Sacrifício
O sacrifício é o coração do evangelho. Jesus entregou tudo por nós na cruz, e somos chamados a oferecer nossas vidas como sacrifício vivo, agradável a Deus.
O sacrifício supremo de Cristo
Jesus deu a própria vida como resgate por muitos. Seu sacrifício na cruz é o ato supremo de amor de toda a história — o Justo morrendo pelos injustos.
Sapagkat kahit ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang tubusin ang maraming tao!"
Maging ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo, hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at magbigay ng kanyang buhay para maligtas ang maraming tao."
"Pupunta na tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay sa mga hindi Hudyo para insultuhin, hagupitin at ipako sa krus. Ngunit mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw."
Hinubaran nila siya at sinuotan ng pulang kapa. Gumawa sila ng koronang tinik at ipinutong sa kanya, at ipinahawak ang isang tungkod sa kanyang kanang kamay. Lumuhod sila sa harap niya at pakutyang sinabi, "Mabuhay ang Hari ng mga Hudyo!"
Sumigaw nang malakas si Hesus, "Ama, ipinagkakatiwala ko sa inyong mga kamay ang aking espiritu!" At pagkasabi niya nito, nalagot ang kanyang hininga.
Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.
Noong tayoʼy walang kakayahang sundin ang kalooban ng Diyos, namatay si Kristo para sa atin na mga makasalanan sa panahong itinakda ng Diyos.
O cordeiro sem defeito
Cristo nos resgatou com seu sangue precioso, como cordeiro sem defeito. Ele se ofereceu uma vez por todas para tirar os pecados do mundo.
Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak, kundi ang mahalagang dugo ni Kristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Diyos.
Ganoon din naman, minsan lang namatay si Kristo nang inihandog niya ang kanyang sarili upang alisin ang kasalanan ng mga tao. At muli siyang babalik dito sa mundo, hindi na upang akuing muli ang kasalanan ng mga tao, kundi upang iligtas ang mga taong naghihintay sa kanya.
Kung nakakalinis ang mga ito, higit na nakakalinis ang dugo ni Kristo. Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu, inialay ni Kristo ang sarili niya bilang handog na walang kapintasan sa Diyos. Ang dugo niya ang lilinis sa ating pusoʼt isipan upang matalikuran natin ang mga gawaing walang kabuluhan at paglingkuran ang Diyos na buháy.
Ngunit kung namumuhay tayo sa liwanag, tulad ng Diyos na nasa liwanag, may pagkakaisa tayo, at nililinis tayo ng dugo ni Hesus na kanyang Anak sa lahat ng kasalanan.
Sapagkat ibinigay ko sa inyo ang pinakamahalagang aral na ibinigay sa akin: Na si Kristoʼy namatay para iligtas tayo sa ating mga kasalanan, ayon sa Kasulatan. Inilibing siya ngunit muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan.
Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Kristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Diyos.
Ibinigay niya ang kanyang sarili para sa atin upang tubusin tayo sa lahat ng kasamaan, at linisin tayo upang maging bayang pag-aari niya na masigasig sa paggawa ng mabuti.
Nosso sacrifício em resposta
Movidos pelo amor de Cristo, somos chamados a oferecer nossas vidas, nossos bens e nosso serviço como sacrifício vivo. Deus se agrada da entrega generosa.
Huwag na ninyong gamitin ang alinmang bahagi ng inyong katawan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, ialay ninyo ang inyong sarili sa Diyos bilang mga taong binigyan ng buhay. Ilaan ninyo sa Diyos ang inyong katawan sa pamamagitan ng paggawa ng nararapat sa kanyang harapan.
Ang sinumang nagsisikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang mag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay maililigtas ito.
Parangalan mo ang Panginoon
sa pamamagitan
ng paghahandog sa kanya
ng mga unang bunga ng iyong ani.
Ang paggawa ng matuwid at makatarungan
ay kalugod-lugod sa Panginoon
kaysa sa paghahandog.
Humayo kayo at intindihin nʼyo kung ano ang kahulugan nito: ‘Ang hinahangad koʼy ang maging maawain kayo, hindi ang handog ninyo.’ Sapagkat naparito ako hindi para tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan."
Ngunit maghahandog ako sa inyo
nang may awit ng pasasalamat.
Tutuparin ko ang pangako ko
na maghahandog sa inyo.
Kayo po, Panginoon,
ang nagliligtas."
Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay rin niya sa atin ang lahat ng bagay.
Sinabi niya, "Ama, magagawa nʼyo ang lahat ng bagay. Kung maaari, ilayo nʼyo sa akin ang mga paghihirap na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masusunod kundi ang kalooban ninyo."
Ngunit hindi mahalaga sa akin kung ano man ang mangyayari sa aking buhay; nais ko lamang na matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Hesus, na maipangaral ang Magandang Balita tungkol sa biyaya ng Diyos.