Publicidade

Superação

Por Bíblia Online

Superar desafios, dificuldades e tentações faz parte da caminhada cristã. A Bíblia nos garante que, em Cristo, somos mais que vencedores em todas as circunstâncias.

Vitória em Cristo

Jesus já venceu o mundo. Nele temos coragem, paz e a certeza de que nenhuma adversidade poderá nos derrotar definitivamente.

"Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, ngunit magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo."

"Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, ngunit magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo."

Ngunit kahit ganito ang kalagayan natin, ganap ang ating tagumpay sa tulong ni Kristo na nagmamahal sa atin.

Ngunit salamat sa Diyos dahil binigyan niya tayo ng tagumpay sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Ngunit salamat sa Diyos dahil binigyan niya tayo ng tagumpay sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

dahil napagtatagumpayan ng bawat anak ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng pananampalataya.

Sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ay sumusunod sa kanyang mga utos. At hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos, dahil napagtatagumpayan ng bawat anak ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng pananampalataya. At sino nga ba ang nagtatagumpay laban sa mundo? Walang iba kundi ang sumasampalataya na si Hesus ang Anak ng Diyos.

At sino nga ba ang nagtatagumpay laban sa mundo? Walang iba kundi ang sumasampalataya na si Hesus ang Anak ng Diyos.

Nagtagumpay na ang ating mga kapatid

sa pamamagitan ng dugo ng Kordero

at ng kanilang patotoo.

Hindi nila pinahalagahan ang kanilang buhay

maging sa harap ng kamatayan.

Superando o mal com o bem

O cristão vence o mal não com violência, mas com o bem. O amor, a fé e a perseverança são as armas da superação.

Huwag kayong padadaig sa kasamaan, sa halip talunin ninyo ang kasamaan sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan.

Huwag kayong padadaig sa kasamaan, sa halip talunin ninyo ang kasamaan sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan.

Ang ilaw na itoʼy nagliliwanag sa kadiliman, at kailanmaʼy hindi madadaig ng kadiliman.

Ngunit salamat sa Diyos dahil palagi siyang nangunguna sa ating parada ng tagumpay dahil tayoʼy nakay Kristo. At ngayon ginagamit kami ng Diyos para ipakilala si Kristo sa mga tao. Itoʼy ipinapalaganap namin na parang halimuyak ng pabango.

Kung pinatawad na ninyo ang taong nagkasala, pinatawad ko na rin siya. At kung nagpatawad man ako, saksi si Kristo na ginawa ko iyon alang-alang sa inyo. Hindi tayo dapat malamangan ni Satanas. Sapagkat alam naman natin ang mga pakana niya.

"Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo sa tabi ko sa aking trono, tulad kong nagtagumpay at ngayoʼy nakaupo sa tabi ng aking Ama sa kanyang trono.

"Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo sa tabi ko sa aking trono, tulad kong nagtagumpay at ngayoʼy nakaupo sa tabi ng aking Ama sa kanyang trono.

Ang magtatagumpay ay bibihisan ng puting damit at hindi ko buburahin ang pangalan niya sa aklat ng buhay. Sa halip, kikilalanin ko silang mga alagad sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel.

Força e coragem divina

Deus é nosso escudo e fortaleza. Quando o medo tenta nos paralisar, a presença do Senhor nos fortalece e nos encoraja a prosseguir.

Ang Panginoon ang aking ilaw

at Tagapagligtas.

Sino ang aking katatakutan?

Siya ang nagtatanggol sa akin

kaya wala akong dapat katakutan.

Ngunit kayo Panginoon ang aking kalasag.

Pinagtatagumpay ninyo ako,

at ibinabalik ang aking pag-asa.

Hindi ako nagtitiwala sa aking espada at pana

upang akoʼy magtagumpay,

dahil kayo ang nagbibigay ng tagumpay sa amin.

Hinihiya nʼyo ang mga kumakalaban sa amin.

O Diyos, kayo ang lagi naming ipinagmamalaki,

at pupurihin namin kayo magpakailanman.

Panginoon, patuloy nʼyo kaming iligtas.

Pagtagumpayin nʼyo kami sa lahat

ng aming ginagawa.

Pinagpapala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.

Pagpalain sana kayo ng Panginoon

mula sa kanyang Templo.

