig ni Kristo ang siyang nag-uudyok sa amin na sundin ang kanyang kalooban. Kumbinsido kami na namatay si Kristo para sa lahat, kaya maituturing din na namatay ang lahat. Namatay siya para sa lahat, upang ang lahat ng nabubuhay ngayon ay hindi na mamumuhay para sa sarili, kundi para sa kanya na namatay at nabuhay para sa kanila.
At kung nakasama tayo sa kanyang kamatayan, tiyak na mabubuhay tayong muli tulad ng muli niyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinako na sa krus kasama ni Kristo upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo alipinin pa ng kasalanan.
Nossa esperança futura
A ressurreição de Cristo garante nossa esperança viva. O Deus de paz trouxe dos mortos o grande Pastor das ovelhas para nossa salvação.
Papuri sa Diyos para sa Isang Buháy na Pag-asa
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Dahil sa dakilang awa niya sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo.
Ang tubig na itoʼy larawan ng bautismong nagliligtas sa atin sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo. Hindi ito paghuhugas ng dumi sa katawan, kundi pangako natin sa Diyos na hindi na tayo gagawa ng anumang bagay na alam nating labag sa kalooban niya.
Basbas at mga Pangwakas na Pagbati
Idinadalangin ko rin kayo sa Diyos na siyang pinagmumulan ng kapayapaan. Siya ang bumuhay sa ating Panginoong Hesus na Dakilang Pastol nating mga tupa niya. At dahil sa kanyang dugo, pinagtibay niya ang walang hanggang kasunduan. Nawaʼy ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng inyong kailangan upang masunod ninyo ang kanyang kalooban. At sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, nawaʼy gawin niya sa atin ang kalugod-lugod sa kanyang paningin. Purihin natin siya magpakailanman. Amen.
Nais ko ngayon na higit pang makilala si Kristo, maranasan ang kapangyarihan ng muli niyang pagkabuhay, makabahagi sa mga paghihirap niya at matulad sa kanya, sa kamatayan niya.
Mapalad at banal ang mga kabilang sa unang pagkabuhay ng mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang ikalawang kamatayan. Magiging mga pari sila ng Diyos at ni Kristo, at maghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
At nakita ko ang mga namatay, tanyag at hindi, na nakatayo sa harap ng trono. Binuksan ang mga aklat, pati na ang aklat buhay. At ang bawat isa sa kanila ay hinatulan ayon sa ginawa nila na nakatala sa mga aklat na iyon. Kahit sa dagat sila namatay o sa lupa, naglabasan sila mula sa mundo ng mga patay at hinatulan ang lahat ayon sa mga ginawa nila.
Ngunit tinulungan ako ng Diyos hanggang sa araw na ito. Kaya narito ako ngayon para sabihin sa lahat, sa mga kilalang tao o hindi, ang sinabi noon ng mga propeta at ni Moises na mangyayari: na ang Mesias ay dapat magdusa at mamatay, at unang mabubuhay mula sa kamatayan para magbigay ng liwanag sa mga Hudyo at sa mga Hentil."
"Pupunta na tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay sa mga hindi Hudyo para insultuhin, hagupitin at ipako sa krus. Ngunit mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw."