Pular para o conteúdo
Publicidade

Sobre ter filhos

Por Bíblia Online

Filhos são uma dádiva do Senhor, uma herança que Deus confia aos pais. A Bíblia celebra a maternidade e a paternidade como vocações sagradas e fontes de bênção.

Filhos: herança do Senhor

A Escritura declara que os filhos são bênção de Deus. Cada criança é um presente precioso confiado aos pais para ser cuidado com amor.

Ang mga anak ay pagpapala

at gantimpalang mula sa Panginoon.

Ang anak na isinilang sa panahon ng kabataan ng kanyang ama

ay parang pana sa kamay ng sundalo.

Mapalad ang taong may maraming anak,

dahil may tutulong sa kanya

kapag humarap siya sa kanyang mga kaaway sa hukuman.

Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasan

sa inyong tahanan, na sagana sa bunga,

at ang inyong mga anak na nakapaligid

sa inyong hapag-kainan

ay parang mga bagong tanim na olibo.

Pinaliligaya niya ang baog na babae

sa tahanan nito,

sa pamamagitan ng pagbibigay

sa kanya ng mga anak.

Purihin ninyo ang Panginoon!

Binasbasan sila ng Diyos at sinabi, "Magkaanak kayo at magpakarami. Punuin ninyo ang daigdig at pamahalaan ninyo ito. Pamunuan ninyo ang mga isda sa dagat, ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat nilalang na gumagalaw sa lupa."

Instruir nos caminhos de Deus

A Bíblia orienta os pais a instruir seus filhos nos caminhos do Senhor desde cedo, com dedicação, disciplina e exemplo.

Ituro sa bata ang daang

dapat niyang sundan,

at kahit sa kanyang pagtanda

ay hindi niya ito kalilimutan.

Kaya panatilihin ninyo ang mga salita kong ito sa inyong pusoʼt isipan. Itali ninyo ito sa mga braso ninyo at ilagay sa inyong noo bilang paalala sa inyo. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag naroon kayo sa inyong bahay at kapag naglalakad kayo, kapag nakahiga kayo o kapag kayoʼy babangon.

Mga magulang, huwag kayong gumawa ng anumang bagay na ikasasama ng loob ng mga anak nʼyo upang hindi sila panghinaan ng loob.

Disiplinahin mo ang iyong anak

at bibigyan ka niya ng kapayapaan

at kaligayahan.

Cada vida é preciosa

Deus conhece e forma cada criança no ventre. Antes de nascer, Ele já nos separou e preparou um propósito para cada vida.

"Jeremias, bago kita nilikha sa tiyan ng iyong ina,

pinili na kita.

At bago ka isinilang, hinirang kita

at itinalaga upang maging propeta

sa mga bansa."

Kilala ninyo ako, dahil kayo

ang lumalang sa akin.

Kayo ang humubog sa akin

sa sinapupunan ng aking ina.

Pinupuri ko kayo

sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.

Alam na alam kong ang inyong mga gawa

ay tunay na kahanga-hanga.

Nakita ninyo ang aking mga buto

nang akoʼy lihim na hubugin

sa sinapupunan ng aking ina.

Kahit ang mga bata at sanggol

sa inyoʼy nagpupuri;

Kaya ang inyong mga kaaway

ay napapahiya at tumatahimik.

Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Langit."

Seja o primeiro