Tingnan ninyo ang lupaing ibinigay niya sa inyo. Angkinin ninyo ito ayon sa sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno. Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob."

Sapagkat ang Panginoon na inyong Diyos ang sasáma sa inyo! Makikipaglaban siya para sa inyo laban sa mga kaaway ninyo at pagtatagumpayin niya kayo!"

Panginoon, bigyan nʼyo

nang lubos na kapayapaan

ang taong kayo lagi ang iniisip

dahil nagtitiwala siya sa inyo.

Kaya kong harapin ang kahit anong sitwasyon sa pamamagitan ni Kristo na nagpapatatag sa akin.

Mga minamahal kong anak, kayoʼy sa Diyos at napagtagumpayan na ninyo ang mga bulaang propeta, dahil ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa sa espiritung naghahari ngayon sa mundo.

Mga minamahal kong anak, kayoʼy sa Diyos at napagtagumpayan na ninyo ang mga bulaang propeta, dahil ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa sa espiritung naghahari ngayon sa mundo.

Resistindo a tentação

A armadura de Deus nos protege contra as investidas do mal. Resistir ao diabo, vigiar e orar são essenciais para a superação espiritual.

At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan. Isuot ninyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Diyos upang malabanan ninyo ang masasamang plano ng diyablo. Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi mga masamang espiritu sa kalangitan – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito. Kaya gamitin ninyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Diyos, upang sa oras na dumating ang kasamaan ay magawa ninyong makipaglaban, at pagkatapos ng pakikipaglaban ay manatili pa rin kayong matatag.

Kaya maging handa kayo. Gawin ninyong sinturon ang katotohanan. Isuot ninyo ang pagkamatuwid bilang pananggalang sa dibdib ninyo. Isuot ninyo bilang sapatos ang pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan. Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo upang hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. Isuot ninyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin ninyo bilang espada ang Salita ng Diyos na kaloob ng Espiritu.

iwanan na ninyo ang dati ninyong pagkatao at pamumuhay. Ang pagkataong ito ang siyang nagpapahamak sa inyo dahil sa masasamang hangarin na dumadaya sa inyo. Baguhin na ninyo ang inyong pag-iisip at pag-uugali, at isuot ang bago ninyong pagkatao na nilikhang naaayon sa matuwid at banal na Diyos.

Kung magalit man kayo, "huwag kayong magkasala". At huwag ninyong hayaan na lumipas ang araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon si Satanas.

Kaya magpasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayo ito sa inyo. Lumapit kayo sa Diyos at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin ninyo ang inyong puso.

Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo.

Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Diyos sa mga nagmamahal sa kanya.

Huwag sabihin ninuman kapag siyaʼy dumaranas ng pagsubok, "Akoʼy tinutukso ng Diyos," sapagkat hindi maaaring matukso ng masama ang Diyos, at hindi rin niya tinutukso ang sinuman. Natutukso ang isang tao kapag nahihikayat siya at nadadala ng sariling pagnanasa. At kung susundin niya ang pagnanasa niya, magbubunga ito ng kasalanan; at kung magpapatuloy siya sa kasalanan, hahantong ito sa kamatayan.

Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Diyos na hindi niya tayo pababayaang subukin nang higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan upang mapagtagumpayan ninyo ito.

Ipaglaban mong mabuti ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil tinawag ka ng Diyos para sa buhay na ito nang ipahayag mo ang pananampalataya mo sa harap ng maraming saksi.

Ang mga taong naghahangad yumaman ay nahuhulog sa tukso, sa isang bitag ng mapanira at walang kabuluhang mga hangarin na nagdadala sa kanila sa kamatayan at kapahamakan.

Perseverança até o fim

A corrida da fé exige perseverança. Devemos lançar fora todo peso e olhar para Jesus, o autor e consumador da nossa fé.

Samakatuwid, dahil napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Diyos, talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Diyos para sa atin.

Isipin nʼyo ang mga tiniis ni Hesus na paghihirap sa kamay ng mga makasalanang tao, upang hindi kayo panghinaan ng loob.

At dahil siya mismo ay nakaranas ng paghihirap nang tuksuhin siya, matutulungan niya ang mga dumaranas ng tukso.

Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyo, ang diyablo, ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa. Patatagin ninyo ang inyong pananampalataya sa Diyos at labanan ninyo ang diyablo. Alalahanin ninyong ang mga paghihirap na nararanasan ninyo ay nararanasan din ng mga kapatid nʼyo kay Kristo sa buong mundo.

Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Diyos upang maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Kristo.

Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyo, ang diyablo, ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa.

Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo, kahit dumanas pa tayo ng mga pagsubok, paghihirap, pag-uusig, gutom, kawalan, panganib, o maging kamatayan.

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Ililigtas ako ng Panginoon sa lahat ng kasamaan, at dadalhin niya akong ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin ang Diyos magpakailanman! Amen!

Ngunit matapat ang Panginoon; bibigyan niya kayo ng lakas at iingatan laban sa masama.

Descanso e renovação

Jesus convida os cansados e sobrecarregados a descansar nele. Sua graça é suficiente para nos renovar em meio às tribulações.

"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.

Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa kung anuman ang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Diyos,

"Hinding-hindi ko kayo iiwan

ni pababayaan man."

Sapagkat walang imposible sa Diyos."

Kaya sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin, upang hindi kayo madaig ng tukso."

Pagdating nila roon, sinabi niya sa kanila, "Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso."

Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway. At walang anumang makapipinsala sa inyo.

Magpuyat kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso. Ang espiritu ay handang sumunod, ngunit mahina ang laman."

"Magalak kayo,

kayong mga mamamayan ng Zion!

Sumigaw kayo sa tuwa,

kayong nasa Jerusalem!

Sapagkat ang inyong hari ay darating na.

Matuwid siya at matagumpay.

Mapagpakumbaba siya,

at darating na nakasakay

sa bisirong asno.

Ngunit ang nagpapatuloy sa kasalanan ay kampon ng diyablo, dahil ang diyablo ay gumagawa na ng kasalanan mula pa sa simula. Ito ang dahilan kung bakit naparito ang Anak ng Diyos: upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.

Sumusulat ako sa inyo, mga anak,

sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan

alang-alang sa kanyang pangalan.

Sumusulat ako sa inyo, mga ama,

sapagkat kilala nʼyo siya

na naroon na mula sa pasimula.

Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan,

sapagkat napagtagumpayan ninyo si Satanas.

Sumusulat ako sa inyo, mga anak,

sapagkat kilala nʼyo na ang Ama.

Sumusulat ako sa inyo, mga ama,

sapagkat kilala nʼyo siya

na naroon na mula sa pasimula.

Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan,

sapagkat matatag ang inyong pananampalataya.

Nananatili sa inyo ang salita ng Diyos,

at napagtagumpayan ninyo si Satanas.

Huwag Ibigin ang Mundo

Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay, sapagkat ang sinumang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama.

Hindi baʼt tayong mga mananampalataya ay bahagi ng katawan ni Kristo? Iyan ang dahilan kung bakit hindi talaga natin maaaring gamitin ang ating katawan, na bahagi ng katawan ni Kristo, sa pakikipagtalik sa babaeng bayaran. Hindi baʼt ang nakikipagtalik sa ganoong uri ng babae ay nagiging kaisang-katawan na niya? Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, "Silang dalawaʼy magiging isa." At kung nakikipag-isa tayo sa Panginoong Hesu-Kristo kaisa niya tayo sa espiritu.

Kaya lumayo kayo sa seksuwal na imoralidad. Ang ibang kasalanang ginagawa ng tao ay walang kinalaman sa kanyang katawan, ngunit ang gumagawa ng seksuwal na imoralidad ay nagkakasala sa sarili niyang katawan. Hindi baʼt ang katawan ninyo ay templo ng Banal na Espiritung nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos? Kung ganoon, ang katawan ninyoʼy hindi sa inyo kundi sa Diyos, dahil tinubos niya ng napakalaking halaga. Kayaʼt luwalhatiin ninyo ang Diyos gamit ang inyong katawan.

Kaya mamuhay kayo nang ayon sa Espiritu upang hindi ninyo mapagbigyan ang pagnanasa ng laman. Sapagkat ang ninanasa ng laman ay laban sa nais ng Espiritu, at ang nais ng Espiritu ay laban sa ninanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito, kaya hindi ninyo magawa ang gusto ninyong gawin.

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-22_10-02-25-